CHAPTER 16

984 40 1
                                    

ARLVENA ZERIDA TURLEN

One week later.

Tuluyan na ngang gumaling si Nariah.

Ngayon ay papunta na ako sa gate dahil sabi ni headmaster doon daw kami magkikita-kita. So basically pagkagising ko ay wala na akong kasama.

Ni hindi man lang nila ako ginising.

Kaya ngayon ay nagmamadali akong mag-impake ng mga damit dahil hindi namin alam kung hanggang kailan kami magtatagal sa mundong iyon.

Kumuha ako ng tatlong ham sandwich at patakbong tinungo ang labas. Pinagtitinginan pa ako ng ibang estudyante pero iniirapan ko lang sila.

Muntik pa akong madapa dahil sa mga nakaharang na malalaking bato sa mga damo. Hinihingal na pumunta ako sa gawi nila at hindi ko namalayan na nakaharang pala ang paa ni Mira kaya naman ay natisod ako at natumba.

"Ouch!" Sigaw ko. Ang mga dala kong sandwich ay nagkalat sa damuhan at ang aking mukha ay nakabaon sa lupa.

Ano nanamang kahihiyan ang ginagawa mo Arlvena?!

Dahan-dahan akong bumangon habang hawak ng kaliwa kong kamay ang aking noo dahil nagdudugo ito. Kamalasan nga naman.

"Masarap bang magswimming diyan?" Pang-aasar ni Verto na ikinasama ng timpla ng aking mukha. "Mukha bang may tubig sa pinaghulugan ko?!" Singhal ko sa kaniya. "Eh bakit ka naman kasi nagd-dive diyan sa damuhan eh kita mo namang walang tubig diyan." Aniya.

Konting-konti nalang talaga ay sasabog na ako. Lagi namang ganito ang senaryo sa tuwing magkakaharap kami. Laging mag-aaway na parang aso't pusa. At laging magbabangayan na parang mag-asawa.

Pero sa tuwing naaalala ko ang confession na nangyari sa'min sa jail booth ay hindi ko maiwasang mapulahan ng mukha. Sa tuwing lumalapit siya sa'kin ay parang nag-iinit ang aking pakiramdam. Mismong ang katawan ko ang nagrereact sa presensiya niya.

"Are you okay?" Tanong sa'kin ni Mira na ikinasama ng tingin ko sa kaniya. "Mukha ba akong okay?" Sarkatiskong tanong ko sa kaniya na ikinailing niya.

Takang tinignan ko siya ng makitang may kinukuha siya sa kaniyang bag. Namilog ang mga mata ko nang makita ang hawak niya.

Isang band aid na may design na bear.

A piece of memory suddenly flashed on my mind.

"Aray ko!" Singhal ko ng makitang nagdudugo ang aking tuhod. Tumingin ako sa aking maliliit na mga kamay at tinitigan ito.

Hindi ko pa gamay ang gumamit ng healing magic gamit ang nature magic. Ayaw pa siyang ituro sa'kin ni Ina.

Gamit ang maiiksi kong braso ay sinusubukan kong abutin ang lubid malapit sa may puno para gawin kong panglakas.

"Ayos ka lang ba?" Isang maliit na boses ang narinig ko mula sa aking likod kung kaya't lumingon ako roon.

Mula sa aking kinauupuan ay nakita ko ang isang batang babae na gutay-gutay ang damit habang may hawak na libro. Sinubukan kong basahin ang pamagat ng librong hawak niya.

How to train your air magic?

Basa ko sa pamagat ng librong hawak niya. Kunot-noo kong tinignan ang libro niya. Pabalik-balik ang tingin ko sa kaniya at sa librong hawak niya.

Simple lang naman ang itsura niya. Mayroon siyang eyeglasses na suot at ang kaniyang blonde na buhok ay nililipad ng hangin. Medyo kulot ang pagkakastyle ng buhok niya at mahaba rin. Medyo matured ang itsura niya at nakataas ang kilay sa'kin. Hindi rin naman siya masyadong katangkaran.

Dahan-dahan siyang lumapit sa'kin at nang nasa harapan ko na siya ay umupo siya. "Are you okay?" Tanong niya sa'kin. Tinaasan ko siya ng kilay at marahang tumawa. "Mukha ba akong okay?" Nguso kong tanong sa kaniya na ikinatawa niya ng mahina.

"Saglit lang ah." Tumango ako at pinagmasdan ang bawat galaw niya. May kinukuha siyang kung ano sa kaniyang bag. Hindi ko man lang napansin na may dala pala siyang bag kanina. I guess masyado akong nagfocus sa librong hawak niya.

Kunot-noo kong tinignan siya ng makita mula sa kaniyang maliliit na kamay ang isang band aid. Isang band aid na may design na bear.

Napangiwi ako. "Bear?" Nahihiyang tanong ko na ikinatango niya. Kukunin ko na sana ang band aid ngunit tinampal niya ang aking kamay. "Why?" Angal ko sa kaniya.

Hindi siya nagsalita bagkus dinikit niya ang band aid sa aking tuhod. Dahan-dahan niya itong dinikit sa'kin para hindi ko maramdaman ang sakit. "Ayan! Natakpan ko na!" Magiliw niyang saad na ikinatulala ko.

Hindi ko pa alam ang pangalan niya o kung bakit niya ako tinulungan.

Kinuha ko ng mabilis ang kaniyang mga kamay dahilan kung bakit nanlaki ang mga mata niya. Tinignan ko siya gamit ang masisigla kong tingin. "Ako si Arlvena! Anong pangalan mo?"

Nakita ko ang pagdadalawang isip niya kung kaya't mas lalo kong inilapit ang aking mukha sa kaniya. Kita ko ang pagpula ng mamumunti niyang pisngi. "A-Ako si Mira, galing ako sa Air fairies clan." Aniya. Namamangha ko siyang tinignan.

"Ang galing! Nagmula naman ako sa Nature fairies clan! Parehas lang pala tayo ng uri!" Magiliw kong sambit na ikinangiti niya.

"Saan ka nga pala nanggaling, Mira?" Tanong ko na ikinaiwas niya ng tingin. "G-Galing ako sa training kasama si Ama pero hindi ko naman alam kung paano palisamahan ang hangin." Sagot niya na ikinatawa ko ng malakas. "Bakit ka tumatawa?"

"Eh kasi! Parehas lang naman tayo ng sitwasyon noh! Hindi ko rin alam kung paano kontrolin ang nature." Marahan kong sagot na ikinatawa niya din.

Napatawa ako sa iniisip ko. Same scenario. Senaryo kung saan ko unang nakilala si Mira. Hindi ko naman aakalain na lalaki siyang mataray.

"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Taas kilay niyang tanong. "Wala! Naalala ko lang kung paano tayo unang nagkita."

Pinamulahan naman siya ng mukha at agad akong sinamaan ng tingin. Tinampal niya sa noo ko ang band aid na padabog na tumayo. "Oh! Ikaw nalang maggamot sa sarili mo! Bahala ka diyan!"

Napatawa naman ako ng malakas. She's always the same Mira. Tumaray nga lang.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon