CHAPTER 38

753 33 0
                                    

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

"Hoy, Shean! Nakikinig ka ba sa sinasabi ko?"

"W-What?"

"Hindi ka nga nakikinig sa mga sinasabi ko. Hay nako! Ewan ko ba sayo kanina ka pa nakatulala diyan sa kawalan. May nangyari ba hah?"

Napatingin ako sa aking gilid at do'n ay nakita ko si Vera na kinakausap si Shean na kanina pa tulala at parang wala sa sarili.

Nandito na kami sa room na pinareseve para sa amin. Pero nandito parin kami sa stadium kung saan gaganapin ang laban. Natapos naman ng maayos ang opening kanina. Kaya nga lang ay parang ang laki naman ata ng tensiyon ng bawat grupo.

Nagsasamaan ng mga tingin. Ang ipinagtataka ko nga lang ay ang grupo ng Solar Academy. Kung tignan kasi nila kami ay parang ang baba namin. Kumabag kung paano sila umakto ay para bang isang kataas-taasang mga tao. Ganun lang siguro sila.

Ang mga grupo naman mula sa Quillon Academy ay ang tatapang tignan. Well, kahit puro babae sila ay nakakatakot parin para sa iba.

Ang mga participants naman mula sa Deidamia at Phantom ay walang ginawa kundi ngitian ng ngitian ang mga kalaban nila. Kumbaga para bang hindi sila nagseseryoso.

"Where's Julia?" Tanong ko kay Raiko na nakapikit lang na nakaupo sa sofa. Natutulog nanaman siguro ang lalaking 'toh.

"Julia?" Maikling tanong niya. Tumabi ako sa kaniya tsaka tumango. "Yeah, Julia. Well, what I mean is Kiraiyah." Sagot ko sa kaniya.

"She said that she needs to go somewhere." Aniya. Napataas ang kilay ko. "Can you please make your words linger when you are talking?" Pagalit kong tanong sa kaniya.

"I'm just too tired to talk." Sagot niya na ikinaikot ng mga mata ko. Ayaw niya lang sabihin na tamad talaga siya.

Binigyan lang muna kami ng break para makapaghanda sa labanan na magaganap mamaya. Ang nakakainis lang sa event na ginawa at pinagplanuhan mismo ng Council at nung sinasabi nilang mga Royal Family ay sila mismo ang pumili ng kakalabanin namin.

Ipinaliwanag sa amin ni Mira ang rules ng palaro. May iba't ibang kategorya kung papaanong labanan ang magaganap. Sa umpisa ay hindi ko masyadong naintindihan pero nang maipaliwanag ito ng maayos ni Mira sa akin ay naliwanagan narin ako.

Malas ka kung isa kang fire magic user tapos sa tubig magaganap ang labanan. Malas rin kung tatluhan ang laban, kumbaga tatlo kayong maglalaban. Malaki rin daw ang posibilidad na magkaroon ng laro kung saan kung sino ang makasalubong o makita mo ay baka makalaban mo. Baka magpapasok daw ng tig tatlo o apat o mas higit pang participants ang emcee sa larong iyon. Pero hindi parin daw sigurado ito.

Sabi rin ni Mira na mahirap kung two on two ang maging labanan dahil iba ang maaari mong makapartner at pagtutulungan ninyong matalo ang dalawa ninyong kalaban.

Mukhang mahihirapan nga kami sa labanang ito.

"Say, Raiko. Matulis ang mga tenga ni Kiraiyah. Ibig ba sabihin nun mula siya sa Elves Clan?" Biglaang tanong ko kay Raiko. Napadilat naman siya ng mata at napatingin sa akin. "Why do you ask?"

Umayos ako ng upo. "Well, I'm just curious. There's something about her that is different. It's just that I can't tell. You know? Hihi."

Umupo rin siya ng maayos at ipinatong ang kamay sa kaniyang baba. "Yeah, she's from our clan. She's my distant cousin. She's from other branch of family in the clan of elves." Aniya, naguluhan naman ako sa sinabi niya.

"Other branch of family?" Tanong ko.

"Yeah! Sa isa kasing angkan may iba't ibang pamilya pero iisa lang ang pinuno nito o ninuno. Ang pamilya ni Captain ay main family ng Elves Clan. Ang pamilya naman ni Julia or kilala natin bilang Kiraiyah ay ang tinatawag nating sub family. Sila yung pamilyang may koneksiyon sa main family or sa pamilya nila Captain but it doesn't make her as first cousin of Captain. Dahil ang pamilya siguro nila Kiraiyah ay may koneksiyon sa mga lolo or lola nila Captain kaya it makes her as a distant cousin of Captain. Basta iyon na 'yon! Intindihin mo nalang diko rin masyado naintindihan yung sinabi ko. Hehehe." Singit na paliwanag ni Arlvena.

Natameme lang ako dahil sa kaniya. Sa bilis niyang magsalita ay halos wala na akong naintindihan.

"Oh, she explained all of it. What Arlvena said is true. I don't need to explain anymore." Saad niya na may bahid pa ata ng kasiyahan.

"Hoy pero wala akong naintin—"

Naputol ang sasabihin ko nang pumasok si Mira. "Hurry up guys! Pinapasabi ng isa sa mga organizer na kailangan niyo na daw maghanda! Mag-uumpisa na ang event sa loob ng dalawang minuto! Galingan ninyo ah! Manonood lang kami."

Huminga ako ng malalim. Hindi pa naman ako nakakasigurong ako ang mapipiling lumaban ngayon. Pero sana naman ay huwag muna ako ang mapili. Tinatamad pa kasi ako ngayong araw.

"Let's go na!" Maligayang sambit ni Vera. Ang pursigido niya ata ngayong araw na ito ah. May nangyari kaya?

Mabilis na nakarating kami sa aming puwesto. Well, bawat academy kasi ay may mga sariling puwesto kaya naman ay para maiwasan ang anumang labanan.

Basically kasi ay paikot ang buong stadium at sa gitna ay may malaking espasyo para sa mga maglalaban. Sa mga paikot na gilid ay nandodoon ang mga manonood. Napakadami naman nila. Halos sumakit mata ko sa sobrang dami nila.

Ang puwesto namin ay kung saan hindi kami makikita. Well ganun din naman ang iba. May mga malalaking hologram ang mga nakapaikot dito sa bawat side ng stadium kaya makikita namin ang maaaring mangyari sa gitna. Sa sobrang laki ba naman nito.

"NANDITO NA BA ANG LAHAT NG MGA KALAHOK?!" Malakas na sigaw nung emcee na ikinatakip ko ng tenga.

Ang lakas naman ng boses niya. Halos matumba ako dahil sa biglaang pagyanig ng lupa. Dahil pala iyon sa lakas na pagsigaw ng mga manonood. Sa sibrang dami ng manonood talagang yayanig ang lupa.

"Grabe! Sa sobrang dami nila parang nakakahiya kung matatalo o kakawawain tayo ng mga kalaban! Talagang mapapahiya ka non!" Malakas na sambit ni Vera. Well, kanina pa siya ganyan ka energetic.

"Ang system ng laro na ating gagamitin ngayon ay..."

"ANG ONE ON ONE BATTLE!" Malakas na sigaw nung emcee na ikinahiyaw ng lahat.

What? Ibig sabihin isa laban sa isa ang magiging labanan ngayon. Well, magandang simula narin iyon.

"Ang hari mismo ang nagsuhestiyon na ito ang unang magiging kategorya ng labanan. Ang babanggitin kong dalawang pangalan ay ang pinili ng Council upang lumaban sa isa't isa..."

Ito na... ito na ang pinakaaabangan ng lahat!

"BELLADONNA ISOLDE FROM SOLAR ACADEMY VERSUS..."

What? Mula sa Solar Academy agad?

Lumakad papuntang gitna ang tinatawag nilang Belladonna. Nakasuot siya ng itim na cloak katulad din ng mga kasamahan niya. Bakit kaya? Para walang makakita sa mga itsura nila?

"SHERRIA OLIVE MORTE FROM LUMEN ACADEMY!" Nagsihiyawan ang mga tao sa paligid.

It can't be! Si Sherria agad ang unang lalaban?

"Eh?" Tulalang saad niya habang hindi makapaniwalang nakaturo sa kaniyang sarili.

"Go Sherria! Alam kong matatalo mo 'yan! Go lang!" Pagchecheer sa kaniya ni Vera na ikinailing ko nalang. Kahit kailan talaga.

"You can do it, Sherria." Sambit rin sa kaniya ni Shean. "Hmm! P-Pero di parin ako sigurado kung kaya ko siyang matalo." Hesitant niyang sabi.

"Sa umpisa lang 'yan, Sherria!"

"Yeah!"

Pumunta na sa gitna si Sherria. May suot siyang mahabang boots na hanggang hita. May suot rin siyang kulay itim na palda na maikli pero alam ko namang may suot siyang short. Nakasando rin siyang maluwag na kulay puti. Hanga rin ako sa fashion sense niya.

This battle will be intense and unpredictable. Well, my instinct said so.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon