CHAPTER 06

1K 56 5
                                    

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

"What do you guys think you are doing?" Nakapameywang kong tanong sa kanila.

Nasa labas na kami ng Cafe shop but I never thought na ganun kalaki ang nadamage nila sa shop.

Are they serious?

"Eh kasi.." Pinanliitan ko ng mata ang nagsasalitang si Perry.

"Nariah.. your eyes." I looked at them.

"D-do you hate it?" I asked sarcastically.

"No, it's unique!" Napatingin ako sa kanila at napahawak sa aking mata.

I-it's unique?

"W-wait a minute! Huwag niyo nga akong pagsabihan ng ganiyan para lang makatakas kayo sa mga kasalanan niyo!" I raised my brow and looked at them.

"This is the boys' fault!" Reklamo sa'kin ni Herkus na pinanlakihan ng mata nila Perry. "H-hoy lalaki ka rin naman ah!"

"But you said, I'm still a kid! So wala akong kinalaman diyan." Sumbat sa kaniya ni Herkus na ikinanlumo niya.

"Teka! Hindi lang naman kami ang may kasalanan ah! Hoy sino ba unang gumamit ng mahika?" Maktol ni Verto na ikinatango nila Shean. "Atsaka, we were just enjoying talking to some random girls ah!" Oh? Is it because of jealousy?

"Girls, your explanation please?"

Nakita kong masama parin ang tingin ni Mira dun sa nagngangalang Athleia na nakayakap sa braso ni Perry.

"I did it because I just want to warm up. May nakita lang kasi akong di kaaya-aya sa paligid kaya nagawa ko 'yon." Arlvena said while looking intensely to Verto.

Napamaang naman si Verto at di makapaniwala sa sinabi ni Arlvena.

"Okay, problem solved. The four of you, umalis na kayo. You're not related to us." Sabi ko sa apat na babaeng kasama nila Perry.

Napailing ako. Mga sakit sa ulo ang mga tao dito.

"Nakakalimutan mo ata Nariah na mayroon ka ring kasalanan sa'min." Napaangat ako ng tingin sa nakangising si Vera.

What is she saying?

"What?" Nagtataka kong tanong.

"Where did you go? I mean sa'n kayo pumunta ni Captain?" Napataas ang kilay ko dahil sa tanong niya. Mahalaga pa bang sabihin ang bagay na iyon?

Namula ang aking pisngi ng magflashback sa'kin ang lahat ng nangyari kanina. Napaiwas ako ng tingin kay Vera at tumingin-tingin sa paligid.

"Oh? Avoiding my gaze? Hindi ata tama 'yan Nariah." Pang-aasar niya na ikinabusangot ko.

"Nadamay lang ako? Okay? Tanong niyo diyan sa Captain niyo kung bakit ako sinama niyan." Masungit kong sagot sa kaniya.

Why? Totoo naman ah!

Bigla nalang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako dun at tumingin-tingin sa paligid. Katulad ko ay nakahawak rin sila sa kanilang mga ulo.

"Damn! Headmaster is doing it again!" Nagtatanong na tumingin ako kay Sterm.

What does he mean?

"Headmaster wants to communicate with our mind. Ginagawa niya 'toh sa tuwing tinatamad siyang magpatawag sa'tin."

Ang matandang iyon talaga!

"Yo! Students. I'm communicating to your mind to tell you that tomorrow we will going to have a surprise festival prepared by the Councils."

What? A surprise festival?

"Bihira lang atang gumawa ng ganito ang mga Council." Rinig kong bulong ng isa sa mga estudyante. "Oo nga, sa katunayan lagi lang sila nanahimik at hindi interesado sa mga ganto. Ano kayang nasa isip nila?" Sagot naman ng kausap niya.

Weird.

"Prepare youselves. Lumenarians!"

"Lumenarians?" I asked out of nowhere. "Yeah, iyon ang tawag sa mga mag-aaral ng Lumen Academy." Sagot ni Mira sa aking tanong na siyang ikinatango ko.

Ngayon ko lang nalaman na may tawag pala sila sa mga mag-aaral ng Lumen Academy.

"Wala bang sinabi sayo ang mama mo tungkol dito?" Tanong ko sa aking katabi na si Raiko. "No, she didn't say anything about it. Weird." He answered.

"Let's go to our dorm na!" Arlvena energetic said. I laughed silently. "Wow, parang kanina isa siyang halimaw." Bulong ni Verto na nasa aking likuran. Napailing naman ako.

Napatingin ako kay Sherria at Sterm na magkatabi pero hindi nagpapansinan. I guess di parin nila napag-usapan ng maayos.

Di bale na! Maghahanda nalang ako para sa festival.

Maglalakad na sana ako nang bigla akong lumutang. "Nariah!" Tawag sa akin ni Raiko.

Takang tumingin ako sa paligid. Bakit ako lang ang lumulutang?

Sinubukang abutin ni Raiko ang mga kamay ko pero huli na ang lahat dahil lumutang ako paitaas.

Takang tumingin sa'kin ang mga estudyante pati narin sila Mira maliban lang kay Raiko na nag-aalalang tumingin sa'kin.

Nagulantang ako ng mabilis na pumausdos pababa ang aking katawan papunta sa lake. Sa lake kung saan kami nag-usap ni Sherria!

Pumaudos pababa ang aking katawan papunta sa lake na nagresulta ng pagkabasa ng aking katawan. What the hell!

I'm getting cold!

Hindi ko maikilos ang aking katawan. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko.

Nalulunod ako! Hindi ako makahinga.

Hinawakan ko ang aking leeg para mapigilan ang pagpasok ng tubig sa aking katawan. Pinipilit kong pumaitaas ngunit ayaw kumilos ng katawan ko.

"Nariah!" Rinig kong tawag ng aking mga kasamahan.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumaas mula sa tubig ang aking katawan dahilan upang makahinga ako. Hinihingal na tumingin ako sa paligid ngunit wala akong nakikitang kahina-hinala.

Palapit na sana sa'kin ang aking mga kasamahan ng bigla akong tumalsik mula sa aking kinaroroonan.

Tumalsik ako papunta sa mga puno. Nabangga ako dito dahilan upang marinig ko ang pagkakabali ng aking mga buto.

Napadaing ako at napasigaw ng malakas dahil sa sakit na aking nararamdaman.

It hurts! Kapag naikilos ko talaga ang katawan ko malalagot sa akin ang gumagawa nito.

Maya-maya ay hindi na ulit nakontrol ang aking katawan at bumungad sa akin ang mukha ni Raiko at ng iba pa.

"Hey, Nariah! Endure it! Riye!" Nanghihina ako at hindi makakilos. Nanlalabo narin ang aking mga mata at unti-unting nawawala ang aking pandinig.

Nakita ko si Raiko na nakaluhod sa aking harapan. Nakasandal ang katawan ko sa ilalim ng puno. My body is getting numb.

Kita ko ang mga dugong nagkalat sa aking kinaroroonan. I bleed a lot huh?

Hinihingal na yumakap ako kay Raiko. Kita ko naman ang gulat sa kaniyang mga mata pero maingat niyang inilagay ang kaniyang kamay sa aking likod.

Mahigpit na hinawakan ko ang damit ni Raiko habang nakayakap sa kaniya. Iyon nalang ang pinagkukunan ko ng lakas.

"H-hey, Riye. You're okay right?" His voice is shaking. Napatawa naman ako ng mahina. "Of course I am," mahina kong sagot sa kaniya.

"Can I sleep? I'm tired." I already know who did it.

Of course, Raiko. I'm not going to die.
I still have a promise to fulfill and that is to protect your smile and make you happy. You idiot.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon