VERA KLAIRE NYMPSON
Limang araw na ang nakalipas...
Ibig sabihin...
Ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat!
Tama! Ngayong araw na nga gaganapin ang opening ng event. Ang battle of clanners. Excited na talaga ako!
Hindi ako mapakali sa aking kinauupuan. Nakasakay kasi kami sa isang magic ship. Papunta kami ngayon sa Aarshin Region.
Ang Aarshin Region ay isang lugar na malayong-malayo dito sa Cretorven. Ang ibig sabihin rin ng Aarshin ay almighty. Doon din ang lugar kung saan naninirahan ang sinasabi nilang Royal Family. Hindi ko pa sila nakikita tsaka hindi ko rin alam mga pangalan nila.
Wala naman akong interesado sa kanila.
Tsaka ang Aarshin din ang isa sa pinakamalaking rehiyon dito sa mundo ng mahika. Maliit lang kasi ang Cretorven tsaka lahat na kasi ng mga creatures o mga bagay-bagay ay nandoon na sa lugar na iyon.
Masyado nga lang mainit dahil tapat na tapat ang araw sa'min. Ang bagal pa ng pag-andar ng sinasakyan namin.
"Captain?" Tawag ko sa lalaking nakapokus lang ang tingin sa labas. Kinunotan niya ako ng noo. "What?"
"Alam mo na ba kung anong mga Academy ang magpaparticipate sa battle of clanners?" Itinuod niya ang kamay niya sa kaniyang pisngi.
"No, I don't know. But I'm very certain that Solar Academy will participate in that event." Sagot niya. "Huh? Solar Academy?" Takang tanong ko. "Yeah, Solar Academy is the counterpart of Lumen Academy. They are known as the twin of our academy."
Tumango-tango ako. Hinawakan ko ang baba ko. "Ano kayang mga klaseng clanners ang nandoon sa Academy na iyon?"
Tumingin ako kay Mira. "Ilang Academy ba ang pinili sa event na iyon?" Tanong ko sa kaniya. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin. "I heard a rumor that five academy will participate in the game. Well, that's only a rumor." Kibit-balikat niyang saad.
"Nandito na po tayo. Magsibaba na po kayo." Anunsyong saad nung lalaking staff mula sa Council.
Inunat-unat ko ang aking katawan. Grabeng init yung naranasan ko sa ship na iyon ah! Parang ayaw ko na tuloy ulit sumakay do'n.
Pagkatingin ko sa aking harapan ay nagulat ako ng makita ko ang napakaraming taong nagkakalatan sa lugar na ito. Napakarami ding mga palamuti. Well, ano pa bang aasahan mo sa Aarshin. Mula sa aking kinatatayuan ay tanaw na tanaw ko ang palasyo ng sinasabing Royal Family.
"Saan ang punta natin ngayon, Mira?" Tanong ko sa babaeng may hawak ng mapa. "Well, pagkatapos nating iwan ang mga gamit natin sa mga staff na tutuluyan natin ngayon. Didiretso daw tayo papunta sa Capital ng Aarshin. Tinatawag itong Bhraja Capital. Dito rin daw nakapuwesto ang Royal Palace kung saan nandoroon ang Royal Family na kanilang tinatawag. Nandoon rin ang malaking Arena kung saan gaganapin ang opening ng event." Paliwanag niya sa amin.
Nagtaas naman ng kamay si Herkus. "Ano ang magiging ganap sa opening ng battle of clanners?" Tanong niya. Tumikhim muna si Mira bago nagsalita. "Ang alam ko ay iintroduce nila ang mga bawat academy na magpaparticipate pati narin ang mga participants na clanners."
Pumalakpak si Mira. "Well, we need to go to Arena baka mahuli tayo sa pagpunta. Huwag naman sanang magparticipate ang Academy na iyon. Mahihirapan tayong manalo." Mahinang sambit niya sa kaniyang huling sinabi.
Huh? Ano kaya ang ibig sabihin niya.
"What does she mean?" Tanong ko kay Sterm na nasa aking tabi. "She is talking about the Solar Academy. Malalakas ang mga estudyante doon. May kumakalat ding balita na mayroon silang malakas na grupo na ang mga mga miyembro ay maaaring mas malakas pa ang kapangyarihan kaysa sa atin."
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...