CHAPTER 56

817 51 2
                                        

PERRY LUHAN FENRIAL

"Bakit nga ba uli ako nandito?" I asked to myself.

Kinamot ko ang batok ko at pinapanood si Shean na lumalaban sa isa sa mga Sinnerellian.

Ang gandang entrance na sana 'yon kanina! Kung hindi lang ako sinipa ng malakas ng babaeng 'yon na akala mo naman napakaganda. Wala pa ngang binatbat ang kagandahan ni Mira sa kaniya.

Di bale na. Hayaan ko nalang na si Shean ang lumaban. Kaya niya na ang sarili niya tsaka malakas naman siya. Matatalo niya 'yan agad.

Nagkibit balikat nalang ako at umakyat ng puno. Umupo ako sa pinakataas ng sanga nito at nagpahinga.

Hindi naman siguro nila ako mapapansin rito.

Ginawa kong unan ang dalawa kong braso at nilagay ng maayos ang aking mga paa sa sanga para hindi ako mahulog.

"Ngayon lang ulit ako nakapagpahinga ng ganito.." sambit ko sa aking sarili. Bahagya pa akong ngumiti at sinubukang matulog.

Pipikit na sana ako ng biglang may tumama na kung ano sa mukha ko.

"Fuck it! Not my handsome face!"

Hinawakan ko ang ilong ko at minasahe ito tsaka tinignan ng masama ang gumawa no'n.

Nanlalaking matang tinignan ko sila Shean at ang kaniyang kalaban na naglalaban malapit sa punong kinahihigaan ko.

Tumingin-tingin ako sa paligid nagbabakasaling makakita ng bagong mapagpapahingaan.

Pero kung minamalas nga naman at wala na akong iba pang mahanap.

Tatayo na sana ako ng biglang bumagsak ang punong kinatatayuan ko.

"Oh shit!"

Bago pa tuluyang bumagsak ang puno ay tumalon na ako pababa at malas na bumagsak sa lupa.

Tumama muna ang mukha ko bago ang katawan ko. Tanginang 'yan. Sa dinami-dami ng pwedeng dumikit sa lupa ay ang gwapo ko pang mukha ang unang tumama.

Paano na ako makakaporma nito kay Mira?

"Damn you, Perry! Nandyan kalang pala bakit dimo ako tinutulungan rito! Are you coward?!"

Galit niyang sigaw sa'kin. Tinignan ko siya at napailing. Pinunasan ko muna ang dugong tumutulo sa ilong ko pati narin sa pisngi ko.

"Hindi ba pwedeng ayusin ko muna ang gwapo kong mukha? Muntikan na kasing mabawasan. Hehe." Saad ko habang hindi nakatingin sa kaniya.

Hays, grabe na talaga. Bakit kasi kailangan pa nitong tumama sa lupa. Ang dami ko pang poproblemahin pero dapat ko unahin ang sarili ko. Eto nalang charm ko ngayon.

"Tangina mo! Pag natalo ko 'tong babaeng tulog na 'toh! Huwag ka nang makakasigurong uuwi ka na ganyan pa ang mukha!" Dagdag pa niya habang kanina pa inaatake ang kalaban niyang tulog.

Did he just threatened me?

Palibhasa walang taste ang lalaking 'to.

Nakikipaglaban parin siya hanggang ngayon ng suot suot ang mahiwagang salamin niya. 'Yon lang ata ang nagpagwapo sa lalaking 'yan.

Pinagmasdan ko ang kalaban niya—ay namin pala. Tulog ito pero parang bukas ang mga senses niya. Naiiwasan niya ng walang kahirap-hirap ang mga atake ni Shean.

Sa bagay, ang markang sloth ang nakalagay sa kaniyang kaliwang parte ng leeg.

Sa pagkakaalala ko ay Hikra ang pangalan ng babaeng ito. Mataray tignan pero mas mataray parin si Mira.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon