NARIAH RIYE VELNIROÑIA
Ang paghihinagpis na ngayon ko lang ulit naramdaman. Ang kadilimang ayaw ko na ulit maranasan ay nandirito nanaman at nagpaparamdam sa akin. Ang kasamaang kinamumuhian ko ay unti-unti akong nababalutan.
"H-Hey... Nariah... calm down."
"Calm down?" Walang emosyon kong tanong. Nakaluhod parin ako at nakababa ang tingin sa lupa. "Who do you think will calm down if it happened to them?"
"N-Nariah... you're suffocating us." Nahihirapang sambit sa akin ni Sherria. Unti-unti siyang lumuhod habang hawak ang kaniyang leeg.
Tumibok nalang ng mabilis bigla ang aking puso at parang nasusuka ako.
Napatakip ako ng bibig at agad lumayo sa kanila. "Nariah..." Umiling-iling ako sa kanila.
"D-Don't" nahihirapan kong sabi. Kinuyom ko ng mahigpit ang aking kabilang kamay. Nasusuka ako!
"Nariah... what's happening to you?"
Napatigil ako nang hindi ko marinig ang kanilang mga sinasabi. Inalis ko ang aking kamay sa aking bibig at tulalang tumingin sa kanila.
Bakit hindi ko sila marinig? Anong nangyayari sa'kin?
Namamanhid na ang aking katawan. Naramdaman ko bigla ang panginginig nito. Nagtataka ako kung bakit ganito ang nangyayari sa akin.
Nagulat nalang ako ng bigla akong may naramdaman na parang may tumutusok sa aking kabilang dibdib. Napakagat ako ng labi at napahiyaw ng malakas dahil sa sakit na aking nararamdaman.
"Aaahhhhhh!" Impit kong hiyaw. Napapaiyak na ako dahil sa sobrang sakit na aking nararamdaman. Napahawak na ako sa aking kabilang dibdib at pinagsusuntok ito pero hindi mawala-wala ang sakit.
"Nariah! What are you doing to yourself?!" Malakas na sigaw sa akin ni Raiko ngunit hindi ko nalang siya sinagot dahil mas tinuunan ko ng pansin ang sakit na aking nararamdaman.
Lalapit pa sana sa akin si Raiko ng biglang may lumabas na malaking magic circle sa lupa kung saan ako nakapuwesto.
"Isang magic circle? Sinummon mo ba iyan Nariah?" Tanong sa akin ni Mira ngunit umiling ako. Wala akong natatandaan na nagsummon ako ng ganito.
Bigla na lamang lumiit ito at pumunta sa aking kaliwang dibdib. Nang mawala ito ay kasabay naman na nawala ang sakit na aking naramdaman.
"Are you okay Nariah?!" Hindi parin ako nakasagot dahil sa sobrang pagkabigla.
Lumapit si Raiko sa akin at yinugyog ako ng malakas. "What's happening to you? Why are you not talking?! You're always making me worry! Darn it!"
Nakita ko ang pagkabigla niya nang makita niya ang nabutas kong damit malapit sa dibdib dahil sa magic circle kanina.
Nagulat nalang ako ng bigla niyang sirain ang damit ko. Buti nalang ay may nakapatong akong sando sa loob ng aking damit. "What do you think you are doing?!"
Nakatitig lang siya sa kaliwa kong dibdib kaya naman ay pinamulahan ako at agad itong tinakpan. "You pervert! Don't get too close to me!"
"What is that mark?" Kumunot ang aking noo sa kaniyang sinabi. "Pardon?"
"The mark on your left chest... what is that?" Dahan-dahan kong tinignan ang tinutukoy niya at nagulat nga ako ng makita ang marka.
Hindi ko matukoy kung anong marka ito dahil hindi ko ito maintindihan masyado.
"Patingin." Hinawi ni Mira ang aking buhok at tinignan ng maigi ang marka. Bigla nalang bumuka ang bibig niya at natumba nalang.
Gulat na nakatingin siya sa akin habang ako ay takang-taka sa naging reaksiyon niya.
"Teka nga! Bakit ganiyan reaksiyon mo Mira? Ano bang meron sa markang iyan? Bilog lang naman yan na parang may mga ano-ano ah." Naguguluhang tanong ni Arlvena.
"Herkus... tignan mo." Tumaas ang kilay ni Herkus pero lumapit naman siya sa akin at tinignan rin ng maigi ang aking marka.
Nakita ko bigla ang kaunting kislap sa kaniyang mga mata. Kislap ng pagkamuhi at pagkatakot.
"A-Anong meron?"
"Nariah-san... kelan mo nakuha ang markang iyan?" Kahit nagtataka ay sinagot ko siya. "Ngayon lang, bakit?"
"S-Sigurado ka?" Tanong sa akin ni Mira. "Yeah, I'm very sure of it."
"Hoy! Ano bang meron hah? Pwede bang sabihin niyo na sa akin at ako ay gulong-gulo na." Nagagalit na sambit ni Vera sa kanila.
"Are you very sure?" Medyo nainis na ako dahil paulit ulit nilang tinatanong kung seryoso ba daw ako.
"Yeah! I'm very sure!" Pagalit kong sagot.
"If you're very sure. Then, why the hell you have a mark of Sinnerellian? Why the hell you have a symbol of envy?!"
"Envy! One of the seven deadly sins! Why the hell you have a symbol mark of it?"
Natuod ako sa aking kinatatayuan at parang nabingi. Hindi makapaniwalang tumingin ako sa kanilang dalawa ni Mira.
Ang mga kasamahan ko ay mga nagulat rin at hindi makapaniwala sa narinig.
"P-Pardon?"
"Gosh! Nariah! You didn't even know why the hell you have that mark?!"
"I didn't know! Ngayon lang ito lumabas!"
I cried out of frustation.
"H-How? How did this happened to me?"
I'm sorry! I'm sorry, I don't know!
Nakita ko ang sapatos ni Raiko sa aking harapan. Unti-unti akong tumingala at doon ay nakita ko siyang seryoso lang nakatingin sa akin. Iiwasan ko sana ang tingin niya nang bigla niya akong hilahin patayo at yakapin.
Hindi ako magalaw dahil sa sobrang pagkabigla. Nakayakap lang siya sa akin at ramdam ko ang init ng kaniyang yakap na minsan ko lang maramdaman.
"Captain..." That's the first time I called him in his codename.
"Riye..." mahina niyang bulong. Ramdam ko ang init ng kaniyang hininga sa aking tenga.
Tuloy-tuloy na bumagsak ang aking mga luha tsaka siya yinakap ng mahigpit.
"I'm sorry! I don't know why this is happening to me. I'm sorry!" Mahina kong hikbi. "Why are you sorry?"
Hindi ko alam at hindi ko tanggap na mayroon akong marka ng isang Sinnerellian.
Ang grupong matagal nang hindi nagpaparamdam at nagpapakita. At ang grupong kinamumuhian ng lahat.
Kung ganoong mayroon akong marka katulad nila...
...kakamuhian rin ba ako ng mga tao?
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasy[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...