CHAPTER 31

926 44 1
                                        

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

"R-Raiko?" Mahina kong tanong sa lalaking natutulog ngayon sa sahig.

Anong ginagawa niya diyan?

Dahan-dahan akong umupo sa aking kinahihigaan. Bigla ko na lamang naramdaman ang pagkirot ng aking marka sa aking dibdib.

Hindi parin ako makapaniwalang nakuha ko ang markang ito. Bakit ko nga ba ito nakuha? Ano nang mangyayari sa akin kung ngayon ay mayroon na akong markang ito? May magbabago ba?

Pinagmasdan ko ngayon ang lalaking mahimbing na natutulog sa sahig. Nakakatulog pa kaya siya niyan? Masyadong malamig ang sahig baka sumakit ang katawan niya.

Unti-unti akong tumayo mula sa aking kinahihigaan at isinuot ang tsinelas na nakalagay lamang sa ilalim ng aking kama.

Iniunat ko ang aking katawan at ginalaw-galaw ito. Grabe ang saket. Rinig ko ang pagtunog ng aking mga buto. Parang ngayon ko lang ulit naramdaman ang pagiging mapayapa.

Matagal kong tinignan si Raiko. Sigurado bang hindi siya nalalamigan? Sanay na ba ang katawan niya sa lamig? Aish! Bakit ba ako nag-aalala sa kaniya?

Sa huli ay napagdesisyonan kong kunin ang blanket sa aking kama at ipatong ito sa kaniyang katawan. Bakit pa kasi niya ako kailangang bantayan. Pinapagod niya lang sarili niya.

Pinagmasdan ko ang kwarto ko. Matagal-tagal narin pala simula noong huli kong tulog dito. Ilang buwan narin siguro 'yon dahil sa sunod-sunod na misyon na ibinibigay sa amin.

Pumunta ako sa aking cabinet upang kumuha ng pamalit na damit nang makita ko ang memoir na iniwan ni Sister Katie para sa akin. Matagal ko itong pinagmasdan. Hinawakan ko ito at hinipan ang alikabok kaya napaubo ako.

Amoy luma na ang bagay na ito. Hanggang ngayon ay hindi ko parin ito mabuksan. Ano ba kasi ang laman nito? Sabi ni Sister Katie naglalaman ito ng katotohanan tungkol sa tunay kong pagkatao pero hanggang ngayon diko parin ito mabuksan.

Kailan ba kasi ang tamang panahon na sinasabi niya?

Agad ko na itong inilagay sa loob ng cabinet dahil wala naman akong mapapala kung poproblemahin ko pa ang bagay na iyon.

Tinignan ko ang buong paligid. Pinagmasdan ko ang aking mga gamit at naghalungkay ako ng mga gamit na maaari kong gawing libangan.

Pero wala akong mahanap. Ano na ang gagawin ko ngayon?

Mukha naman kasing ang tahimik sa labas. Baka wala ang iba ngayon dito sa mansion. Baka mga kung saan-saan sila mga nagsipuntahan.

Tinignan ko ulit si Raiko. Hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising. Gaano ba siya kapagod at parang hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising?

Lumapit ako sa kaniya at dahan-dahang umupo sa tabi niya. Nakalagay ang mga ulo niya sa aking kama habang ang mga paa niya naman ay nasa sahig. Itinuod ko ang aking kamay sa aking pisngi at pinagmasdan siya.

Ang aliwalas naman pala ng itsura niya sa tuwing natutulog siya, mukhang mapayapa. Lagi pa naman seryoso ang mukha niya. Malamig rin kung tumitig at nakakatakot kapag nagagalit, aakalain mo talagang galit siya sa mundo. Pero sa tuwing natutulog siya ang payapa niyang tignan.

Unti-unti kong iniangat ang aking kanang kamay at inilagay iyon sa kaniyang buhok.

"Ang lambot..." mahina kong sabi habang pinaglalaruan ko ang kaniyang buhok. Ang gulo na nga ng buhok niya, mas lalo ko pang ginulo.

"Wow... ang lambot talaga..." nakangiti kong sambit habang patuloy paring pinaglalaruan ang kaniyang buhok. Ano kaya ang shampoo niya para maging ganito kasmooth ang buhok niya?

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon