NARIAH RIYE VELNIROÑIA
"Your highness, they're here." Rinig kong saad ng isa sa mga tingin ko ay nagsisilbi sa palasyo.
"Papasukin mo sila." Rinig kong aniya ng malalim na boses na puno ng awtoridad. Ang nagsalitang sigurong iyon ay ang hari.
Kaming tatlo lamang nila Sherria ang nandirito dahil may kung anong mga inasikaso ang iba naming mga kasamahan. Mga sari-sariling problema ang kanilang mga kinakaharap.
"Maaari na po kayong magsipasok." Pang-aanyaya sa'min ng isa sa mga tagapag-silbi. Sinundan namin siya sa kaniyang paglalakad hanggang sa nakarating kami sa isang silid.
"Dinala ko na po sila kasama ko." Saad nung tagapag-silbi tsaka ito yumuko bago umalis.
"Kayong tatlo lamang? Ikinagagalak ko kayong makita, magsiupo na kayo at gawin niyong komportable ang inyong mga sarili." Bati niya sa amin tsaka niya kami inanyayahang umupo sa mga silyang nakahanda.
Ang lalaking nasa harapan namin ngayon ay natitiyak kong may mataas na posisyon sa kanilang pamilya. Maotoridad ang kaniyang presensiya at ang kaniyang mga galaw ay parang kalkulado niya rin. Ang mga mata niya naman ay seryoso lang na nakatingin sa amin.
"Pasensiya na, hindi pa pala ako nakapagpapakilala. Ako si Ramiro ang head ng Royal Family. Ikinagagalak ko kayong makilala." Saad niya tsaka siya yumuko ng magalang sa amin.
Tumayo si Raiko at yumuko din sa kaniya. "My name is Raiko, the captain of Origin Clanners. They are Nariah and Sherria, my acquaintances. It's also my pleasure to meet you." Magalang niyang saad.
Napangiti ang head sa kaniya tsaka siya pinaupo.
"Hindi ko pa pala nasasabi sa inyo kung bakit ko kayo pinatawag." Napatingin kami sa kaniya. "Ipinatawag ko kayo dahil utos ito ng head council. May napansin kaming kung anong malalakas na presensiya sa labas ng stadium na ito. Hindi karaniwan ang mga presensiyang ito, kaya gusto kong mag-ingat kayo lalo na't alam kong ang babaeng iyan.." aniya sabay turo sa akin. "...ay isa sa mga miyembro ng nasabing grupo."
Tinignan ko lang siya ng walang reaksiyon at hindi nagpatinag sa paraan ng kaniyang pagtingin sa akin. Na para bang sinusupetsya niya ang buong pagkatao ko.
Nagtaka ako ng biglang tumayo si Raiko tsaka ako hinila patayo at inilagay sa kaniyang likod. Ano nanamang paandar ng lalaking ito?
"Don't you dare lay hands on her." Mariin niyang banta na ikinataas ng kilay ng head. "Why would I?" Patanong niyang sabi.
"I don't care if you belong to one of the highest rank position. I'II kill you the moment you touch her." Walang emosyon niyang saad na ikinangisi nung head.
"Don't worry, It's not my habit to kill someone mysterious." Pabalang niyang sagot na para bang may alam siya na kung ano sa'kin ngunit hindi niya sinasabi.
Ano kaya iyon? Malalaman ko rin iyon kung ano mang tungkol sa akin ang alam niya.
"Father!" Tawag ng isang di kilalang tao. Pumasok siya na tatalon-talon pero agad ding nagseryoso nang makita kami.
"Ehem." Umubo siya ng pakunwari at inayos ang sarili.
"I'm sorry to disturb you but the head council needs you. It's urgent." Seryoso niyang saad.
Tumango sa kaniya ang head at tumingin sa amin."So, goodbye. A brat needs me, well he's always like that. After all, he can't achieve anything without my help. Farewell and take care. This is not the real fight so don't get too serious." Aniya.
"A sinner is once a person. The only difference is that they are covered in scars while us, is free from scars." Dagdag pa niya na ikinapagtaka namin. Ano ang ibig niyang sabihin dun? What does he mean that this is not the real fight? May alam ba siya na hindi namin nalalaman? Ano ang sinasabi niyang huwag kaming magseryoso? At ano ang mga pinagsasabi niya tungkol sa mga sinner?
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasía[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...