CHAPTER 55

755 40 3
                                    

THIRD PERSON

Nag-umpisa na ang labanan sa pagitan ng mga clanners at ng mga Sinnerellian.

Ang ibang mga nagkakagulong mga tao ay hindi na malaman kung anong gagawin dahil sa pagkakagulo. Sira-sira na ang mga bahayan at ang mga mahika ay kung saan saan lumilitaw.

Sa isang banda naman ay tumatakbo si Vera. Inaatake niya ang kung sino man ang humarang sa kaniyang dinadaanan.

Papunta siya ngayon sa pinakamataas na palapag ng kaharian ng Aarshan kung saan nakapuwesto ang tarangkahan ng kadiliman o mas kilala sa tawag na "Gate of the Darkness".

Sa oras na bumukas ang tarangkahang ito ay babalot na ang buong kadiliman sa mundo ng mga mahika.

Papunta na roon si Vera upang makuha ang mga susi na siyang kukumpleto sa pagbukas nito.

Sa kabilang lugar naman, sa Lumen Academy ay may mga hindi pangkaraniwang mga halimaw ang umaatake na siya namang nilalabanan ng grupo nila Arlvena.

"T-Teka! Bakit ikaw ang nandito Sterm?! Nasaan si Perry?!" Tanong ni Arlvena.

Napatigil sa pag-atake si Sterm at pasimpleng kinamot ang batok. "Nagpalit kami."

"Ano?!" Sigaw ni Arlvena. "At ano namang dahilan at nakipagpalit sayo si Perry?!"

Huminga ng malalim si Sterm at sumimangot. "Nag-aalala daw siya kay Mira baka kung ano na daw nangyari sa kaniya." Sagot niya.

Napapoker-face si Arlvena at di makapaniwalang umiling. "Ang galing naman ng dahilan niya." Sarkatiskong saad nito.

Agad na napayuko si Arlvena nang muntikan ng may tumama sa kaniya na parang boltahe ng kuryente.

Napahawak ito sa dibdib dahil sa gulat at masamang tumingin kay Sterm.

"Nababaliw kana ba?! Papatayin mo ba ako ng kapangyarihan mo?!" Galit na sambit ni Arlvena.

Tumingin sa kaniya ng naguguluhan si Sterm. Agad itong umiling. "Hindi ako 'yon! May umaatake sa akin kaya bakit naman kita papatamaan ng kapangyarihan ko? Eh hindi ko pa naman ginagamit 'yon!" Giit ni Sterm.

"What?!" She scoffed. "Hindi ako makapaniwala sayo!" Saad nito.

"Hindi talaga ako 'yon! Maniwala ka!" Saad ni Sterm habang iniiwasan ang mga atake sa kalaban.

"Magsitigil na kayong dalawa diyan! Nasa gitna tayo ng labanan baka ay gusto niyong magpokus muna sa mga halimaw na 'yan?!" Pananaway ni Verto.

Napairap nalang si Arlvena habang si Sterm ay pinagpatuloy na ang kaniyang pakikipaglaban.

May boltaheng kuryente nanaman ang umatake kay Arlvena kaya naman ay pumailalim siya at inatake rin niya ito gamit ang kapangyarihan niya.

"Hindi na talaga ako natutuwa.." pikong saad ni Arlvena.

"Bakit ka naman hindi na natutuwa? Ang saya-saya niyo ngang panoorin.. hihi!" sambit ng isang tinig ng bata.

Inis na lumingon sa kaniya si Arlvena.

"At sino ka naman? Pwede ba, huwag kang tumunganga diyan at umuwi ka na sa bahay ninyo. Masyado ka pang bata para makipaglaban sa digmaang ito." Pagtataboy sa kaniya ni Arlvena.

The Sinners ScarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon