LEONARD SHEAN STANLEY
"Congrats," bati ko ngayon kay Sherria na nakahiga ngayon sa infirmary ng stadium. May mga natira pa daw kasing poison sa katawan niya sabi nung doktor na nagcheck sa kaniya kanina.
Nandito kaming lahat, kaming anim na participants. Bawal pa kasi bumisita sila Mira habang hindi pa tapos ang day 1 ng event.
"Sino ang naglalaban ngayon?" Tanong ko kay Herkus na umiinom ng tsaa. Tumingin siya sa akin at ibinaba ang iniinom niya. "Yung taga Quillon at Deidamia Academy ata ang naglalaban ngayon." Ani Herkus na ikinatango ko.
"Does it mean na isa palang kategory ng laban kada araw ang rules ng larong ginawa nila?" Tanong ni Vera na ikinatango naming lahat. "Medyo kinakabahan ako sa magiging laban ko ah!"
Umiling ako tsaka siya binatukan. "Aray ko hah! Ano bang ginawa ko sayo, Shean?" Reklamong ani Vera. Sinamaan ko naman siya ng tingin.
"Bakit parang kanina ang taas-taas ng fighting spirit mo tapos ngayon sasabihin mong kinakabahan ka."
Tumayo siya at inirapan ako. "Bakit? Masama bang kabahan?" Mataray niyang tanong.
"Here we go again, mag-uumpisa nanaman sila."
Pinitik ko ang noo niya at naupo sa upuan katabi ni Captain. "By the way, anong kapangyarihan pala ang tinataglay ng dalawang naglalaban?" Tanong ko sabay tingin sa hologram na nakalagay sa pader. Mula rito ay mapapanood namin ang nagiging ganap ngayon sa laban.
"Hmm, sa tingin ko ay ang kapangyarihan nung babaeng nagngangalang Alcina na mula sa Quillon ay weapon summoning habang ang kalaban niya namang lalaki na mula sa Deidamia na ang pangalan ay Haidro ay may kapangyarihang tinataglay na Acid. Pati ako ay hindi alam kung sino ang mananalo sa kanilang dalawa. Parehas kasi silang sanay na makipaglaban." Paliwanag na sambit ni Sherria. Kumunot ang noo ko.
"Bakit parang alam na alam mo ang tungkol sa kanila, Sherria?" Takang tanong ko. "Ah! Si Haidro kasi ay mula sa Water Fairies Clan habang si Alcina naman ay nakilala ko na dati nung bata pa ako." Nahihiyang sagot niya.
Lumabas muna ako ng infirmary para magpahangin. Mula sa labas ng infirmary ay kitang-kita ko ang mga naghihiyawan na mga manonood. Ang intense naman kasi ng laban nung dalawa. Parang sa tingin palang ay magpapatayan na.
Napatingin ako sa langit. Bakit siya nandito? Bakit kailangan niya pang magpakita? Matapos ang lahat ng mga nangyari noon, magpapakita siya ngayon na parang wala man lang nangyari. Na kung makangiti siya ngayon ay para bang wala siyang ginawa sa akin noon.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko.
Bakit ngayon pa? Bakit ngayon pa kung kailan kinalimutan ko na ang lahat? Kung kailan nakabangon na ako mula sa mapait na nakaraan. Ibabalik nanaman ba niya ako? Ibabalik nanaman ba niya ako sa impyernong iyon?
N-No... I don't want... I don't want to experience that again... I don't want to see his face again...
"Lalim ng iniisip natin ah." Napapitlag ako sa gulat ng makita ko si Herkus at Nariah sa magkabilang gilid ko.
"Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba't dapat nasa loob kayo?" Tanong ko sa kanila. Tumawa naman ng mahina si Herkus. "Eh ano namang ginagawa mo rin dito? Nag-eemote? Hindi ba't dapat ay nasa loob ka rin?" Tanong niya pabalik sa akin.
Napatawa ako ng mahina. "Wala lang 'toh, pagod lang siguro."
Napabuntong hininga siya. "Sherria's power is incredible right? I didn't expect her to be that powerful. Her face is just too innocent."
He's right. All of us didn't expect that. Sinabi narin kasi sa'kin ni Captain noon na si Sherria daw ang may pinakamahinang katawan sa amin. Mahina daw ang puso nito kaya sa tuwing may labanan hanggang defend lang ang kayang gawin ni Sherria.
BINABASA MO ANG
The Sinners Scar
Fantasía[CLANNERS 02] Together with the Origin Clanners. Is it time to unfold the truth? Or is it time to go back where all lies started? "From every scars, there are always a tragedy behind it." What will the members of Origin Clanners do? The legacy just...