47: New life

6K 85 1
                                    

Raniela's POV

Halos mapahiga ako nang hawakan ko ang librong 'yon. Ngunit agad ko din itong nabitawan. Parang nanlambot lahat ng buto ko sa katawan at tuliro ang isip ko. Napatungo sa silang tatlo sa akin.

"What's wrong?" Tanong ni Klaudine.

"Are you alright?" Gatong ni Dianne.

"You remember him, right?" Sabi naman ni Danielle.

Sa kanilang tatlo, si Danielle ang malapot kong tinignan. Nagtagpo ang mga titig namin. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Parang kilalang-kilala niya ako. Just like... Parang nagkita o nagkakilala na kami.

"HIM? Who is he?" Sigaw ng dalawa.

"Her ex." Diin ni Danielle habang hindi nawawala ang tingin niya sa akin.

"May ex ka? OMG! Pero bakit iyong libro? Anong meron sa librong 'yan?" Turo ni Klaudine sa librong hawak na pala ni Danielle.

Mabilis niya 'tong nilapag ulit sa lalagyan nito. Tumaas ang kilay ko hindi ko alam kung paano at bakit.

"Ma-may ganyan din kasi s-siyang binigay sa a-akin." Nauutal kong sambit. "At diyan sa l-librong 'yan. Diyan kami na-nagkakilala." Dagdag ko pa.

Hindi ko alam kung bakit pero biglang tumulo na ang iniingatan kong luha. "Excuse me!" Untag ko.

Mabilis akong tumakbo. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Narinig ko ang malakas na sigaw nilang tatlo sa pangalan ko pero hindi ako lumingon. Tinahak ko ang daan papuntang comfort room. Nakita ko ang daan dahil malapit lang naman iyon sa book store. Pumasok ako doon at sa magandang palad ay walang tao sa loob nito.

Pumasok ako ngayon sa comfort at humarap sa malaking salamin. Napa-upo na lang ako sa tapat ng isang pinto ng cubicle at humikbi ulit.

Ganito nanaman ako... Umiiyak. Kailan ba ako matatapos sa kakaiyak? Sa araw na wala ng tubig sa katawan ko? Paano kung lagi akong umiinom, edi lagi din akong umiiyak? Pagod na ako. Kailan ba titigil ang mga mata ko sa pagluha? Puro tanong na lang ako. Kahit talaga ako 'tong nang-iwan, ako pa din itong nasasaktan.

"SHIT!"

"RANIELA!"

"DAMN GIRL!"

Sunud-sunod ang mga sigaw na narinig ko sabay nang pagkabalibag ng pinto ngayon sa loob ng comfort room. Pumasok sina Klaudine, Danielle, at Dianne.

"Damn you! Nakaheels ako tapos tatakbuhan mo kami? Paano kung nawala ka. Holy shit, Raniela! Papagalitan kami ni Vladimir!" Paninigaw ni Dianne.

Kahit puro sigaw ang natatanggap ko, hindi pa din ako tumitigil ng iyak. Hindi dahil puro mura ang mga naririnig ko, kundi dahil hindi ko kayang patahanin ang sarili ko. Pagod na pagod na akong umiyak pero hindi ko kayang kontrolin ang mga mata ko sa pagtulo ng mga traydor kong luha.

"Stop shouting at her. Sa tingin niyo ba ginusto niya ang nangyari? At sa tingin niyo hindi magagalit si Vlad kapag nalaman niyang sinisigawan niyo siya? Look at her! She's broken, falling apart, crushed. She's... crying." Umupo nang bahagya si Danielle sa tabi ko at hinawi ang buhok kong tumatakip sa mukha ko.

"What's going on? I'm not updated. Ano ba kasing dahilan bakit ka umiiyak? Ang weird ha!" Iritadong sabi ni Dianne.

"Kanina pa siya nagpipigil ng luha. Sa restaurant nina Ivan kanina, noong pumunta siya sa comfort room. Umiyak din siya doon. Kasi sa bawat sulok, naaalala niya ang ex niya." Paliwanag ni Dianne.

Nahalata pala niya talaga 'yon.

"Ano ba kasing nangyari?" Tanong ni Klaudine.

"Actually, hindi naman ako mag-aaral dito. Wala din akong balak magcollege at tumira dito. Kaso sobrang hirap na hirap na ako sa Pilipinas. Patuloy lang akong mawawasak kung mananatili pa ako doon." Paliwanag ko.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon