35.

7.5K 104 0
                                    

Raniela's POV

"I love you!" I kissed him from his cheeks down to his lips and found myself bitting it.

Marahas niya akong tinulak at hinawakan ng mariin sa balikat. Pumipikit na ang mga mata ko ngunit pinipilit ko pa ring idilat 'yon.

I heard him curse and put some strands of my hair to behind my ears, "Fuck! You're so drunk!" I deeply sighed.

"I'm not, Thunder! Penge pa ako alak!" Protesta ko habang inaabot ang alak na hawak niya kanina. Nilapag niya 'yon ngunit hindi ko pa rin maabot.

"Fuck! We must go home! Lasing kana," singhal niya.

Naramdaman kong hinawakan niya ako sa baywang para makatayo. Subalit agad ding bumagsak sa balikat niya at hindi ko na kayang maglakad. My head is spinning! Umaalon na ang paningin pagkatapos tumayo at tila babaliktad na ang sikmura.

"Jeremy, uuwi na kami. Happy birthday, bro!"

"Happy birthdaaaay!" I greeted him, too. I planned to hug him but somebody pulled my body.

Nakarinig ako ng ibang halakhak ngunit wala na akong lakas para imulat pa ang mga mata. When I opened my eyes, nasa shotgun seat na ako at nagda-drive na si Thunder.

"Damn, I'm dizzy!" pag-iinarte ko.

"Inom ka kasi nang inom." Galit ang tono niyang nagsalita.

I bit my lip and held his arm, "Are you mad at me? Did I do something wrong, huh?" Hindi ko alam na kaya ko pa lang mag-baby talk. Tangina, was this really me?

"I'm driving, for fuck's sake, Kezzia!" sigaw muli niya.

I stopped kissing his cheek. Namuo ang luha sa mata ko at tuluyan na siyang binitawan. Nahilo ako lalo nang sumandal ako.

Naalimpungatan ako sa sinag ng araw na tumagos sa kurtina. Napapikit na lang ako nang maramdaman ang sakit ng ulo. Sinubukan kong bumangon ngunit mas sumakit pa ang ulo ko.

"Shit! Halo-halo kasi nainom ko kagabi!" Halos sahunutan ko na ang sarili nang maalala ang mga nangyari.

Pinasadahan ko nang tingin ang damit na suot ko at iba na ang suot ko ngayon. I'm now wearing a silky longsleeve and pajama. What the hell?

Sinuyod ko ang buong kwarto para masiguron nakauwi ako. Kwarto ko naman 'to. Sinong nagbihis sa akin? The last time I checked, nasa kotse ako ni Thunder. Did he dress me up?

Bumaba na lang ako para kumain. Mabuti na lang at wala sila Daddy ngayon. Papagalitan nila ako panigurado kung naabutan nila akong lasing kagabi.

"Manang, ano pong ulam?" Salubong ko pagkababa at tumungo agad sa kusina.

Nanlaki nga lang ang mata ng ibang tao ang naabutan ko doon. Thunder was standing beside the stove, cooking something. May suot siyang apron at may hawak na sandok.

"Damn! What are you doing here?" Tinakpan ko ang mukha gamit ang kamay. Ni hindi pa ako nakaligo! Naghilamos lang ako kanina.

"Pumunta sa palengke ang mayordoma niyo. Pinagluto kita ng beef mami para sa hangover mo." He said before looking back to the food he's cooking.

"Akala ko ba hindi ka marunong magluto? Dito ka pa talaga nagluto, hindi na ako magugulat 'pag nasunog mo ang buong bahay namin." I crossed my arms.

"I know now how to cook. I cook every Sunday at my restaurant."

"Oh really?"

"Oo. Kaya umupo ka na doon at maghahain na ako. Tapos na 'to."

I flippes my hair before doing what he said. Nahuli ko pa ang ibang kasambahay na pinapanood si Thunder na nagluluto sa kusina. Nang makitang nakatingin ako sa kanila ay nagsi-alisan na at pinagpatuloy ang gawain.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon