Raniela's POV
Mabilis siyang naglakad papasok ng restaurant. Halos hindi ko na nga siya maabutan dahil sa mabilis niyang paglalakad.
"Thunder!" Huminto siya sandali pero hindi niya naman siya lumingon. Nagpatuloy lang siya sa paglalakad.
Nakita ko na lang na umupo siya sa isang pwestong walang tao. Sumunod ako sa kanya pero umupo ako sa gilid niya. Hindi ko kasi ata kayang umupo sa may harap niya.
Nagulantang kaming dalawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Thunder. Nakita kong nilabas niya ito galing sa kanyang bulsa pero ng makita niya kung sino ang tumawag ay agad napataas ang kanyang isang kilay. Mukhang pinatay niya iyong tawag na 'yon dahil wala na akong naririnig na pagtunog galing sa kanyang cellphone.
"Sino 'yon?" Tanong ko sa kanya.
Pinasadahan niya lang ako ng tingin ngunit agad niya din itong iniwas. Kaya medyo nakaramdam ako ng pagkaawkward. Hayst! Ano ba 'tong nagawa ko?
Napatingin ulit ako kay Thunder ng marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone. Binunot ulit niya 'to sa kanyang bulsa. Padabog niyang binaba ito sa lamesa. Magtatawag na sana siya ng waiter pero tumunog ulit ang cellphone niya.
Inunahan ko na siyang kunin 'to. Kaya ngayon ay nasa kamay ko na ang cellphone niya. Tinignan ko kung sino ang tumatawag sa kanya.
Shane Hernandez is calling...
"Bakit ayaw mo sagutin?" Tanong ko sa kanya. Ngunit wala akong narinig na sagot sa kanya. Bagkos ay inagaw niya lang sa akin 'yon. Dahil hindi naman mahigpit ang hawak ko doon ay agad niya itong nakuha sa akin. "Mukhang importante ang sasabihin niya. Sagutin mo na." Dagdag ko pang sabi sa kanya.
"But she's not important." Tugon niya.
Napalunok naman ako ng ilang beses dahil sa sinabi niya. Langyang lalaki! Hindi talaga marunong mag-appreciate ng mga taong nakapaligid sa kanya.
Napasinghap na lang ako.
"Waiter!" Sigaw ni Thunder. Isang minuto ang nakalipas at may lumapit din namang waiter sa amin. Nag-abot siya ng menu.
Ngunit naudlot ang pagtitingin ko ng pagkain nang biglang tumunog naman ngayon ang cellphone ko. Kinuha ko 'to sa may purse ko.
Vladimir is calling...
Tinignan ko muna si Thunder bago ko sagutin ang tawag. Sumalubong naman sa akin ang nananalisik niyang mga tingin. Pero dahil sa pagkataranta ko ay nasagot ko ang tawag.
"Excuse me lang." Paalam ko kay Thunder. Hindi man siya tumango ay nagpatuloy ako sa pagtayo at paglalakad palayo sa lamesang 'yon. Napatigil ako sa may lugar na walang masyadong tao.
"Hello, Vlad?" Bungad ko sa kanya.
"Yow, Raine! What's up? Bakit ngayon ka lang nagparamdam, huh? Ikaw ha! Porket nasa Pilipinas kana ay nakalimot ka na." Napahalakhak naman ako dahil sa kanyang sinabi.
"Haynaku, Vlad. Nagtatampururot ka nanaman diyan. Nasaan ka ba ngayon? Sorry naman daw. Kakauwi ko nga lang kahapon e. 'Wag ka ngang pa-VIP diyan. Batukan kita e!" Natatawa kong sabi sa kanya. Narinig ko din naman ang mahina niyang pagtawa sa kabilang linya.
"Sana nga batukan mo na lang ako. Nakakamiss ka kasi e. Nasaan ka ba ngayon? Nandito ako sa may Quezon City. Nasa restaurant ako. Gusto mo maglunch? Sunduin na lang kita sa may hotel na tinutuluyan mo?"
Napaisip ako bigla. Okay lang naman siguro kung imbitahin ko si Vladimir na kumain kasama si Thunder? Pero ang awkward naman ata non.
"Ay sorry po." Sabi ng lalaking nakabangga ako. Mukhang may dinaanan pa siya sa gilid bago siya tumungo dito sa kalagitnaan ng restaurant. Muntik na akong mawalan ng balanse dahil sa lakas ng pagkakabunggo namin sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomansEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...