25.

6.9K 99 5
                                    

Raniela's POV

Kauuwi ko lang pero ramdam ko na ang pagod ko. I took some rest before going to the bathroom to shower. Halos makatulog ako sa bathtub kung hindi pa tumunog ang cellphone ko.

Umahon na ako at nagpunas. Pinatuyo ko ang buhok ko saka nagbihis na rin. Kinuha ko ang cellphone ko para tingnan ang notification. May nagtext sa akin pero unknown number iyon.

From: Unknown Number

Kezzia.

Iyon lang ang laman ng message. Naglagay muna ako ng skincare at naghugas ng kamay. Pinulot ko muli ang cellphone para sana magtipa. Sino naman kaya 'to?

Sa huli'y hindi ko na rin nireplyan. I changed my number para konti lang ang nakakaalam no'n. Tapos ngayon, may anonymous na naman na magtetext sa akin? Hindi pa man din ako sanay na magreply kung hindi ko kilala.

Tinanggal ko ang face mask sa mukha ko at nilagay ang na-ipon na liquid. Naghugas ulit ako ng kamay para mawala ang lagkit no'n. Tumunog ulit ang cellphone ko kaya kinuha ko ulit iyon.

Hey! Reply, Kezzia. This is Villanueva.

Aba! Anak ka naman talaga ng tinapang nagkalasog-lasog! Saan niya naman kaya nakuha ang number ko? Dati'y isang Villanueva lang naman ang kilala ko, ngayon dalawa na.

I'm pretty sure that this is not Thunder. May numero ako ni Thunder at hindi naman iyon nagtetext ng ganito lang. So, sino pa bang Villanueva ang kilala ko na pwedeng mabwisit sa akin sa ganitong oras. Of course, it's one and only fucking Jeremy Villanueva!

Hinayaan ko na lang iyon at nag-silent mode. Nahila naman ako ng pagod at antok kaya nakatulog rin ako agad. Nagising na lang ako dahil sa pagkatok ng pinto ko.

"Miss Raine, tawag na po kayo sa baba," tawag sa akin ni Manang.

"Sige... Manang... Give me five minutes..." I groaned.

Pinikit ko ulit ang mga mata ko. Gusto ko pa sanang matulog pero pagpikit ko palang ay kumalabog na agad ang pinto at parang magigiba na 'to.

"Raniela! Gising na! 6:30 na!"

Padabog akong bumangon. Kahit naman gustuhin ko pang matulog ay nawala na rin ako sa mood. Kulang na lang ay wasakin ni Mommy ang pinto. Naramdaman ko ang sakit at pagod sa katawan ngayon.

"I'm awake, Mom!"

Nagka-ugaga na akong naligo at nagpalit. Kahit maaga akong natulog ay tila pasan ko ang daigdig. Ang bigat ng buong katawan ko at pakiramdam ko'y hinihila ako ng kama ko.

Wala ako sa sariling bumaba. Umupo ako sa tabi ng Daddy at pumulot ng pancake. I put the syrup on the top of it and started slicing it.

"Anak, ihahatid ba kita o si Rico na lang?" Diretsong tanong ni daddy sa akin.

"Uh, si Kuya Rico na lang, Dad."

Nagsimula na akong kumain. I was about to drink my milk when I felt something vibrated from my pocket. Kinuha ko ang cellphone ko at nakitang may bagong mensahe ulit.

From: Unknown Number

I said, this is Villanueva. Hindi ka ba marunong magreply?

"Stop texting, Raine." Seryosong sabi ni Daddy sa akin.

"Sorry, Dad."

Pinagpatuloy ko ang pag-kain. Pagkatapos no'n ay nagpaalam na ako para umalis. As always, pinagbuksan ako ni Kuya Rico at nagsimula nang magdrive.

Nang makarating na ako sa may school ay marami pa namang tao sa paligid. Mukhang hindi pa nagri-ring ang bell. Nagmadali na lang akong tumungo sa classroom at nilapag sa upuan ang bag ko.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon