48: I miss him

6K 87 0
                                        

Raniela's POV

Tumigil si Vladimir sa pagdradrive dahil kulay pula na ang traffic lights. Pinisil ko nang mahigpit ang kamay ko upang hindi ito manginig. Ngunit parang nawalan ako ng diwa nang maharahang hawakan ni Vladimir ang kamay ko.

"Keep calm, Raine. I'm with you, so stop thinking damn things." Daing niya.

Kanina pa kasi ako kinakabahan dahil pasukan na. Kumpleto na ang gamit ko, ang maganda pa doon ay magkaklase kami ni Vlad kasama ang barkada niya.

Nang bumalik na ang diwa ko ay binawi ko na ang kamay ko. "Y-Yeah.." Sambit ko.

Nagkulay berde na ang traffic light na nagsisimbolong gumalaw na ang mga sasakyan. Mabilis ulit na pinaharurot ni Vlad ang sasakyan. Kaya nang makarating kami sa university ay kaunti palang naman ang tao. Pero marami ng mga mamahaling sasakyan nang makarating kami sa parking lot. Pinark na ni Vlad ang sasakyan niya.

Bago pa lumabas si Vlad ay nauna na ako. Sumunod naman siya. Ngayon ay nauuna na siyang maglakad. Kaya nasa likod niya na ako. Nang biglang huminto siya at lumigon sa akin. Pumantay ako sa kanya kaya nasa gilid ko na siya ngayon.

"Bakit?" Inosente kong tanong.

"Walk faster, Raine. Baka mamaya habang naglalakad ako ay may humablot sa'yo diyan! Mapa-guidance pa ako nang wala sa oras." Untag niya.

"Sorry." Iyan lang ang tangi kong naisagot.

Nagpatuloy kami sa paglalakad ni Vladimir hanggang sa nakaramdam ako nang may humablot na nga sa akin kaya muntik na akong matisod.

Buti na lang at nahawakan ni Vlad ang baywang ko. I looked up, para makita ko kung sinong hampaslupa ang humila sa akin. Nakita ko lang ang ngisi niya kaya nawala na ang pagka-inis ko.

"Damn shit fucking asshole!" Vladimir screamed.

Nakahawak pa din siya baywang ko at marahan akong pinatayo.

"Chillax, Vlad! I'm sorry, alright?" Natatawang sabi ni Danielle.

"So-"

Bago pa tuluyang mag-alburuto si Vladimir ay pumagitna na ako sa kanilang dalawa. Hinawakan ko na si Vladimir dahil ramdam ko na ang pag-aaltapresyon niya.

"Okay lang. Ano ba kayong dalawa! Nasorry na nga 'yong tao e. Naku naman, Vlad! Sarap mong pektusin e!" Sigaw ko.

"Sometimes, sorry isn't enough when you screw up too much." Untag ni Vladimir.

"Pero minsan, 'sorry' na lang talaga ang nag-iisang salita upang maging maayos ang lahat, upang mawala ang sakit na natamo, upang maagapan ang sugat na patuloy sa pagdurugo. Because as far as I know, sorry is the hardest word to say." Giit ni Danielle sabay halukipkip at pagtataas ng kilay.

Napalunok ako ng tatlong beses nang marinig ko 'yon. Words of Wisdom ata ito e.

"Ngunit hindi lahat naggagamot nang isang simpleng sorry. Lalo na kung paulit-ulit ka na lang nasasaktan. Kasi minsan, may mga bagay na hindi na maiibalik at mga pangyayaring hindi na mauulit." Sambit ni Vlad.

Hindi ko na kinaya ang pagbabangayan nila. Masyado nang malalim ang pinupunto nila. At hindi ko alam kung bakit sa bawat salitang binibigkas nila ay tumatama sa puso ko.

"Cut it out! Baka kung saan pa mapadpad ang pag-uusap na ito. Okay lang naman ako kaya pwede? Tumigil na kayo! Pag-untugin ko kayo diyan e!" Bulyaw ko sakanilang dalawa.

Umirap lang si Danielle sabay higit sa akin. Humalukipkip lang si Vlad ngunit sumasabay siya sa paglalakad namin ni Danielle. Hanggang sa naaninag ko na sina Dianne at iba pang barkada ni Vlad.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon