57: Stay

8K 98 4
                                    

Sorry guys kung medyo natagalan. Finals na po kasi. Kailangan na magseryoso. Sorry po. Promise! Kapag bakasyon, lagi akong mag-uupdate.

-

Raniela's POV

Hindi pa din ako pinapakawalan ni Thunder. Hanggang ngayo'y hawak pa din niya ang dalawang kamay ko. Walang nagbago sa aming posisyon. Sa tuwing tinititigan ko siya sa mukha ay bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan. Ibang-iba na talaga ang hubog ng katawan niya ngayon.

Ngunit napatigil ako sa pagtitig ng bigla siyang lumapit at halikan ang tenga ko. Nakiliti ako kaya bigla kong nilayo ang mukha ko sa kanya.

"Sorry..." Utas niya.

Doon niya na lang ako nagawang bitawan. Nakita ko kung paano niya guluhin ang kanyang buhok. Narinig ko sa kanya ang ibang malulutong na mura. Sa ngayo'y nakatayo pa din sa tapat ng pinto niya habang tinitignan ang kanyang buong kwarto.

Tama nga si Xandy, ang palapag na ito ay ang kakaiba. Sobrang lawak ng kwarto ni Thunder rito. At parang 4 na kwarto na ang laki nito. Nasa may living room kami ng kwarto na ito. Nakita ko ang puting mga sofa sa gitna at isang babasaging lamesa. Sa gilid ay may nakalagay doong flat screen na TV at DVD. May ma nakakalat ding mga CDs doon. Sa dami ng laman ng kwarto ni Thunder ay hindi ko na mabilang at masabi.

"I'm sorry, Kezzia." Untag niya.

Ngayo'y naagaw niya na ang atensyon ko. Nakaupo siya sa may isang puting sofa habang nakaliyad ang kanyang ulo at nakatitig sa may siling.

"It's okay, Sir." Giit ko.

Nakita ko kung paano umikot ang kanyang ulo at tumungo sa akin. Kumunot ulit ang kanyang noo at di mawari ang kanyang mga titig.

"Pwede bang huwag mo akong tawaging Sir." Iritado niyang utos.

"Why? You are my boss."

"Not yet, Kezzia. Still... I'm your... Ughh!" Ginulo niya ulit ang kanyang buhok at parang batang nagdadabog.

"Okay. So, anong itatawag ko sa'yo?"

Tanga na kung tanga. Pero ano ba dapat ang itawag ko sa kanya? Mr. Villanueva? Mr. Thunder? Hindi kami gaya ng dati.

"Stupid brat. Gaya noon, call me Thunder. Will you?"

Wala na akong naging giit ng sabihin niya 'yon. Thunder. Tama. Iyon ang itatawag ko sa kanya. At sa oras na naging boss ko ulit siya, then...

"Sure, T-Thun-Thunder." Nauutal pa din talaga ako sa pagbigkas ng pangalan niya.

"May problema ba yang dila mo at hindi mo mabigkas ng tama ang pangalan ko?" Bulyaw niya sa akin.

Kakasabi ko lang e! Mind reader alert.

"Wala naman. Osige, lalabas na ako. Kakain pa ako-"

"Sabi mo busog ka pa?! Don't tell me hindi ka pa kumain?!" Sigaw niya.

Mariin niya akong tinitigan kaya umiwas ako ng tingin. Bakit ko ba kasi nasabi iyon? I mean, bakit ko ba kasi nasabing kakain na ako. Wahhh!

Ay!

"Kumain na ako. Nagutom lang ulit ako bigla."

"So, hindi sapat iyong kinain mo kanina. Kasi kung nabusog ka kanina bakit gutom ka ulit ngayon?" Tanong niya.

Bigla siyag tumayo kaya nakita ko na nanaman ang kanyang makisig na katawan. Buong-buo ang hubog ng kanyang katawan. Ngunit naudlot ito ng bigla niya akong hawakan sa braso at higitin ulit.

"Liar. Hindi ka pa kumakain di ba?" Seryoso niyang sabi.

Ngunit kahit ganoon siya kaseryoso ay hindi niya magawang higpitan ang pagkakahawak niya sa braso ko.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon