Raniela's POV
Akala ko makakatulog ako nang iwan na ako ni Thunder. Pero nagkamali pala ako, imbis na dalawin ako nang antok ay mulat na mulat pa din ang mata ko. Ala-sais simula ng umalis si Thunder. At hanggang ala-sotso ay gising pa din ako. Dahil nabored na talaga ako ay naisipan kong tawagan si Purple.
Purple dialing...
"Purple?" Paninimula ko.
"Hello Girlfie! Balita ko nasa Puerto Galer ka ha? At kasama mo pa ang ultimo-ex-boyfriend mo!" Kung nasa tabi ko lang ito ay baka kanina ko pa sinapok at sinabunutan. Iyon tipong mapapaluhod na siya dahil sa sakit. Kainis e!
"Tantanan mo, Purple! Hindi lang naman siya naging ex ko. Kaya tumahimik ka diyan!"
Narinig ko naman ang malakas niyang paghalakhak. Punyeta! Ano ba nakakatawa sa sinabi ko? Dapat nga mainis pa siya doon e. -.-
"Oo nga pala. Meron pa pala si Yael Ramirez. Ang first boyfriend and first ex-boyfriend mo!" At tumawa na naman siya. Tangna! Sasabihin ko nga kay Jeremy, hiwalayan na itong si Purple. Mukhang nararapat pa ito sa mental e.
"Tangna ka!" Mura ko na lang sa kanya.
"Ito naman! Galit agad? Hahahaha! Bakit ka pala napatawag?" Medyo sumeryoso naman ang boses niya. Haynaku! Bipolar.
"Wala nga kasi akong makausap. Mag-isa lang ako dito sa kwarto kaya nabored ako."
"Ay ganon? Kakausapin mo lang ako kapag bored ka? Hoy para sabihin ko sayo, hindi ako pampalipas oras para lapitan mo lang kapag bored ka na!" Hala! May sinabi ba akong ganon? Humuhugot ata itong bespren ko ha? May problema ang love life?
"Ang layo naman ata ng napuntahan mo! Wala naman akong sinasabing ganon ha?"
"Hehehehe. Joke lang! Ito naman. Miss na kita e!"
"Tssss. Pero miss na din kita! Sana pala sinama kita dito. Edi sana may kakulitan ako ngayon dito!" Napabuntong-hininga na lang ako.
"Nasaan ba kasi si Thunder at iniiwan ka mag-isa diyan?" Bakas sa boses niya ang inis. "Wag mong sabihing nambabae na iyon at iniwan ka diyan? Nakuuuu! Matatamaan talaga sa akin iyon!" Natawa na lang ako sa sinabi niya. Tsk. Dinaig pa ang girlfriend e.
"Ano naman kung mambabae siya at iwan niya ako? Walang KAMI at malaya siyang mambabae kahit kailan niya gusto. Hindi ko siya pagmamay-ari, Purple." Bakit parang tonong disappointed ako? Tama naman ako di ba? Ano naman kung magkagirlfriend siya, e empleyado niya lang naman ako? Tsk. UGHHH! Bakit parang nag-iba na mood ko? Naku!
"Ganoon? Aba! Bahala ka nga sa buhay mo!" Sigaw niya lang sa akin.
"Sige na nga. Bye na. Maglalakwatsa na lang ako."
"Uy baka mawala ka diyan."
"'Di naman ako masyadong lalayo e."
"Tseh! Bahala ka nga!"
Narinig ko na lang ang end-tone. Haynaku! Wala talaga ako maasahan sa baliw na iyon. Imbis na magmukmok ako dito ay lalabas na lang ako. Hihihi!
Nagpalit na din ako ng damit. Ayokong lumabas na nakasleeveless lang. Haynaku! Ang lamig kaya sa labas. Kaya nag-longsleeve at faded short ang suot ko ngayon. Okay naman na siguro ito no?
Lumabas na ako. Agad sumampal sa mukha ko ang lakas ng hangin. Ang ginaw pala dito kapag gabi! Pero okay lang, nandito na din naman ako kaya susulitin ko na.
Naglakad-lakad ako hanggang sa napunta na ako sa may beach. Marami pa din palang naliligo kahit ganitong oras. Kaya naghanap ako ng lugar na walang masyadong tao. At nang mapansin kong wala ng tao sa paligid ko ay umupo na ako sa may buhangin.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...
