60: I still love you

6.2K 84 3
                                    

Raniela's POV

Dahil hindi ko alam kung saan ako papunta. Sumakay muna ako ng taxi. Buti na lang pala at hindi ako hinabol ng dalawang kumag! Bahala sila doon. Wala na akong ganang kumain. Tsk!

Nang maisip ko bigla si Purple, agad kong sinabi kay Manong Driver na dumiretso muna ako sa Cubao, Quezon City. Taga doon kasi si Purple. Ilang sandali pa'y nakarating na ako sa dapat kong puntahan.

"Salamat manong." Sabi ko sabay abot ng pera sa kanya. Kabisado ko pa din pala 'tong bahay nina Purple.

Nag-doorbell agad ako. Nang buksan na ang gate ay bumungad sa akin ang matandang katulong na hindi ko kilala.

"Sino po 'yon?" Mahinhin na sabi niya.

"Si Purple Smith po ba ay nandito?" Tanong ko din.

"Ay, hija, wala siya dito. Kapag weekends lang siya nandito. Nasa may condo siya ngayon. Hindi ko lang alam kung saan. Hindi naman kasi kami close ni Madame Purple." Sabi niya.

Ngumiti na lang ako, "Ganoon ho ba? O sige po. Maraming salamat na din po. Mauuna na po ako."

"Sige, hija, mag-ingat ka." Sabi niya. Tumango naman ako sa kanya. Naglakad na ako palayo sa bahay na 'yon. Nag-abang ulit ako ng taxi para masakyan ko. Pero habang naglalakad ako ay naramdaman ko ang pagvavibrate ng phone ko sa purse ko.

12 missed calls...
25 new messages...

WHAT?!

8 missed calls from Thunder. 4 missed calls from Vladimir. 15 new messages from Thunder. 10 new messages from Vladimir.

Thunder:
Hey, Kezzia.

Kezzia. Answer your damn phone!

Please..

Argh! Bakit ka ba kasi umalis?

Hindi ko na binasa ng tuluyan ang mga message ni Thunder sa akin. Psh! Oh! Tapos ngayon, tatawag at magtetext sila? Bahala sila sa mga buhay nila. Letse sila! Imbis na pansinin ko sila ay agad na akong nagtext kay Purple.

To: Purple
Purple. Nasaan ka? Nasaan ba ang condo mo? Magkita tayo.

Naglakad-lakad ulit ako hanggang makakita na ako ng taxi. Sakto namang nagvibrate ulit 'yong phone ko.

3 new messages...

2 new messages from Thunder. 1 new message from Purple.

Nang aksidente kong mapindot 'yong texts ni Thunder.

Thunder:
Damn girl! Where the hell are you? I'm fucking insane here!

Tell me, where are you? Mamaya kung mapano ka! Just tell me, Kezzia. Please...

Parang tinusok ng karayom ang puso ko ng mabasa ang mga text ni Thunder. Nag-aalala ba talaga siya sa akin? O naghahanap lang siya ng mapapagalitan niya? Gusto ko sanang bumalik sa hotel. Pero 'di pa ngayon.

Purple:
Magkita na lang tayo sa farmers.

"Manong, sa may farmers po." Sabi ko kay manong driver. Mabagal niyang pinatakbo ang sasakyan. Hindi ko alam kung bakit. Siguro'y dahil matanda na siya.

Nakalipas siguro ang trenta minutos baka ako nakarating sa farmers. Itetext ko palang si Purple ay nakita ko na siya sa loob ng Jollibee. Kumakain kasama iyong isa pang Villanueva. Mabilis akong naglakad papunta sa loob at naabutan kong nagsusubuan sila ng fries.

"Hoy Jeremy! Bakit hindi mo sinabing pinsan mo pala si Xandy?" Bungad ko sa kanila.

Nakita ko naman ang pagngiwi nilang dalawa. "Sabi kasi ni Purple, 'wag ko daw ipaalam sa iyo e." Tugon niya.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon