26:

6.4K 107 0
                                    

Raniela's POV

Tumawa ang buong klase maliban sa akin, syempre. Kumindat sa akin si Jeremy ngunit ngumiwi lang ako. Narinig ko na naman ang bulungan ng mga kaklase. Halos sambahin at luhuran na nila si Jeremy.

"Villanueva? Magkapatid ba sila ni Thunder?" usisa ng isa naming kaklase.

"Have a seat, Jeremy. Kahit saan mo gusto." Sabi ng adviser namin.

Ngumisi lalo si Jeremy at naglakad palapit sa akin. Nang malampasan niya ako ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Kaso nang umupo siya sa bandang likuran ko ay tumaas na naman ang dugo ko sa ulo. Nang-wawar shock ba silang mag-pinsan?

"Pst." Kalabit niya agad sa akin.

Kauupo palang tapos nangungulit agad? Baka masapak ko 'to e! Bwisit! Bakit ba badtrip na badtrip ako ngayon? Pinilit ko ang sarili kong kumalma kahit gusto ko na talagang sapakin siya.

Mananatiling kalmado kahit may unggoy sa likuran ko.

"Bakit?"

"Wala. Ganda mo," He chuckled.

"Tumahimik ka diyan, Jeremy! Ipapakain ko 'to sa'yo!" Sigaw ko at pinakita sa kanya ang notebook na hawak ko.

Lahat ng tao sa loob ng silid na 'to ay nakatingin sa akin. Ang galing ko talagang gumawa ng eksena. Umirap na lang ulit ako at binagsak ang notebook sa lamesa ko.

"There you go slut," Sofia said.

Pinilit ko ulit kumalma. Ang daming nagbago sa buwan na 'to. Habang tumatagal ay mas nagiging miserable ang buhay ko. Akala ko, pagkatapos naming magbreak ni Yael ay tapos na rin ang pakikielam ng mga tao sa buhay ko. Mali pala ako.

May kumalabit ulit sa akin, but this time, galing na iyon sa gilid ko.

"Bakit, kidlat?" Mahinhin kong tanong.

"Are you okay?"

Tumango na lang ako. Hinayaan na ako ni Thunder at ngumiti na lang ako. Pinagpatuloy ko ang pagsusulat sa notebook ko kahit puro pang-iinis lang ang ginagawa ni Jeremy sa likuran ko.

Kakalabas lang namin ng classroom para mag-recess. Tinakpan ko ang tenga ko dahil sa ingay ng mga tao. Almost every girls in the university ran towards our classroom. Sinalubong si Jeremy at Thunder, akala mo talaga mga artista ang pinagkakaguluhan.

"Huwag mong sabihing sisingit ka diyan?" tanong ko kay Purple.

"Hindi na. Everyday ko namang makikita ang gwapong mukha ni Jeremy, e." Halos tumili na rin siya.

I scoffed, tinago ang pagkadismaya. Akala ko naman nagbago na ang isip niyang gustuhin si Jeremy kaya katabi ko siya ngayon at hindi nakikisingit sa mga babaeng nagkakandarapa sa mag-pinsa!

"Raniela, kain na tayo!" aniya.

Hinila ako ni Purple sa cafeteria pero tumigil rin kalaunan. Humarang sa daanan namin si Cass, mag-isa lang naman siya ngayon at hindi kasama ang mga kaibigan.

"Hello Raniela!"

"Hello," pinaningkitan ko siya ng mata. She's acting weird. Anong ginagawa niya ngayon sa harap ko?

"Raniela, I'm sorry." Cassandra suddenly apologized. "Raniela, I know naging selfish ako. I hated you because you for being Yael's girlfriend. I felt jealous and insecure back then. So, sorry for everything that I've said and done to you. I'm sincerely sorry."

"Okay. Apology accepted, then."

"Talaga?" Maligayang sabi ni Cass.

"Oo naman. Hindi naman ako nagalit kailanman. Nainis lang ako pero hanggang doon lang 'yon."

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon