61: Nakakapanibago

6.2K 71 1
                                    

Raniela's POV

Binalikan naman ako nina Purple at Jeremy. Mas nauna si Jeremy, syempre, diyan lang naman ang cr e. Sumunod naman kaagad si Purple. Pero halatang may hinahanap silang dalawa.

"Nasaan si Thunder? Iniwan ka?" Tanong ni Jeremy. Bigla naman siyang binatukan ni Purple. "Aray!" Daing niya sabay himas sa may parteng natamaan sa kanya.

Nagkibit-balikat na lang ako sa naging tanong niya. Kasi pati ako ay hindi ko alam kung iniwan niya nga ba ako o talagang napagod na siya kakahintay sa 'kin.

"Bye guys! Babalik na ako sa hotel. Itetext na lang kita, Purple. Salamat sa order pero wala akong gana. Thank you ulit." Paalam ko.

Ngumiti naman sila kaya pinilit ko na din ang paggalaw ng labi ko, pinilit kong ngumiti kahit wala nang dahilan para ngumiti ako. Lumabas ako sa Jollibee at nagulat ako ng makasalubong ko si Vladimir. Agad niya akong hinigit at niyakap. Pero agad din naman siyang bumitaw.

"Saan ka ba galing, huh? Kung hindi pa sinabi ni Thunder kung saan ka, baka nakapagsumbong na ako sa police." Utas niya sabay hawak sa braso ko.

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya, "S-sino? Si T-Thun...Thunder ang nagsabi s-sa'yo?" Hindi ako makapaniwalang sa kabila ng lahat ay si Thunder din pala ang magsasabi sa kanya kung nasaan ako.

"Oo. Hindi ko lang kung paano pero bigla siyang nagtext sa akin. Sabi niya nasa farmers ka daw kaya pumunta ako dito. Paalis ka na, buti naabutan pa kita."

Bakit niya sinabi kay Vladimir? Sa pagkakaalam, halos patayin na nga sa titig ni Thunder si Vladimir kanina. Pero hindi ko din kasi maintindihan ang kidlat na 'yon. Ang bipolar niya!

"Uuwi na ako, Vlad. Tatawagan na lang ulit kita."

"Saan ba? Ihahatid na kita."

"'Wag na. Nakapunta ako dito ng nakataxi lang, kaya babalik ako doong nakataxi lang din." Sagot ko sa kanya. Pinagpilit niyang siya na ang maghahatid sa akin pero I'm naughty and hard-headed girl. At may paninindigan ako sa sarili ko. Kaya hindi ko pa din siya pinayagang ihatid ako.

Ngunit siya ang naghanap ng taxi. Pero pinicturan at talagang minimerize pa ata ni Vladimir iyong plaka ng sasakyan bago niya ako pinasakay. Kalaunan ay nakasakay na ako at patuloy na sa pagtakbo iyong taxi.

"Manong, sa Villanueva Brewery po sa may Quezon Avenue po." Utos ko.

Matagal din akong nakarating sa V Brewery. Traffic kasi, pero kahit ganoon parang ang bilis kong nakarating. Iyong tipong parang ang bilis ng oras? Hay naman!

Nang makababa na ako ay agad kong napansin iyong kotseng nasa harap nanaman ng building. Brand at kulay pa lang kilala mo na kung sinong nagmamay-ari.

Pumasok ako sa loob at hindi na gaya kanina ay wala nang masyadong nakatingin sa akin. Sumakay ako sa elevator pero hindi gaya ng dati ay walang katao-tao. Ngayon ay marami nang nakikisabay sa akin. Iba na kasi ang sinakyan kong elevator. Ayoko na doon sa isa. Psh!

Naramdaman ko ang pagvibrate ng phone ko. Kaya dali-dali ko itong kinuha at tinignan kung anong meron doon. Nakita kong may nagtext at si Xandy 'yon.

From: Xandy
Where are you? Nabalitaan ko ang pag-aaway niyo ni Shane! That bitch? She's nobody! Don't mind her, okay?

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Xandy. Ngayon pang kapatid niya ang ex ko at may alitan pa kami ni Thunder. Hindi ko alam kung sinong nagtulak sa akin para replyan siya.

To: Xandy
Nasa hotel ako. Okay lang. Hindi niya ako naman ako nasaktan e. I'm okay.

Itatago ko na sana 'yong phone ko pero agad naman itong nagvibrate.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon