2.

18.8K 208 5
                                    

Raniela's POV

Kinuha ko agad iyong phone ko na nasa tabi lang ng unan ko. Nang nilapit ko ito sa tenga ko. Wala naman nagsasalita. Doon ko lang narealize na iyong alarm clock pa ang tumutunog.

Binuksan ko na iyong dalawang mata ko at pinatay ang alarm clock. Gusto ko pa matulog dahil hinihila pa ako ng kama ko. Pero nang tingnan ko ang oras, it's already 7 in the morning! Ngayon lang naman 7 ang gising ko dahil first day. Pero bukas, 6 na ako dapat magising.

"Miss Raniela, gising na po. Bangon na raw po kayo sabi ni Sir Rainier," sabi ni Manang sa akin na kumakatok-katok pa sa pintuan.

"Oo, Manang. Babangon na po."

Bagot na bagot akong bumangon. Gusto ko pa matulog! Papasok na ako ng banyo nang kinuha ko ulit iyong cellphone ko na ibinato ko kanina sa may kama ko.

May apat na mensahe do'n. Ang tatlo'y galing kay Yael at ang isa'y galing kay Summer. Umupo muna ako sa dulo ng kama para buksan ang mga mensahe. Syempre, inuna ko muna ang kay Yael.

From: Love

Hello, babe! Goodmorning! Wake up my princess. :*

Eat your breakfast babe. I'm sorry hindi na kita masusundo ngayon. Pinatawag kasi ako ni Coach ng maaga sa school, e. Alam mo naman na iyon, 'di ba? ;)

Don't forget to eat your breakfast, babe! I will always love you... I love you babe! Keep safe :*

Kahit sa simpleng messages lang iyon ay parang buo na agad ang araw ko. Hindi ko namalayan nakangiti na naman pala ako. Kahit kailan talaga lagi niya akong pinapasaya, pinapatawa kahit sa mga simpleng mensahe lang.

I'm lucky that I have you, Mr. Yael Ramirez.

Bago pa ako pumasok ng banyo, naisip ko munang i-text si Yael dahil baka isipin niyang tulog pa ako. Grabe pa naman mag-isip at mang-asar iyon.

To: Love

Goodmorning, babe! Kagigising ko lang sorry ngayon lang ako nakareply. Ingat! See you later :*

Nilapag ko muna iyong phone ko pero hindi ko pa nababasa iyong text sa akin ni Summer.

Kinuha ko na iyong tuwalya ko at pumasok na sa banyo. Pagkalabas ko, nagbihis na agad ako. Hindi muna ako nag-uniform kasi first day of school pa lang naman. Kapag naman nag-uniform kasi ako mamaya isipin ng mga kaklase kong excited ako pumasok. Aish!

Lumabas na ako ng kwarto at dala-dala ko iyong bag kong backpack na ombre na Jansport. Kunti palang laman nito dahil hindi ko pa nakuha iyong libro ko sa university. Kaya mga bilang-bilang na notebook, ballpen at papel lang ang dala ko.

Dumeretso na ako sa kusina at doon ko nakita si Mommy at Daddy. My dad is wearing a corporate attre. Daddy is the one and only CEO of our company. Ang kompanya namin ay tungkol lang naman sa Resorts and Hotels.

Mag-isa lang din akong anak nila kaya ang alam ko, sa pagdating ng panahon... May arranged marriage na mangyayari. Pero sabi ni Mommy sa akin, sa 18 years old pa iyon mangyayari. At ang alam ko, sa Ramirez Family din naman ang business ni Dad. Kaya kung Ramirez Company ang bagsak ko? Sure akong si Yael Ramirez na din iyon.

Ang totoo nga noon, mortal na magkaaway kami ni Yael. Pero nang biglang iligtas niya ako sa isang kidnapper. Doon na ako nagkagusto sakanya. At malalaman kong magkaibigan pala ang mga parents namin. After that, nagtanong na siya kung pwede ba siyang manligaw.

"Goodmorning, sweetheart! How's your sleep?" tanong sa akin ni Mommy. Umupo naman na ako sa may upuan. Hindi pa pala sila kumakain, hinintay talaga nila akong bumaba.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon