Raniela's POV
Kakababa lang namin ni Xandy sa taxi. Sa isang malaking hotel kami bumaba. At nang tignan ko kung anong pangalan ng hotel ay parang may kakaiba dito. Parang nakapunta na ako dito noon. Parang pamilyar ang lugar na ito.
Hawak ko ang bagahe ko nang biglang may lumapit sa amin ni Xandy na dalawang lalaki. Iyong isa'y kinuha ang bagahe ni Xandy at 'yung isa ay kinuha ang akin. Noong una ay ayoko, pero nang nakita ko ang pagtango ni Xandy ay inabot ko na din lang doon sa lalaki iyong bagahe ko.
"Room Number 536 and 535." Untag ni Xandy.
"Yes, madame." Sabay na sabi nang dalawang lalaki at tuluyan na silang umalis.
"Gutom ka ba? O gusto mo na magpahinga?" Tanong ni Xandy sa akin.
Tuluyan na kaming nakapasok ni Xandy sa hotel. Hindi na kami nagcheck-in dahil siguro'y nakareserved na ang suits namin at kilala naman dito si Xandy.
"Uhm... Mas mabuti siguro kung kausapin muna natin 'yong kapatid mo? Nakakahiya kasi kung matutulog ako dito nang walang bayad." Giit ko.
Lumapad ang kanyang ngisi. Kumislap ng parang bituin ang kanyang mga mata dahil sa mga salitang binitiwan ko.
"Sure." Sagot niya lang.
Sumakay kami ng elevator at pinindot bigla ni Xandy ang 26th floor. Nakasampung minuto siguro ang tinagal namin sa elevator. Kaya nang makarating kami sa 26th floor ay nakita ko kung bakit ito ang pinakamaluwang sa lahat.
May restaurant dito sa loob at limang kwarto lang ang nandito. Ang isa'y sobrang luwang. At ang iba ay medyo malayo sa kinatatayuan ko ngayon. May mini-bar din dito ngunit walang tao. Bakit?
"Alam kong nagtataka ka kung bakit sobrang luwang nito pero wala namang katao-tao." Sabi ni Xandy kay napalingon ako sa kanya. Mind reader! "Kasi sa lahat ng palapag ito ang kakaiba. Iisang tao lang naninirahan dito. At ito ang pinakaprivate floor sa lahat. Bilang lang ang taong pumupunta dito." Paliwanag niya.
Hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko, "Ah! E, bakit ako nandito kung pili lang pala ang pwede?"
"At kasali ka doon sa mga taong tinutukoy ko. So, shall we?" Tanong niya.
"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko muna.
Hindi siya umimik bagkos ngumiti lang siya. Hinila niya ako papunta sa pinakamalayong kwarto na nakita ko. Napatianod na lang ako sa galaw niya. Ngunit doon ko lang napansin na may isang table pala doon bago ang kwartong 'yon at may isang matandang mga 30+ na ang taon. Nakaupo siya doon habang may binabasang papel.
"Oh, hello, Madame!" Biglang tumayo ang babaeng 'yon at lumapit sa amin.
"Hello Ate Kristel. Where's my brother?" Sabi naman ni Xandy sabay ngiti ulit.
Sumimangot ang babae at bumuka na ang kanyang bibig upang magpahayag ng impormasyon, "He's not around, madame. Kasama niya po si Shane. May dinner date ata." Sagot ng matanda.
"Shane? Dinner date?" Gulat na sigaw ni Xandy at napatampal na lang siya sa kanyang noo.
"Actually, madame. Hindi planado 'yon. Bigla na lang dumating si Ms. Shane at pumasok bigla ng 'di man lang ako kinakausap. Narinig kong pinipilit ni Ms. Shane si Sir pero ayaw niya ito. Sabi ni Sir, may hinihintay daw po siyang importanteng taong parating ngayon." Tugon ng matanda.
"Bakit siya sumama sa impaktang 'yon?!" Nanggigigil na tanong ni Xandy.
"Bigla kasing dumating si Mr. Hernandez. Kaya wala nang nagawa si Sir kundi sumama." Tugon niya.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...