58: You're right

6.2K 95 2
                                    

Raniela's POV

"T-Thund-" Napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niyang ilagay ang kanyang hintuturo sa aking labi.

"Quiet, baby..." Malambing niyang sabi. At ang kamay niya ang naglakbay papunta sa pisngi ko. Hanggang sa noo ko at parang inaalala niya ang buong hugis at itsura ng mukha ko.

Hindi ko magawang humindi sa ginagawa niya. Para bang may iba sa sistema kong gusto ang ginagawa niyang ito. Ngunit napamula din ako ng mata nang maramdamang hindi niya na hinahaplos ang mukha ko.

"You're always be my baby." Nag-init ang buong mukha ko nang marinig ang malambing niyang boses sa gilid ng tenga ko. Naestatwa at nangangatog ang dalawang binti ko. Marahan niya akong hinila papasok sa loob ng building.

Lahat ng nadaanan namin ay nakatingin sa amin. Lalo na sa kamay ni Thunder na nakahawak sa may pulso ko. Umiwas ako ng tingin sa mga taong nananalisik ang tingin sa akin. Siguro'y ngayon lang nila nakitang ganito si Thunder sa mga empleyado. Sumakay kami sa may elevator. Gaya ng dati, walang masyadong nakasakay dito. Sikat ba talaga itong hotel na ito? Parang walang katao-tao huh? Pinindot din naman ni Thunder ang 26th floor. Kung saan ang office niya.

"Mamaya pala, uuwi ako-"

"No."

"Saglit lang naman 'yon e."

"I said, no."

"Kahit isang oras-"

Nanlaki ang dalawang mata ko nang bigla niya akong atakihin ng halik. Hindi ko din naman maintindihan ang sarili ko pero nakisabay ako sa halik niyang iyon. Naramdaman ko na lang na nakasandal na pala ako sa elevator at hawak ang kanyang leeg. Samantalang siya ay nakahawak sa aking magkabilang baywang. Naramdaman ko na ang paglalim at pagkalasing ko sa kanyang halik kaya bigla ko siyang tinulak palayo sa akin.

Nakapaawang ang kanyang labi. Dumistansya ako ng unti sa kanya. At umiwas sa kanyang tingin. Buti na lang nakontrol ko ang sarili ko. Haynaku! Ano bang ginawa ko?!

"I'm sorry."

"I'm sorry."

Mas naging awkward ang lahat nang magsabay kaming humingi ng pasensya sa isa't isa. Sakto namang nagbukas ang elevator kaya unang lumabas si Thunder. Sumunod naman ako sa kanya. Hanggang sa tumigil nang paglalakad si Thunder. Nakita ko ding may palapit na babae sa kinaroroonan niya.

"Thunder my sweetheart!" Sigaw ng babae at nakita ko kung paano niya yakapin si Thunder. Kahit hindi ako iyong kayakap ng babae ay ramdam ko kung gaano kahigpit ang yakap na iyon.

"Stop it, Shane. I'm tired." Iritadong untag ni Thunder sabay hawak niya sa braso mg babae at nilayo ito sa kanya. Suplado talaga ng kidlat na ito! Pero bakit niya ginawa iyon? Dahil ba nandito ako? Sabi niya wala siyang girlfriend. So, who's that girl?

Pero bakit ang dami kong tanong. At bakit... Ugh! Bakit parang piniga ng husto ang puso ko. Talagang may bumagsak sa loob ko. Hindi ko maintindihan! Bakit parang nagbabadya ang mga luha ko. Ano ba, Raniela! Ano bang puso ang meron ka? Bakit ba ako nasasaktan noong niyakap siya ng babaeng iyon? Tangina!

Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para magsalita, "Uhm... Thunder? Mauuna na ako, huh? Nakakaistorbo ata ako sainyo." Paalam ko.

"And who the hell are you, b*tchy sl*t!" Sigaw niya sa akin.

At tuluyan ko na ngang nakita ang itsura ng mukha niya. Nagulantang ako nang makita ulit ang mukha niya. Siya iyong babaeng nang-away din sa akin sa V Brewery. Bakit siya nandito? Nakalimutan ko! Siya nga pala iyong tinutukoy ni Xandy na anak ng kabusiness partner ng mga Villanueva. At siya din ang babaeng mahal na ngayon ni Thunder.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon