27.

6.6K 108 3
                                    

Raniela's POV

Lumipas ang ilang linggo at ang daming pagbabago ang nangyari. Simula nang pumasok si Jeremy sa Eminent University, lalo siyang naging sikat. Hindi rin naman maipagkakailang pati si Thunder ay nagbago. Ang lalaking geek noon ay halos sambahin na ng mga kababaihan ngayon.

Katatapos lang ng PE class namin. It's already Wednesday at pagod na halos lahat. Mabuti na lang ay huling klase na namin ito ngayong araw. Nandito kami ngayon sa PE Function Hall, it is like mini-gymnasium.

"Purple, may tubig ka pa ba diyan?" tanong ko sa kanya.

Nakaupo siya ngayon sa bench at nagpupunas ng pawis. Agad naman siyang umiling. Naubos ko na kasi ang tubig ko kanina. Hindi ko naman inakalang pagpapawisan kami ng husto ngayon.

"Here, drink this."

I blinked twice before receiving the bottled water he was giving. He looks dashing and hot with his damp hair. Tumutulo pa ang pawis niya na tila nandoon talaga 'yon para dumagdag sa kagwapuhan niya. Umiling ako at kinuha na lang ang tubig.

Shit! What was that?

Binuksan ko na iyon at nagmadaling uminom para mawala ang mga iniisip. Halos maubos ko pa iyon at saka lang naalala na baka wala na siyang inumin. Kahit uhaw pa ako ay binalik ko na sa kanya ang bote na kalahati na lang ang laman ng tubig.

"Are you okay? May tubig ako rito. Sa'yo na yan," pinakita niya ang hawak niyang bote'ng may lamang tubig din.

Tumango na lang ako at uminom muli. Muntik pa akong malunod sa iniinom dahil may tumulak sa akin galing sa likod. Lumabas ang tubig sa bunganga at ilong ko. Naitukod ko ang kamay ko sa may railings kaya hindi ako tuluyang natumba.

"Hi, Thunder. Nalaman kong may PE class kayo. I bought this for you. It might help you regenerate your energy." Malanding saad ng isang babae at inaabot ang Gatorade sa kanya.

"Binilhan din kita ng tubig, Thunder. Para hindi ka ma-dehyrate." Saad ulit ng isa.

Nagsimula na namang magsidatingan ang mga babaeng baliw na baliw kay Thunder. Inaamin ko namang nagbago talaga ang itsura ni Thunder ngayon kumpara dati. Kaso, tangina, halos magpatayan na mga babae para lang malapitan siya.

"I already have my water. Ibigay niyo na lang 'yan sa iba," masungit na sagot ni Thunder.

Isa pa 'yan. Akala mo naman ang ayos ng pakikitungo niya sa mga babae, kulang na lang ay tusukin niya ang mga mata nila para tigilan siyang titigan ng mga 'to.

Malungkot at dismayado silang umalis ng PE Function Hall. Ang iba'y lumipat pa kay Jeremy para ibigay ang mga dala. Kumpara kay Jeremy, mas palakaibigan siya. He knows how to communicate and interact with other girls. Well, no doubt at all. He came from abroad.

"Kinuha mo na lang sana," komento ko.

"Bakit? I don't need those. Gusto mo bang tanggapin ko?"

Kumunot ang noo ko, "Ikaw bahala kung ganoon. Sa akin lang naman, nag-effort sila tapos dededmahin mo lang?"

"Tinulak kana nga, sila pa rin iniisip mo."

Then, he left me dumbfounded and speechless. Nauna na siyang lumabas ng PE Function Hall. Lumingon ako kay Purple, kanina pa pala siya nakikinig ng usapan namin.

"What? Did I say something wrong?" I hissed.

Nagkibit-balikat lang siya. Umirap na lang ako sa kanya at kinuha ang bag. Ayoko sanang matuyuan ng pawis kaso nakalimutan ko palang magdala ng extra shirts. Nagpasundo na lang ako kay Kuya Rico at dumating naman siya ilang minuto lang ang nakalipas.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon