53: Really?!

5.9K 80 2
                                    

Raniela's POV

Nakalipas ang isang linggong pagtratrabaho ko sa V Brewery. Maganda naman ang pakikitungo nila sa akin doon at maganda din ang naitutulong ko. Sa ngayon ay gumagawa ako ng bagong wine, ito ang kauna-unahan kong gagawa ng wine sa V Brewery. Ngunit, sabi ni Xandy day-off ko daw ngayon. Kaya nandito ako sa airport.

Hindi para umuwi ng Pilipinas kundi para ihatid si Vladimir. Ngayon na kasi siya aalis. Buti nga at nagkaroon ako ng day off, sa araw pa ng pag-alis ng isa kong bestfriend.

"Hoy, ikaw! Mag-ingat ka doon ha? Mamimiss kita!" Pagpapaalam ko sa kanya sabay nagpout.

"Hahahahaha! You're so cute!" Asar niya sa akin sabay pisil sa magkabilang pisngi ko.

"Araaaay! Masakit!" Sigaw ko kaya ng binitawan niya na ako agad ko siyang binatukan.

"Aray! Ang sakit noon ah! Hayaan mo, mamimiss ko din iyang mga pang-aasar at pananakit mo sa akin." Giit niya.

"Pang-aasar? Ni hindi nga kita inaasar e! Ikaw 'tong mahilig sa pang-aasar!" Sigaw ko sa kanya.

"Hay! Kayong dalawa talaga, hindi na kayo tumigil sa pag-aaway!" Sermon ni Tita, "Ohsya! Vladimir, mag-iingat ka doon ha? Alam kong malaking project ang magagawa mo sa Pilipinas." Dagdag pa ni Tita.

"Opo, Tita. Ako po bahala. Tito, aalagaan niyo po si Raine at Tita ha? Baka mamaya manganak ng di oras si Tita dito ha!" Natatawang sabi ni Vladimir.

"Matagal pa namang mangyayari 'yon, Vladimir." Giit ni Tita.

"Hahahaha! Mag-ingat ka doon, Vladimir. 'Wag mong ipahiya ang kompanya natin." Untag ni Tito Victor habang hawak-hawak sa kamay si Tita Mely.

"Opo. Sige po, aalis na po ako." Tugon niya.

"Mag-iingat ka ha? Mamimiss kita!" Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin siya. "Mamiss talaga kita! Lalo na iyong kakulitan mo!" Sigaw ko sa kanya.

"Nagdrama nanaman ang baliw. Hahaha! Mamimiss din naman kita, Raine!" Sabi niya.

Nang binitawan ko siya'y nakita ko ang natatawa niyang mukha. Kaya agad ko siyang pinalo sa may dibdib niya.

"Halangya ka! Hindi mo naman ako mamimiss, e!" Sigaw ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niya akong higitin at yakapin ng sobrang higpit.

"I will, Raine. I will miss you..." Bulong niya.

Niyakap ko na din siya. Kanina pa open ang flight niya pero hindi pa siya pumapasok dahil sa amin. Kaya nang bumitaw siya ay niyakap niya na din si Tito at Tita. Hanggang sa kumaway na lang siya dala-dala ang mga bagahe niya papasok ng airport.

Malungkot ang naging araw kong 'yon. Nawalan ulit ako ng isang matalik na kaibigan. Ngunit hindi naman siya iyong tipong taong hindi na babalik, at sigurado akong may babalikan pa ako. Hay! Nakakamis iyong kurimaw na 'yon. Wala tuloy akong masapak ngayon! Namimiss ko na mga corny jokes niya!

Sa gabing 'yon, wala akong ibang ginawa kundi matulog ng maaga. Actually, hindi naman ako maagang natutulog dahil kay Vlad noon. Lagi kasi kaming nag-momovie marathon.

Hanggang sa kinaumagahan ay tumunog na ang alarm-clock ko. Agad akong bumangon upang ayusin ang kama ko. Nang tumunog ang phone ko, tinignan ko kung may texts ba o calls. Natuwa naman ako ng malamang meron nga.

From: Vladimir
I miss you so much, Raine.

From: Purple
Hello girlfie! Tawag ka kapag gising ka na ha! I love you and I miss you.

From: Xandy
Hello Sissy! How are you? Take care, sissy! xoxo

Natawa ako ng makatanggap ako ng ganoong mga text. Nagulantang ako ng biglang tumunog ulit ang phone ko at si Purple ang lumabas na pangalan dito.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon