Raniela's POV
"I'm so freaking excited!" Purple shouted before she open the shotgun door.
Natuloy ang plano ni Purple na pumunta sa Puerto Galera. Gamit namin ang pick-up car nila Jeremy at nasa likuran ang mga maleta. We are going to have a one week vacation!
Alas siete y media pa lang ay sinundo na kami ni Jeremy. Ako ang huling sinundo nila dahil ako ang may pinakamalapit na bahay patungong Batangas Port. Gaya ng napag-usapan, kami lang nina Purple, Jeremy, at Thunder. Kasama lang ngayon ang driver para iuwi rin ang pick-up car at ihatid kami.
Ang bilis ng pangyayari, last week when I decided to approach Mom and asked if I could travel with my friends, she already said yes. Nalaman niyang kasama ko si Thunder kaya pumayag sila. Mabuti na lang at nag-book si Purple sa resort namin sa Puerto Galera.
Hindi ko alam na may branch kami doon. Napag-alaman ko na lang nang sinabi rin sa akin ni Mommy 'yon. Nevertheless, sinabi ko kay Purple na libre na lang ang check-in namin tutal ay hotel naman namin 'yon. Unfortunately, she didn't allow it. Magbabayad naman daw ang parents niya kaya mas magandang magbayad na. I just recommended her a discount for her birthday gift.
"What do you want?" Thunder asked me.
Nasa harap kami ngayon ng fast food chain para mag-order ng almusal. Maaga palang umalis sa kani-kanilang bahay kaya hindi na nagawang mag-almusal. Busog pa ako kaya nag-order lang ako ng burger at fries.
"Is that enought?" He asked again when I received it.
"Yeah, busog pa ako. You must eat, too."
Sumalubong sa pang-amoy ko ang bango ng kape nila. Apat silang nag-order ng kape kaya amoy na amoy iyon sa loob ng kotse. Si Jeremy ang nasa shotgun seat, habang tatlo kaming nandito sa likuran.
Todo ang talon ko nang kumagat ako sa burger ko at sumabay din si Thunder. Sobrang lapit niya kanina at ngayon ay ngumunguya na. Kumalabog ng husto ang puso ko. Hindi pa rin sanay lalo na't may ibang tao.
"What?" Walang emosyon niyang sinabi.
"Nothing. Gusto mo pala, why didn't you order the same food?"
"No, thanks. Tinikman ko lang. I'm fine with this." At sinubo na ang pancake na binili niya. Ang moody talaga!
"Raine, ilang dala mong bikini?"
Nasamid ako bigla sa tanong ni Purple. Inabutan ako ni Thunder ng kape ngunit nang mapagtantong mali ang naabot niyang inumin ay binawi niya 'yon. Kinuha niya ang bottled water sa bag at binuksan para maiabot sa akin.
I drank almost half of it, "Damn, Purple! I'm eating!"
"What? I'm just asking a question. Don't tell me wala kang dala?"
Thunder was very attentive with my answer. Nakatitig lang siya sa amin kahit kaming dalawa ni Purple ang magka-usap. Abala si Jeremy sa harap ngunit nahuhuli ko siyang tumitingin sa akin gamit ang rear-view mirror. Wala namang pake ang driver nila.
"Uhh, of course I brought some."
"That's good. Hapon na tayo makakarating do'n so maabutan natin ang sunset!" She giggled.
Halos tatlong oras ang naging biyahe namin patungong Batangas Port dahil medyo traffic. When we arrived, nagpaalam na kami sa driver at tinulungan sa mga gamit.
Nang makasakay ng barko ay napagpasyahang magpahinga nila Purple at Jeremy sa loob. Hindi na muna kami kumain dahil medyo busog pa sa meryendang dala kanina. Naiwan kami ni Thunder sa labas para tingnan ang dagat.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...