64: I miss your kiss

6.3K 90 0
                                    

Raniela's POV

"You want me to choose?" Malamig na tono ang lumabas sa bibig ni Thunder. Nag-igting ang bagang niya. Naramdaman ko ang inis niya dahil humigpit ang hawak niya sa braso ko.

"Thunder-"

"Kasi kung ako sa'yo, Shane, baka hindi mo magugustuhan ang isasagot ko." Binitawan niya ako at naglakad na siya palayo. Nagdabog si Shane na parang bata. Kaya marami ang nakapansin sa kanya. Dahil na siguro sa kahihiyan ay naglakad na din siya paalis kaya naiwan kaming pareho ni Vladimir dito na nakatayo.

"Vlad, may gusto ka bang puntahan?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya at bahagyang ngumiti, "Wala naman. Bakit?"

"Uhm... Hahabulin ko kasi sana si Sir Thunder. Baka mamaya may mangyari doon. Tsaka pag-uusapan pa namin 'yong tungkol sa Puerto Galera." Paalam ko sa kanya.

"Uh? O-O sige." Sagot niya. Nakita ko kung paano siya, a fake one.

Pero hindi ko na lang pinansin 'yon. Niyakap ko siya pagkatapos ay naglakad na din ako palayo sa kanya. Dumiretso ako sa may elevator kung saan lagi akong sumasakay. Kaya gaya ng dati ay wala akong kasama sa loob. Agad kong pinindot ang 26th floor.

Matagal bago ako nakarating doon. Siguro dahil sa kakaapura ko. Ganoon naman lagi e. Kung kailan ka naghihintay, tsaka bumabagal ang oras. Kung kailan tarantang-taranta ka na, tsaka bibilis ng walang humpay.

Nang makarating ako ay agad akong tumakbo. Dumiretso ako sa office niya pero nagulat ako ng pinigilan ako ng personal assistant niya. Nagtataka na din ako dito sa taong 'to e. Personal assistant ba 'to? Kasi kung oo, dapat siya ang kasama ni Thunder sa appointment niya at hindi ako.

"Wala po siya diyan, Miss Concepcion." Sambit ng P.A. ni Thunder sa akin. Kumunot ang noo ko at hindi makapaniwala sa kanyang sinabi. Kung wala siya sa opisina niya, nasa kwarto siya?

"Where is he?" Malamig na boses ang lumabas sa akin na halls hindi ko makilala.

"Nasa may gym po siya. Kung madadaanan niyo po ang room na kulay white ang pinto. Doon po 'yon. Pero kung ako po sa inyo, hindi na ako tutuloy sa pagpasok." Sabi niya. Nangatog ang binti ko at nagsitaasan ang balahibo ko dahil sa paaalala niya. Why? Bakit ganito ang naramdaman ko ng marinig ang sinabi niya? Tsaka, hindi lang naman 'to ang unang pagkakataong pinaalalahanan niya ako. At 'yong unang binali ko 'yon ay wala namang nangyaring masama sa akin.

"Why would I?" Tanong ko ngunit imbis na makahagilap ako ng sagot sa kanya ay wala akong napala. Nagkibit balikat lang siya at umiwas na sa mga tingin ko. Darn!

Wala na akong nagawa kundi maglakad ulit. Hinanap ko ang sinasabi ng PA ni Thunder na white door. Hindi kalayuan ay nahanap ko nga 'to. Nang lapitan ko ay natuwa ako ng malamang nakabukas ito. Mas lalong pinihit ko ang door knob para magbukas ang pinto. Bumalandara sa akin ang iba-ibang gamit sa gym.

May nakita din akong boxing ring at nakalaylay na punching bag. Pero karamihan ay mga gamit pang work-out ang nandito. Pero kahit anong bakas ay wala akong napansin. Mas lalo akong pumasok ng kwartong 'yon para sana hanapin si Thunder. Pero nagulat ako ng may nagsalita sa bandang gilid ng kwartong 'to.

Isang malamig at nakakakilabot na tono, "What are you doing here?" Napatungo ako sa kanya. Tsaka ko na lang napansin na nakatopless na naman siya at nakashorts lamang. Nagpapawis ang katawan niya kasabay ng pagbilis ng hininga niya. Kaya mas lalo kong napansin ang paghubog ng katawan niya. Holy crap!

"U-Uh... A-Ano kasi... Uhm... K-Kasi..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Parang lumipad ang diwa ko at nakatuon na ang pansin ko sa katawan niya! Putchang gala!

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon