28.

7.5K 100 1
                                    

Raniela's POV

Puting kisama ang bumungad sa akin pagmulat ko ng mga mata. Luminga ako sa paligid at napagtantong nasa clinic ako. I felt my hand heavier than usual. Pagkatingin ko'y hawak iyon ni Thunder at taimtim siyang natutulog sa gilid ko.

Lumipad ang isa kong kamay sa kanya at hinimas ang kanyang buhok. Hindi ko mapigilang ngumiti at matuwa. Wala akong balak gisingin siya ngunit mukhang naramdaman niya ang marahan kong paghaplos.

Nataranta siya nang makitang gising na ako. Hindi niya alam ang unang gagawin. In the end, hinawakan ko lang ang kamay niya at pinakalma siya.

"Ayos kana ba?" He panicked. Hinawakan niya ang noo ko at hinawakan ang noo niya. "Wala ka nang lagnat."

Natawa naman ako sa ginawa niya. "Ayos na ako, Thunder. Anong oras na ba?" Pinilit kong bumangon at tinulungan niya naman ako.

"Malapit nang mag-4:30—"

"Tangina, ano?! Hapon na?!" Napabalikwas ako ng upo at napatayo rin si Thunder sa biglaang galaw ko.

"Bakit ka ba tumatayo? Magpahinga ka muna diyan. Nagugutom ka na ba? Hindi ka pa kumain, e. What do you want? Your friend brought some foods for you." May pinulot siyang paperbag sa gilid at nilabas ang mga laman no'n.

May lugaw na naka-lagay sa tupperware na may itlog at tubig ang nilabas ni Thunder. Kinuha ang kutsara no'n at nilapit sa akin. Sinubuan ako ni Thunder at wala na akong oras mag-inarte dahil nasa tapat na nang bibig ko ang kutsara. I just opened my mouth and ate it.

"Hindi na 'to mainit. Kanina ko pa kasi 'to in-order. Wala namang microwave dito."

"Ikaw? Did you eat?" I asked.

"A little. But I'm fine, don't worry for me."

"Sigurado ka ba? Mukhang hindi ka pa ata kumakain, e.

"Kumain na ako kanina habang hinihintay kang magising. It's been 6 hours since you collapsed."

"Oh, I'm sorry for the trouble. You should attend your classes, Thunder. Bakit mo pa ako binantayan dito?"

"Stop lecturing me. It was my choice to stay here. Hihiram na lang ako kay Jeremy ng notes para basahin mamayang gagabi."

"Are you sure?" I asked.

"Yes, Kezzia. Sarili mo dapat ang isipin mo. Sigurado ka bang okay kana?"

"Oo, maayos na ang pakiramdam ko."

"Binigay na sa akin ni Dra. Ganzon iyong gamot mo. Ubusin mo na 'yan para makainom kana."

"Okay, thank you."

Kumain nga ako gaya ng gusto niya. Hawak niya ngayon ang cellphone at abala sa pagpindot do'n. I thought he was playing something pero may katext ata siya. Umangat ang ulo niya kaya umiwas ako ng tingin.

"I already texted Jeremy that you are awake. Nag-aalala kasi ang kaibigan mo kanina." He explained.

"Ah, si Purple. She must be shocked."

"Of course. So I was."

"Huh?"

"Did you eat your breakfast this morning?"

I raised my brow. "Oo naman. Kaso konti lang 'yon. Wala akong ganang kumain kanina."

"Why?"

"Well, my body was pain in the ass. Masakit ang buong katawan ko kanina."

"Then, why did you still go to school?" Sigaw niya na kinabigla ko naman. "I-I'm sorry."

I was about to speak but nothing went out. Yumuko na lang ako at kinagat ang natitirang sandwich sa kamay. Malay ko bang mahihimatay ako kanina. Uminom na rin naman ako ng gamot kanina kaya akala ko'y magiging maayos na ang pakiramdam ko.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon