46: To Kill A Mockingbird

6.1K 89 3
                                    

Raniela's POV

Hindi ko na pinansin ang sinabi ni Danielle. Alam ko namang hindi makatotohanan iyon. Dahil imposibleng mangyari 'yon. Kakakilala pa lang namin ni Vladimir tsaka ang sungit kaya sa akin ng buang na yun!

Kumakain na kami ngayon nang mga inorder nila. Actually, hindi ako nag-order nang pagkain ko. Kundi si Vlad. Katabi ko kasi siya ngayon at binigyan niya ako ng kakaibang menu. Hindi ko alam ang tawag dito pero para siyang pasta.

Ewan ko kung bakit wine ang inorder nilang drinks namin. Sumang-ayon na lang ako sa kanila. Gusto ko din namang uminom tsaka hindi naman gaanong malakas ang tama nito e. Hindi kaya ng ibang beers.

"Masarap ba?" Tanong ni Ivan.

"Always and forever, Ivan!" Tumili pa si Klaudine.

"Hindi ikaw, si Raniela. Unang beses pa lang kasi siya dito e." Giit ni Ivan.

Umirap na lang si Klaudine at tumingin sa akin. Tumango naman ako at ngumiti din, "Yeah. Masarap siya. Tsaka idagdag mo pa itong wine. Partners talaga!" Masayang komento ko.

Tumango-tango naman sila at nakangiti na din. Habang tinitikman ang sarap ng wine na iniinom namin ngayon.

"Oo nga. Kakaiba ito! Balita ko nag-iba na kayo ng pinag-oorderan ng wine ha? Last month pa ata di ba?" Tanong ni Lawrence sa kanya.

"Yeah. Nakakasawa na din kasi iyong dati. Buti itong bagong kabusiness nila daddy ay may taste. Bago sa panlasa at every month may bagong naproproduce." Paliwanag ni Ivan.

Uminom ulit ako ng wine habang nakatingin lang sa kanila. Nang mahuli ko ang titig sa akin ni Vlad ay kumunot ang noo ko. Umiwas din naman siya ng titig kaya mas naging komportable na ako. Shunga talaga itong bakulaw na ito!

"What company? So, I can tell to my dear mother. Alam niyo na? May mga bars kami sa Pilipinas." Nakangiting sabi ni Lawrence.

"Uhm... I think..." Uminom muna siya sa wine glass niya at ninamnam ang sarap ng wine.

Ginawa ko din iyon at hinintay ang sagot niya. Umiinom ako at bumuka na ang bibig niya.

"Sa Villanueva's Beer Brewery ata."

Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Muntik ko nang ibuga ang iniinom ko. Buti na lang. Nalunok ko muna ito at napahawak na lang sa tissue dito sa restaurant nila.

"Are you okay, Raniela?!" Sigaw ni Vladimir sabay hawak sa balikat ko.

"Yeah. I-I'm fine. Don't mind me."

"No. You're not. Let's go." Untag ni Vladimir.

"I'm fine, Vlad. Just enjoy and feel the moment." Marahan kong bigkas.

"You sure? Sabihin mo lang kung hindi mo na-"

"I said, I'm fine. Okay?!" Napasigaw na ako. "Ugh! I'm sorry. Just... Nevermind! Please, don't talk to me for a while." Giit ko.

"I'm sorry, too."

Hindi na masyadong pumasok sa utak ko ang mga pinag-usapan nila. Nung una ay binalot sila ng katahimikan ngunit binasag ito ni Deilmer kaya maingay na ulit sila ngayon.

Nagulantang kaming lahat ng malakas na tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko ito sa bulsa ko at tinignan kung sino iyong tumawag.

Purple is calling...

"Excuse me..." Sambit ko at umalis na sa table na 'yon.

Dumiretso ako sa may comfort room dahil bihira lang naman ang tao kaya ma magandang doon ko na kausapin itong si Purple.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon