15.

7.9K 99 2
                                    

Thunder's POV

"Thunder, bilhan mo naman ako ng chips."

I was reading when my sister disturbed me. Kanina pa siya kumakatok sa pinto pero ngayon ko lang siya pinagbuksan.

"Gabi na, ate. Magpaluto kana lang ng pagkain kay Manang."

"Tulog na si Manang, e. Sige na, malapit lang naman iyong convenience store. Just use my car."

Niyugyog niya ang braso ko at hinaplos iyon. I couldn't say no. Wala na akong nagawa kundi bumili ng chips. Nagsuot ako ng jacket dahil medyo maginaw na sa labas. I used Xandy's car, ayoko nga sana pero kung gagamitin ko ang kotse ko ay mas agaw pansin iyon. May malapit namang convenience store kaya doon na ako bumili.

After buying her chips, bumili na rin ako ng sandwich at bottled coffee. Umuwi na rin lang ako pagkatapos bayaran iyon.

Mabilis ang pagmamaneho ko ngunit natigil nang may biglang dumaan sa harap ko. Bumusina ako at nagpreno. What the fuck!

Halos manlamig ang buong katawan ko nang makita siyang nakahandusay sa kalsada. Nasagasan ko ba siya?

Nagmadali akong bumaba ng kotse para lapitan siya. There's no blood running, though. Malayo ang distansya ng kotse ko sa kanya.

Lalo pa akong nagulat nang makita ang itsura ng babaeng muntik kong masagasaan. Lumuhod ako para mahawakan siya. Kalat na ang make-up sa mukha, kung titingnan ay parang ginahasa pa siya.

I removed my jacket and put it into her body. Ang tindi ng talon ko nang bigla siyang humagolhol sa iyak. She's trembling, niyakap niya ang jacket na binigay ko at muling umiyak.

"The fuck is wrong with you, Kezzia?"

She didn't response. Umiyak lang siya lalo. Tinulungan ko siyang bumangon kaya pareho na kaming nakaupo ngayon sa kalsada.

"Okay ka lang ba?" Hindi ko napigilan ang paglambing ng boses.

Nagulat ako nang bigla niya akong hampasin sa dibdib at itulak, "Fuck you! Muntik mo na akong masagasaan!"

"Wow," I scoffed, "Malay ko bang tatawid ka. Sa'n ka ba galing?"

She stood up. Tumayo na rin ako at pinagpag ang suot ko. Inabot niya ang jacket ko, nais ibalik ito sa akin.

Umiwas naman ako ng tingin dahil muntikan ko nang makita ang hindi dapat. Nakita niya ang ekspresyon ko sabay tingin sa kanyang dibdib. Binalik niya muli ang jacket at tinakpan ang kanyang katawan.

"T-Thank you." She said.

"Saan ka ba galing?" Nakatingin na ngayon sa kanya. "At saan ka pupunta? Ang pangit mo."

Nagulantang ako nang umiyak na naman siya. Tangina! Mag-iiyakan ba kaming dalawa dito? Nagtanong lang naman ako. Umiyak ba siya dahil sinabi kong pangit siya? Damn this woman.

"Pwede mo ba akong ihatid sa Town Square?" Hikbi niya.

"Gabi na, ah. Bakit hindi ka pa umuwi kung wala ka na rin namang pupuntahan?" 'Di maiwasang mainis.

"I don't want to go home yet."

"Then, let's go at the hospital."

"Huh?" She asked, naguguluhan.

I deeply sighed, inayos ko muna ang salamin bago nagsalita, "Baka may sugat ka o gasgas. Kailangan mong macheck muna ng doktor."

"I'm fine," humikbi siya muli. "I am fine, Thunder."

"Get in."

Binuksan ko ang pinto pero naiwan lang siyang nakatayo roon. Nakatitig siya sa akin. Tinuro ko muli ang sasakyan. Marahan siyang naglakad at binuksan din naman ang pinto ng kotse. Umupo siya sa shotgun at umupo na rin ako para magdrive.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon