50: Xander and Treffy Villanueva

5.9K 88 2
                                    

Raniela's POV

Napatalon ako ng marinig ko ang alarm ng cellphone ko. Agad ko itong pinatay bago ko pa matapon. Ala-syete na pala ng umaga. Kinusot ko ang mga mata ko at humikab muna. Hanggang sa bumangon at dumiretso na ako sa may bathroom.

Mabilis kong hinablot ang tuwalya ko sa sampayan. Hinanda ko muna ang mga damit na susuotin ko bago ako humapak sa may sahig ng banyo.

Agad naman akong natapos kaya agad din akong nakaligo. Saglit lang naman iyon at mabilis akong maligo. Hanggang sa natapos na ako at lumabas na kwarto ko.

Sumalubong sa akin ang naka-tuxedo na si Vladimir. Nasa harap din siya ng pinto ng kwarto niya. Marahan siyang ngumiti kasama ng pagkislap ng kanyang mga mata. Kaya napangisi na din ako at binatukan siya.

"Ang gwapo mo ha!" Bulyaw ko.

"Aray naman! Masisira iyong hair style ko." Sambit niya habang inaayos ang nakawax na buhok.

"Tsk. Daming arte. Oh, ano? Ready ka na ba sa presentation mo mamaya?" Tanony ko sakanya.

May presentation kasi siya mamaya. Actually, nakagraduate na kaming dalawa. Nagtratrabaho siya ngayon sa building ng Car Manufacturer. Siya na kasi ang Vice President ngayon sa building ni Tito Victor. Si Tita Mely kasi ay lagi nang nandito sa bahay. Buntis kasi siya kaya laging nandito na din si Tito Victor kaya laging wala naman si Vladimir dito sa bahay. Ngunit, lagi niya akong hinahatid at sinusundo kung saan man ako pumunta. Minsan ay nasa bar din kami para masaya kasama ang barkada.

Anim na taon na din ang nakalipas simula nang huli akong tumapak sa lupa ng Pilipinas. Naging buhay at bahay ko na ang California ngayon. Last month lang noong nakagraduate ako ng Hotel and Resort Management sa Columbia College. Kasama ko sa pagkagraduate ay sina Dianne, Ivan, Klaudine, Lawrence at Danielle. Ngunit iba't ibang kurso kami. Kasama ko sa HRM sina Danielle at Ivan. Samantalang Engineering naman si Klaudine, Architecture si Dianne at, Medicine naman ang kinuha ni Lawrence.

Nakagraduate na last year sina Vlad at Deilmer. Actually, Accountancy ang course nilang dalawa. May trabaho na si Deilmer, may business kasi ang mga magulang niya. At ang alam ko ay trinitrain na siya dahil s'ya na ang susunod na CEO ng kompanya nila. Samantala, si Vladimir naman ay Vice President pa din ng kompanya ni Tito Victor.

"Saan magandang mag-apply ng trabaho, Vlad?" I asked.

Bahagya siyang umiling sabay ng pagliyad ng ulo at tumungo sa akin.

"Bakit kaya hindi ka na lang kina Ivan magtrabaho? Manager naman siya doon e." Giit niya.

"I don't like. Baka sabihin ng iba, sumisipsip ako doon because I'm one of Ivan's friend. Mas magandang sa iba na lang." Sambit ko.

"Okay. Uhm... You should try on V Brewery. Honestly, wines ang karamihan nilang iniimport export around the world. Hindi ba't magaling ka sa paggawa ng mga alak?" Untag niya.

Napangiti naman ako doon at tumungo ang tingin sa daan.

"Ow! I like that, huh! So, where do I find that company?" Tanong ko.

"Malapit lang dito 'yon. Minsan, doon din kasi kumuha ng mga wine at beer ang kompanya nina Ivan." Sabi niya.

Mas lalong lumaki ang ngisi ko. Ngunit may kaba akong naramdaman doon. Kasi sabi ni Vlad, sikat ang kompanyang iyon dahil laging nag-iimport at nag-eexport sila ng mga produkto mapasaan mang bahagi ng mundo. Gayunpaman, ewan ko kung bakit may nagtutulak sa aking pumunta doon kahit sobrang takot at kaba ang nararamdaman ko ngayon.

"We're here." Sigaw niya.

Nauna siyang bumaba. Tinanggal ko muna ang seatbelt ko. Hahawakan ko sana ang pinto ng kotse ni Vlad ngunit may humila na dito. Bumungad sa akin ang nakangisi at may nakatayong buhok ng lalaki. Haynaku! Galing talaga bumihag nang lalaking ito e. Kaso nga lang, hindi ko din maintindihan pero ang tagal na naming magkasama pero wala pa akong nararamdaman para sa kanya.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon