Thunder's POV
"Nagsorry na nga ako di ba? Anong gusto mo? Magmakaawa ako at lumuhod sa harap mo?" Nairita ako sa boses niyang sobrang lakas. But even though, I like when her cheeks were getting red.
"Tsss. Magsosorry ka na nga, hindi pa sincere!" Inasar ko lalo siya. Eventually, I want to forgive her.
But she didn't response. I wear my eyeglass. Umalis ako sa harap niya at pinagpatuloy ang paglalakad.
"HEY GEEK!"
Narinig kong sigaw niya. Huminto ako ng lakad at sakto namang...
"SORRY OKAY?"
Hindi ko inakalang sisigaw siya ng ganoon kalakas. Lumingon ako sa gawi niya at nginitian siya. Hindi alintana ang iisipin ng iba, para sa kanya. Dahil kahit marami nakapaligid na tao ay nagawa niya pa din humingi ng tawad kahit pasigaw nga lang.
Halos mahulog na ako sa babaeng iyon. Hindi ko inakalang siya din pala ang pinsan ni Skylene. Sobrang sakit. Ang sakit kasi sa tuwing naaalala ko ang babaeng nakilala ko, si Skylene ang sumasagi sa utak ko.
Plinano kong saktan siya. Saktan siya dahil baka sakaling masaktan din ang pinsan niyang si Skylene. Pero nagkamali ako, kasi sa huli... Ako pa din pala ang nasaktan at umuwing luhaan.
"Tita, Tito, sabihin niyo na po sa akin! Nasaan po ba si Kezzia? I want to talk to her. Kailangan naming mag-usap!"
Nasa harap ako ng bahay ng nga Concepcion. Halos barilin na nga ako ng tatay ni Kezzia para maitaboy lang ako. Ngunit hindi ako umalis bagkus ay naghintay pa ako.
Narinig ko ang pagkulog at pagkidlat. Ngunit para akong naging bingi at manhid ng mga oras na iyon. Bumuhos ang malakas na ulan pero hindi ko ito dinamdam. Ewan ko kung sadyang tanga lang ako para saktan ang taong mahal ko, o tanga din akong ibabad ang sarili ko habang basang-basa na ng ulan.
Ngunit pinakita ko kung gaano ko kamahal si Kezzia. Araw-araw at oras-oras akong nasa bahay ng mga Concepcion.
"We missed you too, princess." Sambit ng daddy ni Kezzia habang nakatingin sa kanyang Macbook.
"Uhm... How about him? Namiss mo ba siya?" Tanong naman ni Tita sabay tingin sa akin.
Wala akong narinig na sagot galing sa kanya. Nasa may tabi lang naman nila ako. Kaya kitang-kita ko kung paano pumirmi si Kezzia.
"Sinong 'him'?" Tanong ko.
Parang nabasag ang puso ko ng marinig ko iyon galing sa kanya. Nakalimutan niya na kaagad ako? Oh nice! How nice!
"Alam kong alam mo kung sinong tinutukoy ko, anak. Thunder Villanueva, of course!" Tugon ng mommy ni Kezzia.
Ngunit hindi pa din talaga siya sumagot. Dinahilan niya ang pagtawag ng kanyang Auntie at hindi na ulit siya bumalik pa.
Sinabi na din naman ng mga magulang niyang nasa US pala siya. Binalak kong pumunta doon ng sembreak na. Ngunit mas lalo akong nanlumo ng matagpuang may kasama na palang ibang lalaki si Kezzia.
Gusto kong magalit. Gusto kong paulanan ng suntok ang lalaking humahawak ngayon sa kanya. Ngunit kapag sumugod ako, baka isumbat niya sa akin na wala na nga pala kami. Na sinaktan ko lang siya, na ginamit ko lang siya.
So, plinano ko na lang na pabalikin siya sa Pilipinas. Kinausap ko si Mommy na hanapin si Kezzia sa US. Ngayo'y sinabi namang HRM pala ang ang kurso niya. Sinabi ko sa mga magulang ni Kezzia na sa V-Brewery na lang mag-apply si Kezzia dahil sure akong tatanggapin siya agad doon.
Hanggang sa bumalik na nga siya sa akin. Kaya't gusto ko na ulit siyang makapiling. Tama na, tama na ang oras ng paghihintay.
"Dad, mom!"
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...
