Raniela's POV
Buong araw akong hindi kinausap ni Thunder. Kung kakausapin ko siya, puro tango at iling lang ang isasagot niya sa akin, madalas wala pa. Binawi niya talaga ang cookies na binigay niya at hindi na binalik sa akin.
"Oh, ano? Tulala ka diyan," sita ni Purple.
"Gaga ka kasi." Irita kong sabi at halos sabunutan na rin ang sarili ko.
"Wow, kasalanan ko sa'yo?"
Naging usap-usapan sa buong university ang pagbigay ni Thunder sa akin ng cookies. Kaso hindi na ata umabot sa iba na binawi niya rin 'yon sa akin. I don't know what's good or bad news, kung iyon binigyan ba ako ni Thunder o iyong binawi niya.
"Kung hindi ka kasi humingi kanina, hindi sana babawiin 'yon ni Thunder."
"Ah, 'yong cookies ba? Sabi mo naman kasi na hindi masarap, e."
"Gaga ka talaga, Purple. Masarap 'yon, ayaw lang kitang bigyan." I groaned.
We are staying in the classroom right now. Wala ang ibang kaklase dahil nagkaroon ng meeting ang mga teachers. Meron ding laro ngayon ang football team sa may field kaya naroon ang ibang estudyante.
Nagpa-iwan na ako rito dahil wala naman akong alam sa football. Ewan ko kay Purple at nagpa-iwan rin siya dito.
"Kaso isipin mong mabuti, Raniela. Bakit ka naman bibigyan ni Thunder ng gano'n, 'di ba?" She asked, seemed confused.
I shrugged and started reading my book again, "I don't know. Maybe peace offering or gift?"
"Peace offering? Bakit nag-away ba kayo? I think, it's really a gift for you."
Tinigil ko ang pagbabasa at padabog na sinarado 'yon. Nasa kanya na ang buong atensyon ko dahil sa huling sinabi. I looked at Purple with confusion in my eyes.
"What are you implying here, huh? That he likes me?"
"Well, maybe. I guess he likes you. Bakit ka naman niya bibigyan ng regalo, 'di ba? Unless it's your birthday today pero hindi naman." She smiled annoyingly, teasing me with her hypothesis.
"I don't think so. Mabait lang talaga siya, Purple."
Humagalpak siya ng tawa at hinampas ang braso ko. Binawian ko naman siya dahil masakit 'yon ngunit tumawa lang ulit siya. She's crazy.
"Mabait? Tangina mo pala, e. Kulang na lang barilin mo siya dati sa sobrang bwisit mo. Tapos sasabihin mo ngayong mabait siya? Nabagok ba ulo mo no'ng nahimatay ka kahapon?"
Tumawa ulit siya. Hindi na siya natigil kaya inirapan ko na lang siya at hinayaan sa gusto niyang isipin. Hindi tuloy maalis sa akin ang mapa-isip. These passed few weeks, hindi ko napansing napapalapit na ako kay Thunder.
Madalas ko na siyang kasama. Kahit break time, lunch time, o kahit uwian ay hinahatid pa niya ako. Yet it doesn't mean he likes me. Ayoko nga'ng maging assuming. Mamaya pinagti-trip-an lang pala ako ni Thunder, gano'n naman na siya dati pa.
"So, anong balak mo? Wala ka man lang bang gagawin?" biglang tanong ni Purple sa akin.
"Anong gagawin? May dapat ba akong gawin?"
Mabilis lumipad ang kamay niya para pitikin ang noo ko. "Girl, na-offend mo si Thunder. You must apologize for you did. Hindi mo ba narinig 'yong sinabi niya kanina? Pinagpuyatan niya yan!"
"Hala, Purple. I didn't tell him to bake some cookies for me in the middle of the night. Isa pa, binawi niya rin naman." Irita kong sabi.
"Gaga ka ba? You should be sorry for what happened. Bahala ka nga diyan. Ang labo mo kausap!"
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...