Raniela's POV
"Ibaba mo na nga lang ako, nangwa-warshock ka lang."
Halos itulak ko siya para bitawan ako. Marahan niya akong binaba malapit sa room. Napapikit na lang ulit ako nang maramdaman ang sakit doon. Nakatingin lang siya sa akin at hindi pa rin umaalis sa harap ko.
The bell rang again. Hudyat na tapos na ang second subject at oras na para sa recess. Nagsilabasan na ang mga estudyante kaya natulak ako ng ibang estudyante. Thunder held my waist to maintain my balance. Nagtama ang mga mata namin ngunit tinulak ko rin siya kaagad.
"My gosh, Raniela! Where the hell are you?" I heard Purple shouting, halatang kalalabas lang ng room.
Paika-ika akong lumapit sa kanya. She was shocked when she saw me. Una niyang napansin ang paa ko bago tuluyang tumakbo palapit sa akin. Lumipat naman ang tingin niya sa likuran ko, at bumalik ulit sa akin.
"What happened to you? Hindi ka man lang nagtext sa akin."
"Na-late kasi ako. Nautusan kaming mag-community service. And see what I've got," tinuro ang paa kong may bandage pa.
"Kasama mo siya?" She glanced again at my back.
Luminga ako ng konti at tama nga ako ng hinala. Thunder is like a dumb kid standing behind me. Nakikinig lang sa usapan namin ni Purple.
"Unfortunately, yes. Mabuti na lang din at meron siya. Tinulungan niya akong pumunta ng clinic," I explained.
She remained silent, though. Tumango lang at pabalik-balik ang tingin sa amin ni Thunder. She put her fingers on her chin, pretending like she's thinking something.
"We should eat, then!" She declared.
Sumang-ayon na lang ako doon dahil nagugutom na rin ako. Idagdag mo pa ang pagod ko kanina sa paglilinis. Si Purple na ang umalalay sa akin sa paglalakad. After a while, napansin ko na lang na wala na si Thunder sa likuran ko.
Natagalan kami ni Purple na makarating sa cafeteria. Halos puno na rin iyon at wala nang maupuan. May umalis namang mga estudyante sa isang table kaya dumiretso kami ni Purple doon.
Purple insisted to buy a food for us. Sa sitwasyon ko ngayon, hindi na ako umapila pa. Naiwan ako roong mag-isa. Nilabas ko na lang ang cellphone ko para malibang.
I received a message from Thunder. Kaso kanina pa iyon, around 7AM.
From: Annoying Dog
Nasa akin ang ID mo. Tanga mo talaga.
I gasped the way he texted me. Kahit sa text, ang balasubas niya magsalita. That's why I hate him. He's so moody, too. Sometimes he cares for me, but suddenly he can't stop annoying me.
'Di ko namalayang nakangiti na pala ako habang binabasa iyon. Umiling agad ako pagbalik sa wisyo. Why am I smiling? Damn it.
"Oh, I'm sorry!"
Nanlamig ang buong katawan ko. Literal.
Natapon sa akin ang fruitshake ni Sofia. Napatayo ako roon ngunit nang maramdaman ang pagkirot ng paa ay umupo muli ako. Sofia pretended that it was an accident but I know that it wasn't. Hindi naman siya nakaharap sa akin, nasa gilid niya ako nang matapon iyon.
Manipis ang blouse ko kaya bumakat ang suot kong bra sa loob. Kumuha ako ng tissue sa lamesa pero hindi sapat iyon para matuyo ang suot ko. I was about to stand up again but I felt something at my shoulder.

BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
Storie d'amoreEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...