Raniela's POV
Hinarap ko na lang si Yael na tahimik lang na umiinom ng juice. Simula nang dumating si Cassandra, I didn't hear anything from him.
"Hoy Yael, problema mo?" tanong ko.
"Ha? Ano?" Gulantang siya.
"Sabi ko, anong problema mo? You're spacing out, kanino ko pa napapansin."
"No, I'm fine. Iniisip ko lang iyong laro namin sa September," then he smiled.
"Matagal pa naman iyon. Grabe naman! Masyado atang advance ang utak mo?" patawa kong sabi.
Nakisali naman siya sa tawa ko. Hindi ko mapigilang ngumiti 'pag nakangiti rin siya. Namiss ko siya. Akala mo naman ang tagal naming 'di kami nagkita.
"I will be busy next month, though. Mamimiss kita," he seriously said.
Seryoso siyang nakatitig sa akin, akala mo talaga 'di kami magkikita. Hindi ko na lang napigilan ang kilig at pag-init muli ng pisngi. Paano ba naman, ang sweet niya.
"A-ano ba, Yael...."
"It's true! Kaya sa September, manood ka ng game ko. Baka wala akong mai-shoot na bola 'pag hindi ka sumipot."
"Tinakot mo pa talaga ako!" sabi ko sabay pisil sa ilong niya, "Kahit naman hindi mo sabihing manood ako, pupunta pa rin ako. I'm your girlfriend, Yael. I'll support you, matalo man o manalo."
"Sweet naman ng girlfriend ko."
Girlfriend ko. Ang sarap pakinggan.
Tuluyan na ngang nangamatis ang pisngi ko. Umiwas ako ng tingin kay Yael para hindi niya mahalata ang pamumula ko.
"Ang cute mo talaga," itinaas niya iyong kamay niya sabay tapat sa mga pisngi ko at pinisil iyon.
Kahit kailan talaga hobby niya ang ganunin ako. Buti sana kung hindi masakit!
Someone coughed, "Nakakasira na ba ako? Pasabi na lang, para makaalis naman ako," nakatingin si Summer sa cake niya pero halata namang nakikinig siya sa amin.
Natawa naman kami ni Yael sa kanya. Ang arte talaga ng babaeng ito.
Tumunog muli ang third bell, hudyat na magsisimula na ulit ang klase.
"Ang bilis naman," malungkot na sabi ni Yael, "Let's go. Baka malate ka pa."
"Sige mauna na kayo, ingat kayo."
Hinalikan ako bigla ni Yael sa noo. Kumaway na lang ako sa kanilang dalawa nang makitang naglalakad na sila palayo.
I was alone and sad. Nang mawala na sila sa paningin ko'y saka lang ako nagsimulang maglakad. Kahit tinatamad akong pumasok, wala naman akong magagawa.
Nakarating na ako sa classroom, wala pa naman iyong teacher. Sino kaya ang susunod naming teacher? Sana naman huwag terror.
My classmates waved their hand on me. Akala mo ngayon lang ako nakita at kung itrato ay artista. I just waved my hand back and smiled at then. Ang iba naman ay inirapan ako. Nakarinig pa ako ng mga bulungan ukol sa nangyari kanina, iyong paglapit ni Cassandra sa amin.
Purple's POV
Hinila ako bigla ni Cass pero hindi ko alam kung bakit. Halos lumabas pa kami ng univeristy para lang mag-usap. Napaka-pribado naman ng pag-uusapan namin kung ganoon.
Natigil na lang kaming dalawa nang tumapat sa isang silid. Malayo sa gate, at wala na ring tao sa paligid.
"How are you, pretty cousin?" she asked.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...