Raniela's POV
"Sumakay ka sa akin."
My eyebrow raised. Sasakyan ba siya para sumampa ako sa kanya? Tumalikod siya sa akin at lumuhod.
"Anong ginagawa mo?" Hindi pa rin makuha ang gusto niyang sabihin.
"Fuck, sumampa kana. Bubuhatin na nga kita, e. Ang arte mo pa."
"Bakit mo ako bubuhatin? Kaya ko namang maglakad."
Marahas siyang tumayo at nakapameywang na humarap sa akin. His brows furrowed and glared at me. Mariin siyang pumikit at tinanggal ang salamin.
"Walk then," he challenged.
Tinitigan ko lang ang paa kong namamaga na. Paghapak ko pa lang sa sahig ay napapikit na ako sa sakit. Thunder smirked, proving that I actually need him right now.
Umupo ulit siya sa harap ko at tumalikod. Ginawa ko na lang ang gusto niya. Naka-sampa ako ngayon sa likuran niya habang hawak ang magkabila kong binti. Napakatong ang ulo ko sa balikat niya kaya amoy na amoy ko ang pabango niya.
Pawis man siya pero hindi naman siya mabaho. Mamahalin siguro pabango nito. 'Di ko tuloy matiis na amuyin din ang sleeves ng blouse ko. Mabango naman iyon. Nandoon pa ang scent ng pabango ko. I just stopped doing it when he made an evil laugh. Inaasar na naman ako.
Nagsimula naman na kaming maglakad. I mean, nagsimula na siyang maglakad. Buhat nga pala niya ako.
"Babalik na ba tayo sa classrom?" I asked him.
"Of course not. We're going to the clinic."
"Bakit? Ipapa-check up mo iyang mga kati-kati mo?"
Huminto siya bigla sa paglalakad. Walang pasabing lumingon siya sa gawi ko kaya halos magtama na ang mga labi namin. Umiwas siya agad nang mapagtanto iyon. Nilayo ko na rin ang mukha ko at inabala ang mga nakikita sa paligid.
He cleared his throat before talking, "Are you stupid or just stupid?"
Tumaas ang dugo sa aking ulo at nanginig na naman sa narinig, "What? Are you cursing me right now?"
"No. I'm just asking you if you are really stupid."
I scorned, "Fuck you. Bitawan mo na ako kung mambibwisit ka lang."
"Are you sure?" He mocked me again.
Pinigilan ko ang sarili kong sabunutan siya ngayon. Mamaya, ituloy niya ang balak niyang ihulog ko. Baka matuluyan pa akong malumpo kung ganoon.
"Ang tanga mo, alam mo ba iyon?"
"Hindi, e. Ikaw ba? Alam mong tanga ka?"
Tangina! Ang sarap niyang sigawan. Ang sarap humiyaw ngayon. Sumasakit lalo ang ulo ko dahil sa kanya. Kung wala lang talagang klase ngayon, baka kanina pa ako nagsisi-sigaw dito.
"Pumunta na nga tayo ng clinic. Kating-kati kana, oh!"
Tinuro ko muli ang malalaki at namumula niyang pantal sa leeg. Pati ang init sa braso niya dahil sa mga kati-kati ay kumakapit sa balat ko.
Malapit lang naman ang clinic kaya ilang minuto pa'y nakarating na rin kami.
"Hello, Ms. Concepcion!" Dra. Ganzon greeted us. "What happened to you?"
Inupo agad ako ni Thunder sa isang bed. Naramdaman ko ulit ang sakit ng paa ko nang aksidente ko iyong maitapak sa sahig.
"This is Thunder Villanueva. He's my classmate. I think he has dust allergy. Namumula—"
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...