73: Ayaw

7.8K 88 5
                                    

Raniela's POV

Kakauwi lang namin ni Thunder galing sa Puerto Galera. Wala naman kaming ginawa dahil may period nga ako di ba? Kaya nandito na kami ni Thunder sa Villanueva Brewery. Di na dapat ako papasok ngayon kaso nagkasakit iyong magulang ni Wendy, personal assistant ni Thunder. Kaya ako muna ang inatasab bilang personal assistant/slave/secretary.

"Hi Ma'am Raniela! Kumusta po?" Nagbago ata pakikitungo sa akin ng mga empleyado ngayon ha? Kasi noon, kapag naglakad ako hindi naman nila ako pinapansin e.

"Hello Vicky. Okay lang naman ako." Nginitian ko naman siya.

Mukhang nagulat naman siya sa sinabi ko, "Kilala niyo po ako?"

"Hindi. Nakita ko lang sa ID mo." Tinuro ko naman iyong ID niyang nakasabit sa leeg niya. Mahina naman siyang tumawa. Nahiya na siguro.

"Hello Miss Raniela!"

"Kumusta po ang Puerto Galera, Ma'am Raniela?"

Ano bang nangyayari? Parang agaw eksena ako ngayon ha? May nangyari ba?

"Kezzia!" Lahat naman kami ay napatingin sa may gilid ng elevator kung saan nakatayo si Thunder.

"Bakit?" Para kaming shunga dito. Nagsisigawan kami, ang layo niya kasi e.

"Come here, baby. I missed you." Imbis na ako ang lumapit siya naman itong naglakad palapit sa akin. Bigla naman niya akong niyakap at hinalikan ang buhok ko.

"Aayiiiieeeeeee! Totoo nga!" Sigawan nilang lahat. Aahhh! Alam ko na bakit halos lahat sila ay kinakausap ako. Haynaku!

"Anong I miss you? Hoy Mr. Villanueva, magkasama lang tayo kahapon." Pinitik ko naman siya sa noo pero ngumiti lang siya.

"Kahit nga ngayon, namimiss kita. Ayaw mo kasing magpakiss kahapon." What the? Talagang sasabihin niya iyon sa harap ng maraming tao?

"Yieeeeee!!! For the first time nakita ko nang ngumiti si Sir!" May babae namang nagtatalon-talon. Ngumiti? First time? Araw-araw nga nakangiti ang kidlat na to e.

"Let's go." Bigla naman akong hinigit ni Thunder nang hindi man lang sinasabi kung saan kami pupunta.

"Saan tayo pupunta?" Hindi naman siya sumagot bagkos ay nginitian niya lang ako.

Habang naglalakad kami ay sakop namin lahat ng mata ng mga empleyado. Paano ba naman kasi ang lagkit ng mga tingin nila sa amin. Kahit nga iyong janitor at mga guwardya ay sobra kung makatitig sa amin. Akala mo namang kakainin akong buhay e.

Hindi naman kami dumiretso sa 2nd floor dahil nandoon ang main restaurant. Kaya dumiretso na lang kami sa 1st floor kung nasaan ang parking lot.

Teka... speaking of parking lot? Akala ko ba ayaw ni Thunder na pumupunta siya ng parking lot bakit ngayon ay binabagtas na namin ang daan patungo sa sasakyan niya. Wow! Lalim nun ha.

"Hoy Thunder! Kailan mo pa naisipang magpark ng kotse dito?"

Nginitian muna niya ako bago siya sumagot, "Noong naging tayo ulit."

"Huh? May saltik ka ba? Ano naman koneksyon ng 'tayo' sa pagpapark mo dito?"

Bigla namang sumeryoso ang mukha niya. Sht! Wrong move. Hindi na lang sana pala ako nagtanong sa kanya.

"You want to know?"

"Yes."

"Parking lot. The worst place ever for me. Dito ka kasi... nakipagbreak sa akin. Dito mo ako kinausap tungkol kay Skylene. At dito kita huling nakita, nahawakan at higit sa lahat... Dito kita nakitang umiyak. Nasaktan ako dahil iniwan mo ako. Ayoko dito kasi naaalala ko kung paano kita sinaktan ng araw na iyon. Naaalala ko kung paano ka umiyak ng dahil sa akin. At ayokong balikan iyon dahil nasaktan ko ang isa sa pinakamamahal kong babae, ang pinakaimportanteng babae sa buhay ko. At ikaw iyon, Kezzia. Ikaw iyong taong nawala ko. Kaya ngayon, don't you dare to leave me hanging again. Kasi baka hindi ko na kayanin pa." Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako habang nagkwekwento siya. Hindi ko inakalang ganoon kalala ang naging sugat niya sa puso nang dahil sa iniwan ko siya. At dahil iyon sa isang mababaw na dahilan.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon