66: Jacket

5.9K 88 2
                                    

Raniela's POV

Nagising na lang ako ng nakasubsob ang ulo ko sa dibdib ni Thunder. Ang kanyang bisig ay nasa baywang ko, kumbaga'y nakayakap siya sa akin. Nang silipin ko ang mukha niya ay hindi ko mapigilang mapangiti.

Sobrang amo ng mukha niya. Pero kapag gising, daig pa ang tigre kung magalit. Hahaha! Joke. Hindi naman 'yon ang napansin ko e.

Ang laki ng pinagbago ng mukha ni Thunder. Mas gwumapo at nagmature ang mukha niya. Ang kanyang malambot at matamis na labi na ilang beses ko ng hinalikan. Hindi ko pa din makalimutan iyong nangyari kahapon sa gym.

Nagulat ako ng halikan niya ako sa noo at humigpit ang yakap niya sa akin, "Stop staring at my face, baby. Alam kong pogi ako. Just sleep for a while, I'm so sleepy kakabantay sa'yo kagabi."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko sa sinabi niya. May 'baby' naman. Pero, wait... Sleepy? Anong oras ba siya nakatulog? At bakit ba kasi niya ako binantayan?

Tinulak ko siya gamit ang naipit kong mga braso sa kanyang tiyan slash abs. WOAH!

"Anong oras ka ba natulog, huh?" Inis kong tanong sa kanya.

"I don't know. Just sleep beside me for a while... Please, baby." Malambing ang boses niya habang sinasabi iyon. Kaya wala na akong nagawa dahil ang sarili kong katawan ay nagpaubaya na sa kanyang gusto.

Ilang minuto din kaming hindi nagpalit posisyon. Talagang nakayakap lang siya sa akin at nakasubsob naman ang ulo ko sa dibdib niya. Ngunit napabalingkwas ako ng biglang tumunog ang alarm clock na nasa desk sa tabi ko. Ibig sabihin ay alas-syete na.

"Thunder." Bulong ko sa kanya.

"Thunder." I poked his abs. Tsk! Nakakailang tuloy. Ang tigas-tigas kasi ng tiyan ng kidlat na ito e!

"Uhmmmm..." Halatang inaantok pa nga siya. Pero may lakad pa kami ngayon at naudlot iyon kagabi dahil sa peste kong sakit. "How are you? Are you okay?"

"I'm fine, Thunder. Bumangon na tayo. Wala na akong sakit. Baka hinihintay ka na doon ni Mr. Damaso."

"Mamayang 7pm pa naman ang appointment namin sa kanya." Paliwanag niya. Tsk. Kahit kailan talaga, ang irresponsable niyong lalaking 'to!

"Shungiks! Ang layo kaya ng Puerto Galera."

"3 hours and 30 minutes lang naman-"

"LANG NAMAN? Tumabi ka nga diyan! 'Di pa ako nakakaimpake!" Irap ko sa kanya at pwersahang tinulak siya. Muntik na siyang mahulog kaya napahawak ako sa kanyang white shirt at sa kanyang isang braso.

"Sht!"

"Minumura mo pa ako? Bahala ka nga diyan!" Hinayaan ko na siyang mahulog doon. Tsk. Ang OA niya!

"Aray ko! D~mn!" Sigaw niya. Nakita kong nakahiga na siya sa sahig. Heh! Bahala siya diyan.

"Labas! Tsupi! Mag-iimpake pa ako!" Sigaw ko sa kanya.

"Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin? Tsk. Alas-tres na nga ako nakatulog para bantayan ka lang. Muntik na nga kitang ipunta sa ospital kagabi. Inaapoy ka ng lagnat. Tsk!" Padabog siyang tumayo at sinipa ang dulo ng kama. Hindi na niya ako sinulyapan at galit na sinarado ang pinto. Ay sht!

Alas-tres? Shunga din naman kasi siya. Sino ba kasing nagsabing bantayan niya ako? Haynaku! Naguilty na naman ako. Letse naman e!

Mamaya na ako mag-sosorry. Mag-aayos muna ako ng gamit ko. Kaya kumuha ako ng bagahe. Kumuha ako syempre ng swim suit kasi sigurado akong magsuswimming din naman kami doon. Hihihihi!

Naligo na din ako sa banyo. At nagbihis ng short at sleeveless. Hihihi! Syempre, summer na kaya! Ang init pa. Tsaka, beach din naman ang pupuntahan namin doon e.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon