63: Vacation or Business Trip?

5.6K 77 1
                                    

Raniela's POV

"Wala? Bakit? Nauntog ka ba para hindi maalala ang nangyari kagabi?" Tanong niya. Naglakad siya patungo sa akin. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kinagat ko ang labi ko kaya halos dumugo na 'to. "Dapat hindi ka sumasama sa mga lalaking nakikilala mo lang sa isang bar."

Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Hala! Paano niya nalaman 'yon? Don't tell me, nandoon siya? "P-Paano mo nalaman, sir?" Tanong ko. Nangangatog na ang mga tuhod ko at para bang handa nang bumagsag ang mga 'to.

Umiwas siya ng tingin. "Huh? Nanghuhula lang ako, Kezzia. So, nasa bar ka nga?" Tanong niya.

Ay letse! "S-Sir..." Hiya kong sabi. Anong sasabihin ko? Na nasa bar nga ako? At naglasing ako doon? Ano na lang isisipin niya? Pero bakit ba ako namromroblema sa sasabihin niya? Wala nga siyang pakielam sa akin di ba? Punyeta! "Uhm... Ano po bang pakielam niyo, sir? Nagpaalam naman po ako sa inyo kagabi di ba?" Galit kong tono.

"Lower your voice, Kezzia. Wala akong pinapalabas dito. Ang gusto ko lang, sana naman kung iinom ka, kayanin mo. Hindi 'yong malalaman kong binabastos ka na sa bar na 'yon!" Bumilog ang labi ko. Nagmistulang malaking O ang hugis nito. Magsasalita sana ako pero bigla din akong tumiklap. Kasi bakit parang nandoon? Bakit alam niya? Paano niya nalaman?

"Sorry, sir. Si Xandy kasi, pinainom ako. Ang lakas naman pala ng alak na 'yon." Napatingin siya sa akin habang nagsasalita ako. Para bang inoobserbahan niya ako. Kaya umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Xandy? My sister?" Gulat niyang tanong. "Siya nagyaya sa'yo doon? Damn girl!" Sigaw niya. O, tapos ngayon nagagalit siya? At sa kapatid pa niya? Bipolar talaga 'tong kidlat na 'to. Sarap hambalusin e!

"Yup-"

"Yow brotha! Pinapatawag mo daw ako sabi ng personal assistant mo?" Bumukas ang pinto ng opisina ni Thunder at lumabas doon si Xandy. Mas maayos na ang suot niya ngayon. At walang bakas ang pagkakalasing niya kagabi. Sobrang lapad ng ngisi niya at parang wala ng problema.

"Yes. Kezzia, makakaalis ka na." Utos niya. Kaya yumuko ako at naglakad palabas ng office niya. Pagkalabas ko palang ay rinig na rinig ko na ang sigawan sa loob.

"Fvck! Xandy! Ikaw ang nakakatanda-"

Pero naudlot ang pakikinig ko ng may kumalabit sa balikat ko, "Ms. Concepcion, may naghahanap po sa inyo sa main restaurant. Kaibigan niyo daw po?" Ang babaeng kausap ko ngayon ay ang personal assistant ni Thunder kaya nakakapagtakang kausap niya ako at ako pa talaga ang sinasabihan niya ng ganoon.

"Huh? Paano niyo po nalaman?" Hindi siya sumagot kaya umiling na lang ako. "Sige po. Salamat po. Una na ako." Paalam ko.

Dumiretso na ako sa elevator at hinayaan na ang palapag na 'to. Bigla naman akong hinabol nung PA ni Thunder pero hindi ko na siya pinansin. Agad kong pinindot ang second floor kung nasaan ang main restaurant. Matagal din akong nakarating sa baba dahil 26th floor to 2nd floor din naman 'yon.

Kinuha ko ang phone ko dahil naramdaman ko ang pagvibrate nito. Nakita kong lumabas sa screen si Vlad.

From: Vladimir
Yow brad! Nasa main restaurant ako ng hotel na tinutuluyan mo. Nagbreakfast ka na ba? Kain tayo dito! At may ipapakilala ako sa'yo! :)

Sabi na nga ba e, siya 'yong tinutukoy ng personal assistant ni Thunder na naghahanap sa akin. Hindi na ako nagreply kay Vladimir bagkos ay nilibot ko ang tingin ko sa restaurant para makita siya. Nakita ko siya kaagad na nakaupo sa may 4 seats. May nakalikod na babae siyang kaharap. Sino naman kaya 'to?

Marahan akong naglakad para lapitan silang dalawa. Nang makalapit ako ay agad akong sinalubong ni Vlad.

"Hey! I'm glad you came! By the way, this is..." Napatingin ako sa babaeng tinuturo niya. Halos lumuwa ang mata ko at dumuwal ako dahil sa babaeng nasa harap ko ngayon. "Shane Hernandez, my cousin." C-Cousin?!

"Magpinsan kayo?!" Gulat kong sabi sa kanila. Tinaasan lang ako ng kilay nitong btch na 'to.

"Yep. Shane, this is Raniela Concepcion. My bestfriend." Masayang sabi ni Vladimir. Inakbayan pa niya ako kaya mas lalo akong napalapit sa kanya.

"Oh? Akala ko, girlfriend ka niya? Hahaha! Okay." Humagalpak ng tawa 'tong babaeng 'to. Isupalpal ko kaya 'yong plato sa kanya para tumigil siya sa kakatawa.

"Akala ko din sekretarya ka niya e, pinsan ka pala." Ako naman ang tumawa ngayon. Tinignan niya ako ng masama pero ngumisi lang ako sa kanya. Inirapan niya ako pero umiling lang ako. Heh!

Nakita kong tumawa din si Vlad kaya mas lalo akong natawa. "Umupo ka na nga dito. Hahahaha!" Hinila ako ni Vlad patungo sa katabi niyang upuan. Umupo na ako doon at pinagmasdan si Shane. Nakita kong kanina pa niya hawak 'yong cellphone niya at parang my hinihintay siya dito.

"So, ano ulit 'yong sinasabi mo kanina, Shane?" Tanong ni Vlad sa kanya.

"Tinatanong ko kung saan magbakasyon." Nakangiting sabi ni Shane. Pero nang bumaling siya sa akin ay agad itong napawi at inirapan pa talaga ako.

"Uhm... Dito ba or sa ibang bansa?" Tanong din naman ni Vladimir.

"Dito na lang. Mas malapit kasi." Sagot ni Shane.

Nagulat ako ng biglang may sumulpot sa harap naming lahat at nag-aalab nanaman ang galit, "What's your problem, Shane? Marami akong ginagawa tapos nangungulit ka sa opisina ko?" Galit na tono ni Thunder. Sht!

"Yeah! I know right. Kaya nga kita pinapunta dito. Magpahinga ka nga kahit saglit lang, pwede?" Alalang sabi ni Shane kay Thunder. Pinulipot pa talaga niya 'yong kamay niya sa braso ni Thunder. "Naisipan kong magbakasyon muna tayo. Kahit isang linggo lang. Itong mga nakaraang araw lagi ka na lang busy. Lagi ka na lang may ginagawa. Tapos nabalitaan ko kagabi na pumunta ka daw sa-"

"Okay, then. Saan tayo magbabakasyon?" Pumayag siya...

"Pinag-iisipan pa namin-"

"No. Nakaisip na ako, bakit 'di niyo subukan sa Laoag? Or sa Baguio? Or sa Cebu?" Suggest ni Vladimir.

Nakahalukipkip na ngayon si Thunder at nananalisik ang tingin kay Vladimir. Umikot ang tingin niya at tumungo siya s akin kaya umiwas agad ko ng tingin.

"What do you think, Thunder?" Nakangising sabi ni Shane at excited na excited sa isasagot ni Thunder.

"No. Masyadong malayo. Subukan natin sa Puerto Galera." Tugon ni Thunder. "May business trip din naman kasi ako doon-"

"What the hell, Thunder! Pupunta tayo doon para magbakasyon. Hindi para problemahin 'yang business mo." Iritadong sigaw ni Shane kay Thunder. Inikot ko ang tingin ko at napansing ang dami na palang tao ang nakatingin sa table namin.

"Okay. Actually, 3 days lang naman ang appointment ko doon. At may matitira pang 4 days. Kaya may bakasyon pa tayo, Shane." Giit ni Thunder. Nakita ko kung paano kumislap ang mata ni Shane at paano lumiwanag ang mukha niya dahil sa narinig.

"Alright, then!" Sigaw ni Shane. Bakas sa mukha niya ang tuwa at saya.

"Uhm... Sige. Mauuna na kami ni Raniela. Mukhang wala din naman kaming naitulong. Besides, nakakaabala na kami sainyong dalawa." Paalam ni Vladimir. Hinila niya ako paalis sa table pero bago kami makalayo doon ay naramdaman ko ang pagdapo ng isang kamay sa braso ko. Pinigilan niya akong makalayo dahilan para makuha niya ang atensyon ko.

"No. Vladimir, kung gusto mo umalis. Umalis ka na. Maiiwan si Raniela." Napalunok ako ng tawagin niya akong Raniela. Ano na naman kaya ang pinuputok ng butsi nito? Tsaka bakit si Vlad lang ang aalis? "Kailangan natin pag-usapan 'yong appointment ko sa Puerto Galera, Raniela. Kasama 'to sa pinirmahan mong kontrata." Ay kaya pala!

"Don't tell me, isasama mo siya?" Sambit ni Shane.

"Yeah. Why not?" Tugon ni Thunder.

"WHAT?!" Lumaki ang mata ni Shane at Vladimir. Gulat na gulat sila, no. Pati ako ay gulat din sa sinagot ni Thunder.

"May appointment ako doon. At siya ang taga-gawa ng bago naming products. Hindi maaring hindi siya pumunta doon." Giit ni Thunder na hanggang ngayon ay hindi pa ako binibitawan.

"Choose, Thunder. Vacation or Business Trip?" Galit at iritadong sabi ni Shane. Napatingin ako kay Thunder at diretso ang tingin niya kay Shane. Nakakunot ang noo nito kaya alam kong naiinis siya sa sinabi ni Shane.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon