62: Walang maalala

5.5K 79 1
                                        

Raniela's POV

Kakalabas lang ng KFC dahil kakatapos lang din naman naming kumain. Hinila ako ni Xandy papunta sa parking lot. Kahit nakaheels siya ay handa siyang makipagkarera ha!

"Salamat talaga sa kapatid ko. Pinahiram niya 'tong kotseng ito sa akin." Ngumisi-ngisi pa siya at pinagmamasdan ang gamit naming kotse ngayon.

Kaya pala pang lalaki ang disensyo. Hindi naman pala kay Xandy 'to, kundi kay Thunder. Pero bakit hiniram ni Xandy?

"6:30 na pala? Let's go!" Sabi niya at dali-daling sumakay ng kotse. Sumunod na din ako. Pinaharurot niya na ito. Akala ko ay nakalimutan niya na ang usapan naming pupunta kami sa lounge bar pero hindi pala.

Huminto kami sa Darkbelt 5. Hindi ako panilyar sa mga bar dito sa Pilipinas. First of all, hindi pa naman ako nakakapunta ng bar dito sa Pilipinas. Only in US.

"We're here!" Sigaw niya. Lumabas siya ng kotse dahil nakapark naman na ang kotse niya sa gilid. Lumabas na din ako. Nasa harapan pa lang kami ng bar ay amoy na amoy ko na ang sigarilyo at alak sa loob. Sobrang lakas ding music sa loob na halos sumasabay na sa tibok ng puso ko.

"Get the paperbag. Magpapalit tayo sa loob." Utos niya. Gusto ko sanang tanungin kung bakit pero mabilis siyang nagmartsa papasok. Kaya sumunod ba ako. Sumusunod lang ako sa tinatahak na landas ni Xandy.

Napahinto kami ng maaninag na namin ang ladies room. Nang makapasok kami ay halos lumuwa ang mata ko dahil sa mga nakikita ko. May mga babae nang nagmemake-up at halos maging clown na dahil sa kapal. Iyong iba ay nagbibihis, sobrang ikli ng mga suot nilang dress. At ang pinakahuli kong napansin ay may mga magsyotang nagsesex na dito. P*RN!

"Hey! Pasok ka dito. Magpalit ka na!" Sabi ni Xandy sabay turo sa cubicle. Napansin kong nakabihis na pala siya. At 'yong binili niyang black fitted dress ang suot niya na bumagay sa black high heels niya.

Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Pero wala na akong nagawa dahil nagalit na si Xandy. Pumasok na ako at nagbihis. Nang matapos ako ay agad akong lumabas. Humarap ako sa salamin at doon ko lang napansin na halata pala ang cleavage ko kapag suot ko 'tong punyetang dress na 'to. Tinignan ko ang laylayan ng dress at sobrang fitted talaga. Kasing haba ng short-shorts ang suot kong dress ngayon. Dahil sa sobrang fitted ay halata ang pagkahubog ng katawan ko.

"Pretty! See? Now, let's party!" Sigaw niya pero pinigilan ko siyang lumabas.

"Party? Look at my shoes! Naka-sneakers ako." Turo ko sa sapatos ko.

"Oh! I forgot. May heels pala ako dito." Kinuha niya ang isa pa niyang red heels sa paperbag. Akala ko magagamit ko 'yong dahilan para umuwi kami pero hindi pala. Readyng ready siya ngayong gabi.

Sinuot ko 'to. Sakto namang nagkasya sa akin. Kaya hinila na ako ni Xandy palabas ng ladies room. Umupo kami sa mahabang couch sa gilid at kitang-kita ang pagdidirty dance ng mga tao.

"Inumin mo 'to." Utos ni Xandy sa akin. Pinakita niya ang isang shot ng Vodka. Kahit hindi niya sinasabing Vodka 'yon ay alam ko na. Hindi ako batang pinanganak lang kahapon para hindi malaman 'yon. At lagi kong iniinom 'yan kapag nasa bar ako sa US.

Ngunit, 3 years ago na simula ng hindi ako uminom niya. Kaya hindi ako sure kung kakayanin ko pa ba ang lakas ng tama niyan.

"Get it, sissy!" Sigaw niya na halos bumasag na sa eardrums ko. Kinuha na ang baso at mabilis na ininom. Nag-iinit ang lalamunan at sikmura ko. Parang gusto kong iluwa na lang 'yon. Sabi na nga e, hindi ako sanay.

"Try this one!" Sabi ulit ni Xandy. Ngayon ay may hawak na siyang Margarita. Ininom ko ulit 'yon kahit nakakaramdam na ako nang pagkahilo. Sht!

"Waaah! Parang sanay na sanay ka huh?" Sabi niya sa akin. Halos bumaluktot na nga 'yong sikmura ko dahil sa init na nararamdaman nito sa loob.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon