Raniela's POV
Pakisampal nga ako baka sakaling magising ako. Pero bakit parang totoo, bakit parang gusto kong paniwalaan.
"T-Thunder..." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Lutang ang isip ko at hindi ko alam kung anong dapat kong sabihin o gawin.
"Kezzia, simula nang umalis at nawala ka sa akin parang bumalik ang dating buhay ko. Worthless. Miserable. Hopeless. Ginawa ko lang lahat para mahanap ka, suddenly nakita nga kita. Pero masakit isipin na may iba ka na palang mahal. Ganoon pa man, hindi ako sumuko." Seryosong sabi niya habang hawak pa din ang dalawang kamay ko. Lahat na ng matang nasa loob ng restaurant na ito ay nakatitig sa aming dalawa. Pero mukhang wala namang balak pansinin iyon ni Thunder.
Hindi ko magawang umimik, "Kaya pinahanap kita kay Dad and Mom. Sinabi ko sa mommy mo na sabihin sayo na mag-apply ka sa V Building para maging empleyado kita, para makita ulit kita. At nagtagumpay nga ako."
What the? So, planado pala ang lahat? Pero bakit imbis na magalit ako ay nagagawa ko pa ding maging masaya.
"Hindi ako sumukong mahahanap ulit kita. And now, you are here in front of me. I love you, Kezzia. Pero hindi ko alam kung ganoon pa din ang nararamdaman mo sa akin. Please, love me again... Please be my girlfriend again." Napansin ko ang pangingilid ng kanyang luha. Para siyang batang pinipilit ang nanay na bumili ng candy pero ayaw nang kanyang ina.
Parang nag-init ang pisngi ko dahil sa narinig ko. Parang gustong lumabas ng puso ko dahil sa sobrang lakas ng tibok nito. Parang gustong bumigaw ng mga paa ko dahil sa kuryenteng dumadaloy sa buong sistema ko.
'Yes na yan!'
'Sweet!'
'Go lang girl! Haba ng hair!'
'Sagutin mo na yan, sis!'
Ang f-FC naman ng tao dito! Pero kailangan ko ba silang pagtuusan ng pasin?
"I can't." Marahan kong sagot.
Lahat sila ay sumigaw. Lahat nagulat. Naramdaman ko din ang dahan-dahang pagbitaw sa akin ni Thunder. Parang handa ng tumulo ang kanyang mga luha.
"Bakit pa kita mamahalin ulit..." Nakatingin silang lahat sa akin. "Bakit pa qqappkita mamahalin ulit? Kung hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo. Nagbago man pero nandito pa din iyon. Hindi na kagaya ng dating pagmamahal ko dahil mas lalo kitang minahal, Thunder. Hindi mo kailangang utusan akong mahalin ka, kasi kahit hindi mo sabihin alam kong ginagawa ko na."
Nagbago ang ekspresyon nang bawat isa at nagsigawan pa sila. Samantalang nagbago ang mukha ni Thunder. Kitang-kita ang pagkinang ng mata at ang ngiting bumalandara sa labi ni Thunder.
Agad siyang tumayo at mahigpit akong niyakap. I missed him, I missed his hugs. Ngayon ko na lang ulit ito naramdaman. Ang higpit ng yakap niya na para bang ayaw at hindi ka niya kayang pakawalan. Na para bang sinasabing safe ako kapag nasa bisig niya ako. Ganoon ang nararamdaman ko sa ngayon.
Dahil sa eskandalong ginawa namin kanina ay naisipan na naming lumabas. Tsss. Kaya ngayon ay naglalakad kami sa seashore ni Thunder. Nakaakbay siya sa akin habang nasa bewang niya naman ang isang kamay ko.
"Loko ka! May nalalaman ka pang pakanta-kanta diyan!" Gumalaw naman ang balikat niya na para bang nagpapahiwatig na tumatawa na naman siya. Tsss. ~____~ Ano na naman nakakatawa sa sinabi ko?
"Inlove ka na naman sa akin e!" At ang kapal din naman ng apog ng kidlat na ito! Hindi ko keri!
"Tsss. Ang dami mong plano. Hindi ko alam na planado pala lahat ng ginagawa mo. Ginamit mo pa iyong magulang natin sa katarantaduhan mo."
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...
