38.

7.2K 94 0
                                    

Raniela's POV

Limang araw na ang nakalipas simula nang magbakasyon kami sa Puerto Galera. Umitim na rin ang balat namin sa dami ng activities. Katatapos lang naming magswimming no'ng nakaraang tatlong araw at nag-hiking kahapon.

The day after tomorrow ay uuwi na kami. Dahil pagod na sa alat ng dagat, napili na lang naming maligo sa pool. Wala namang gaanong turista dahil hindi tag-init at kung meron man ay nasa dalampasigan sila. Solo namin ang pool at nasa gilid lang ako.

Hindi pa rin ako marunong lumangoy ngunit tinuturuan naman ako ni Thunder lalo na nang mag-scuba diving no'ng nakaraan. Isa pa, lagi namang nakahawak sa baywang ko si Thunder gaya ngayon.

"Anong plano mong gawin pagkatapos ng linggong 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Hmm," tumingin siya sa kawalan. "Ewan ko. Siguro bibisatahin ka araw-araw sa bahay niyo."

I chuckled. "Hindi pa alam nila Mommy na boyfriend kita."

"That's why I'm going to visit you everyday." He kissed my cheek.

"Ang PDA naman!" Sigaw ni Purple at tinalsikan ng tubig.

Tumawa na lang kami. Akala mo naman hindi sila PDA ni Jeremy. Kulang na lang ay itali nila ang katawan sa isa't isa. The pool is wide ngunit nagsisiksikan kami sa iisang side.

"May bar malapit dito 'di ba, Raniela?" tanong ni Purple.

I raised a brow, "Oo. Bakit? Gusto mo mag-bar?"

"Hmm..." Tumingin siya kay Jeremy na tila humihingi ito ng permiso. Tumango naman ito at binalingan ang pinsan.

"Ayos lang ba, Thunder?" I turned my head to look at him.

"Fine, until 10PM only."

Palubog na ang araw at mistulang kahel na ang langit. Sa ilang araw namin rito ay palagi ko nang nakikita ang paglubog ng araw. It's kind of beautiful yet sad. I don't know why. Siguro dahil sinisimbolo nito ang katapusan at hangganan.

Umahon na kami para makapagpahinga ng konti. Medyo maginaw na rin. Nang makatapak sa suite ay nauna na akong naligo kay Thunder. Pagkatapos kong naligo ay sumuno naman si Thunder sa akin.

Mabuti na lang at may natira pa akong damit. I wea r a simple white plunge crop top that has self-tied knot on the front. May terno namang highwaisted shorts at iyon na rin ang sinuot ko.

Medyo manipis iyon ngunit wala na akong ibang susuotin. Ang natitira ko na lang na damit ay ang isang bikini at ternong damit na ipangba-biyahe ko.

Sinusuklay ko ang aking buhok ng lumabas si Thunder galing bathroom. Ang tuwalya ay nakatakip sa kanyang baywang at walang suot na pantaas. Tumalikod ako ng binaba niya ang tuwalya para magsuot ng boxer. Shit!

Narinig ko ang tawa niya kaya mas namula ang pisngi ko. Hindi niya naman siguro iyon nakita, 'di ba? Pagkatapos magsuklay ay kinuha ko na ang cellphone at wallet ko.

"Nag-text sa akin si Purple. Hintayin na lang kita sa labas." Tinuro ko ang cellphone ko at tumungo sa pintuan. Wala namang text doon si Purple ngunit ewan ko kung bakit kailangan kong umalis.

"Alright, baby. Susunod na lang ako." He kissed my forehead before letting me go.

Saka lang ako nakahinga ng tuluyang makalabas ng kwarto. I could even feel my fucking sweat! Pinunasan ko iyon gamit ang kamay at nag-text kay Purple na magkita kami sa lobby.

Bago ko ma-send iyon ay lumabas na siya galing sa kwarto. Palabas na silang dalawa ni Jeremy. Lumapit na ako sa kanila.

"Tangina, kitang-kita dito 'yang cleavage mo ha!" asar sa akin ni Purple.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon