8.

8.3K 100 10
                                    

Raniela's POV

"Raniela," when I heard his husky voice, 'di na ako nagdalawang isip na lumingon.

He's wearing his sexy smile, reaching my hand to hug me. Niyakap niya ako ng mahigpit.

"Hi, babe," he smiled at me then kissed me in my little forehead.

"Hello, love. How's your day?"

"I'm perfectly fine, babe. Lalo na ngayong nasa harap ko na ang taong bumubuo ng araw ko. The one and only girl who makes my day complete," pambobola pa niya.

Hindi na napigilan ang pagngiti ko habang pinapakinggang siya. Ang galing niya talaga sa mga ganyan. No wonder why girls are crazy over him. Ang galing niyang mamili ng salitang bibigkasin. And it will absolutely make your heart flutter, every damn second.

"You missed me so much, huh?" pagpapatawa ko.

Magkasabay kaming umuwi no'ng Lunes pero hindi na kahapon. Sinundo niya lang ako ngunit hindi na kami magkasamang umuwi. May practice raw sila ng basketball kaya hinayaan ko na.

Ngayon ko na lang ulit nakita si Yael. 'Di rin kasi kami nagkita kaninang umaga, may morning practice sila kaya ngayon ko na lang ulit siya nasilayan.

Hinawakan niya ang pisngi ko at pinisil na naman 'to.

"You're so cute, babe. I'm just making you laugh. Namiss kasi kita," ulit pa niya. "By the way, do you the weirdo from your class?"

I gasped. Is he pertaning to Thunder?

"Weirdo? Si Thunder ba?" anlinlangan kong tanong sa kanya.

"I don't know his name, though. Kaklase mo pala 'yon," napakamot pa nang ulo niya.

"Um, yes. He's a tranferee. Kaya hindi mo rin kilala. Bakit? Did he do something wrong?"

He looked tense. Ngumiti na lang siya sa akin at umiling. Ngayon ko na lang ulit naalala ang sinabi sa akin ni Thunder. Pinilit kong kalimutan iyon ngunit ngayong nabanggit na rin naman ni Yael, mas mabuti pang tanungin ko na.

"May tatanungin—" nahinto ako sasabihin nang magsalita rin si Purple.

Tumayo siya, "Bili muna ako ng Lasagna." Tumango na lang ako sa kanya at umalis na.

"Ano iyon, babe?" tanong ulit ni Yael.

"Are you..." I stopped, hindi ko alam kung itutuloy ko ba o hindi. "Are you hiding something from me?"

"Huh? Like what?"

"Like... just nothing. Stress lang siguro ako," I smiled.

Why couln't ask him straightly? Ano naman kung tanungin ko siya? No, I should trust him. We've been together for almost one year and half. I don't think he'll do cruel things behind my back. Alam ko namang hindi ako magagawang lokohin ni Yael.

Napayuko ako. Hindi ko na kasi alam ang mga dapat gawin ko. I should trust him. Bakit ba ako maniniwala kay Thunder? Yael's my boyfriend, not him.

"Are you crying, babe?" inangat niya ang noo ko.

Hindi ko namalayang pumatak na pala ang mga luha ko. Pinunasan ko naman agad iyon gamit ang daliri ko para 'di niya na mapansin ulit 'yon. I'm such a crying baby!

"No, babe. Napulingan lang ako," saad ko sakanya at tumalikod para hanapin si Purple.

Tumayo ako para sana lumapit sa kinaroroonan ni Purple. Kung hindi lang ako hinawakan ni Yael at niyakap muli. Sobrang higpit ng yakap na iyon at para bang ayaw niyang akong iwan at bitawan.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon