Raniela's POV
"I'm sorry for what happened earlier-"
"Kanina mo pa sinasabi 'yan. Okay naman ako, Thunder. Let's not just talk about it, okay?" I smiled at him.
He smiled back but it looked fake. We were both standing in front of our gate. Hinatid niya ako pauwi at madilim na rin ang paligid, it's already 6 o'clock in the evening.
"Sige na, baka ma-traffic ka pa," pushing him to enter on his car.
"Fine. Goodnight then."
He leaned and kissed me on my forehead without saying anything. I felt his soft lips before heard his teasing chuckle. I thought he's gonna kiss me on my lips. What, wait? Ano ba itong iniisip ko?
"Pasok kana. Aalis na ako. Goodbye," he said before maneuvering his car.
Pumasok na ako nang tuluyan pagkakitang wala na siya. But before I open the gate, my mom was peaking at us, tinitingnan din ang kalsadang tinahak ni Thunder palayo.
"Mom! What are you doing here?" I asked her, silently embarassed.
"Uh, wala naman akong nakita, anak. Pasok na ako," and then she giggled.
Napasapo na lang ako sa mukha at natawa sa reaksyon niya. Sumunod na rin akong pumasok sa loob.
"Kumain na ba kayo ni Thunder, Raniela?" My mom asked.
I looked at her and tilted my head, "I thought you didn't see anything. Anyway, hindi pa po. Na-traffic lang kami kaya hindi medyo ginabi."
She looked away instead. Tila nahuli sa kasalanang nagawa. Naglakad siya palapit sa akin at hinaplos ang buhok.
"Wala naman talaga akong nakita," depensa pa rin niya. "Magbihis ka muna, sweetie, kung gano'n. Pauwi na rin ang Daddy mo para sabay na tayong kumain. Manang done cooking our foods."
"Magsha-shower muna ako, mommy. Mabilis lang naman 'yon."
"Okay. Baka matagalan pa naman ang Daddy mo. Dalian mo na lang dahil baka lumamig ang pagkain."
"Okay, mom. Akyat na po ako."
Nag-shower muna ako at nagbihis pagkatapos. I was about to go out at my room but my phone beeped for a second. Kinuha ko muna iyon at sinilip.
From: Thunder
Just got home. Eat your dinner first before going to bed.
I bit my lower lip because of excitement. Tuluyan na nga akong ngumiti at nag-isip nang irereply sa kanya. Nagtipa naman ako.
To: Thunder
Okay. Eat your dinner, too.
Iniwan ko na ang cellphone sa kwarto at nagmadaling bumaba. Sakto lang iyon dahil kararating din lang ni Daddy. Dumiretso na kami sa kusina para kumain.
"Hi, darling." Daddy kissed my mom's forehead before taking a sit.
"Buti nakauwi kana. Kumain na tayo at lumalamig na ang pagkain." My mom said.
Nagsimula na kaming kumain at ang paggalaw lang ng kutsara at tinidor sa plato ang naging ingay sa kusina.
"Anyway, tumawag pala si Rafiel sa akin kanina. Uuwi ata ang panganay niya next year." Sabi ni Daddy.
"Oh, si Sky ba? Bakit daw? I heard she's doing well there at California." Sagot ni Mommy.
"Talaga, Dad? Uuwi na dito si Sky? 'Diba last year lang naman siya pumunta ro'n?" I also asked.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...