74 - Surprise

7.7K 100 1
                                    

Raniela's POV

"Raniela, tama na yan..." Paki-usap ni Purple habang kinukuha sa akin ang baso ng alak.

Mabilis ko 'tong nilayo sa kanya at nilagok para hindi niya na makuha pa. Sobrang ingay sa bar. Kainis! Kailan ba tatahimik ang buhay ko? Letseng buhay!

"Lasing ka na!" Sigaw niya.

Sinasalinan ko kasi ulit ng alak iyong baso e. Halos laklakin ko na nga iyong alak dahil sa galit ko. Oo, galit ako. Galit ako sa buhay ko. Galit ako dahil buhay pa ako. Galit ako dahil naging si Raniela Concepcion pa ako.

"Purple, hayaan mo muna ako ngayon please?" Mangiyak-ngiyak kong utas.

"Pero Raine, lasing ka na. Papagalitan ka na naman nina Tita e,"

"Sinong Tita? Ang mommy ko ba o mommy ni Thunder?" Natatawa pero sarkastiko kong sabi.

"Raniela naman..."

Hinagod niya ang likod ko. "Please... Last na 'to. Last na 'tong iinom ako,"

Nang sinabi ko iyon ay sabay na ding bumagsak ang mga luha ko. Dalawang linggo na simula ng pangyari ang lahat ng iyon. Ngunit ngayon ko lang nalaman ang dahilan kung bakit ayaw pala sa akin ng pamilya ni Thunder.

At dahil iyon kay Shane, engaged na si Shane at Thunder. Ngayon lang... Ngayon ko lang nalaman!

Isang linggo na din akong hindi pumapasok dahil ayoko munang makita si Thunder. At baka pagpasok ko palang sa building na iyon ay itulak kaagad ako ng mga gwardya. At baka nga malaman kong nifire na pala ako ng magulang ni Thunder.

"Pero fiancee pa din naman niya di ba?" Napalingon ako kay Purple na nakatulala sa kawalan.

Bumagsak ang tingin ko sa basong hawak ko. Fiancee pa din ba niya ako? Simula kasi nung nangyaring pagtakwil sa akin ni Mrs. and Mr. Villanueva, hindi na ako nagtangkang pumasok sa Villanueva Brewery. Lagi na akong nasa condo ni Purple. At isa pa, fiancee pa ba ang tawag sa akin kung hindi na ako lagi ang kasama niya? At kung hindi na ako iyong gusto ng pamilya niya?

"Sa tingin ko, hindi na. Hindi na nga niya ako mahal e. Hindi man lang siyang nagtakang pumunta sa bahay."

"Ulol ka ba?" Natatawang untag niya. "Paano mo malalamang nasa bahay niyo siya kung sa condo kita natutulog? Naku! Baliw ka talaga."

Umiling na lang ako. Paano ko nga ba malalaman? Alangan naman ako ang pumunta sa bahay? Tssss. Wag na lang!

"Anong balak mo?" Tanong niya sa akin.

"Wala. Hahahahaha! Magpakasaya na lang tayo!" Hinila ko siya papunta sa dancefloor.

Nagpabigat pa siya ng una. Kaya nahirapan ako ng paghigit sa kanya. Pero marahas ko siyang hinila papunta sa dancefloor.

"Samahan mo na ako!" Hinila ko pa din siya papunta sa dancefloor.

At nang nahila ko din siya at agad akong sumayaw.

"Sayaw na!" Masayang utso ko sa kanya.

Sumayaw kaming dalawa pero halatang napipilitan lang siya. Sinasamahan niya lang akong makihalubilo sa dagat ng mga tao. Sa lakas ng tunog ng kanta ay sumasabay na 'to sa pagtibok ng puso ko.

Tinaas ko ang mga kamay ko at winagayway ito. "Wooooah! Party party!" Masayang sigaw ko.

"Raine, uwi na tayo." Bulong sa akin ni Purple.

"Tssss. Ang KJ mo talaga!" Humalakhak na lang ako.

Wala na din akong nagawa dahil mabilis niya akong hinila palabas ng bar. Pinunta niya ako sa parking lot at marahang pinasok sa loob ng kanyang kotse. At mabilis nagdilim ang paligid ko.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon