Purple's POV
Thunder refused to lend his book. Ilang beses ko na ata siyang pinatay sa utak. Kung pwede lang talagang pumatay ngayon, uunahin ko si Thunder.
Bumalik ako sa classroom, lukot ang pagmumukha. I went to Raniela, busy fixing her things. Inaya ko na lang siyang kumain sa canteen. Ayaw pa niyang sumama no'ng una pero napilit ko rin naman kalaunan.
"Anong gusto mo? Oorder na ako."
"Thunder," she said.
Naguluhan pa ako sa sinabi niya. Gusto niya bang kumidlat o gusto niyang makidlatan si Thunder? Oh, my brain sucks.
"I mean, shit, anything will do."
"Okay, then."
I ordered pizza and milktea. Nilapag ko na iyon sa lamesa. Raniela gave me a small smile before eating the pizza. Wala pang kalahati iyon ay binaba niya na at nakatulala naman siyang umiinom ngayon.
I should do something. Hindi naman pwedeng ganito na siya buong araw. Maybe I should talk to Yael, I think he can help her overcome this.
"Raniela, babalik lang ako sa room. May kukunin lang ako," paalam ko sa kanya.
"Huh? Anong kukunin mo do'n?" Kinagat niya ulit ang pizza at humigop sa milktea.
"I left my purse at my bag. Nandoon ang iba kong pera."
"Para saan ba? You have your wallet on you. Isn't that enough? I have my money—"
"No, it's fine. Para na rin mabawasan ang coins ko ro'n. Ang bigat-bigat sa bag, e." Kingina, namumuro na talaga ako. Bibingo na ako dito.
"Samahan na kita kung ganoon."
"Clingy mo naman, sis," pang-aasar ko. "Ubusin mo na lang 'yan. Sayang naman kung hindi mo uubusin."
"Sige na nga. Dalian mo ha! Baka makita ko si Thunder, hindi ako makapagpigil at masakal ko siya," pagbibiro niya.
I stood up and started walking. Nakatingin pa siya sa akin nang tumayo ako. Pinagmamasdan ang lahat ng galaw ko. I just smiled at her before she vanished on my sight.
I just took the elevator para mabilis. Kaso pinagsisihan ko rin naman agad iyon. Nasa pangatlong palapag ako nang bumaba iyon hanggang basement. 'Di ko nakitang pababa pala ang elevator na nasakyan ko.
Inip na inip ako dahil medyo nagtagal pa sa basement. Marami kasing nanggaling doon para umakyat. Fuck, hindi ko nga pala alam ang room nila Yael.
Halos isa-isahin ko na ang lahat ng room sa 4th floor. Ang alam ko ay pareho lang naman ng palapag ang room namin at ang room nila Yael. Nagsisi naman ulit ako. Maluwang ang buong palapag at maraming pasikot-sikot iyon. Muntik pa akong mawala.
Nawalan na ako nang pag-asa nang makarating sa dulo ng palapag. Baka wala naman talaga dito. Dapat pala tinanong ko na lang si Raniela kaysa nagpapagod ako dito.
Tagaktak na ang butil ng pawis ko sa noo at leeg. Hinayaan ko na lang iyon at pinagpatuloy ang paghahanap. Baka nandito lang iyon at nakaligtaan ko lang siya.
"Purple, anong ginagawa mo?" she asked when she caught me looking at their room.
"Louraine!" I said, almost jumping.
She's my friend. She was my classmate since junior high school. We're not classmates anymore since she took HUMSS strand.
"Sinong sinisilip mo diyan? May pinopormahan ka ba diyan?" biro niya.
"Baliw, hindi. I'm looking for Yael Ramirez. Alam mo ba kung anong room siya?"
"Of course. Everyone knows, except you," she chuckled. "Germany. That's his section."

BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...