Raniela's POV
Alas-syete na ng gabi. Gutom pa din ako. Naghapunan na kami kanina ngunit hindi ko nagustuhan 'yong ulam kaya hindi ako masyadong nakakain. Maghahanap na lang ako ng prutas sa may kusina. Baka sakaling maibsan ang subyang na dinaranas ko ngayon.
Lumabas ako ng kwartong iyon. Dumiretso ako sa pangalawang palapag. Tinahak ko ang daan papuntang kusina. Wala ng masyadong ilaw ang nakabukas. Binuksan ko ang ilaw sa kusina para makakuha ng prutas. Nakita ko ang tambak-tambak na prutas sa may cabinet.
Kumuha ako ng mansanas at agad itong nilapit sa bibig ko. Kumagat ako ng isa habang kumukuha pa ng orange. Mabilis kong pinatay ay ilaw dahil sa mahinhin na boses na narinig ko sa may sala.
"...Finally made it through the lonely
To the other side..."Unti-unti ko itong nilapitan hanggang sa nakarinig na din ako ng pagtugtog ng gitara.
"...You said it again, my heart's in motion. Every word feels like a shooting star. I'm at the edge of my emotions. Watching the shadows burning in the dark..."
Mas lalo akong lumapit dito hanggang sa maaninag ko na ang ulo ng taong iyon. Nakita ko ang medyo magulong buhok ng lalaki, nakakulay black ang tshirt na gamit niya.
Likod pa lang niya, kilala ko na.
"...And I'm in love. And I'm terrified. For the first time and the last time. In my only life..."
Gumilid at tumabi ako sa may nakita kong cabinet na malapit sa kinaroroonan niya. Ang ganda pala ng boses ng bugok na ito! Hindi ko ineexpect na magaling pala siya sa pagkanta at gitara.
"...I could be all that you needed
If you let me try..."Sa kakagilid ko, may nahulog na bagay. Hindi siya babasagin ngunit alam kong narinig ni Vladimir ang pagkakahulog noon. Napaliyad siya sa kinaroroonan ko. Nang nagtagpo ang mga titig namin ay marahan akong nagpeace sign sabay ng pagngiti.
"Ginagawa mo diyan?" Iritado niyang tanong.
Busangot ang mukha niya. Nakakunot ang noo niya sabay ng pagpapout ng labi niya. Bakit ang cute niya? Haynaku!
"Ahh... Ehh... Haha! Kumuha kasi ako ng pagkain sa kusina kanina. N-narinig kong may kumakanta. Hindi k-ko naman inakalang i-i-ikaw pala 'yon." Naiilang kong sagot.
"Come here." Utos niya.
Kinagat ko muna ang mansanas na hawak ko. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Umupo sa kaharap niyang sofa. Hindi naman kasi ako kasya sa sofa'ng inuupuan niya.
"Why?" Tanong ko.
"Bakit hindi ka lumapit kanina?" Tanong niya din.
"Huh?- Ahhhh 'yon ba! Hehehehe. Nakakahiya kasi. Ang ganda pa man din ng kanta mo. Halatang feel na feel mo 'yong music." Biro ko sabay nang pagtawa ko.
Hindi ko na kasi ito napigilan. Ewan ko kung bakit ako natatawa. Napatakip na lang ako ng bibig para mapigilan ang tawa ko.
"So, why are you laughing, then?" Tanong niya.
"Ahhh! Galing mo kasi, e. Hindi ko makapaniwalang magaling ka palang maggitara at kumanta." Sagot ko.
"Then, pinapalabas mong I don't have a talent." Giit niya.
"No. I mean, nakakapanibago lang kasi. Hindi ko lang ineexpect na ganito nga. Akala ko kasi mahilig ka sa business or paintings and drawings. Pero mas mahilig ka pala sa music." Paliwanag ko.
"Nasabi na ding magaling ako, ipaparinig ko na lang din sa'yo ito." Untag niya.
"Huh? Wait. Ano ba 'yang kinakanta mo? Pamilyar siya ngunit hindi ko mapagtanto kong ano talagang title."
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...