Prologue

42.3K 419 14
                                    

Prologue

"Yael, please? Gusto ko manood ng The Fault In Our Stars," patuloy pa rin ang pagpilit ko sakanya habang nakahawak sa kanyang braso.

"Eh? Sure ka ba? Baka mamaya bumaha dito ng luha mo."

Hindi ko napigilang sapakin siya. Kaso wala din lang 'yon sakanya dahil humagalpak lang siya ng tawa. Kainis talaga! Wala na ata siyang ibang gawin kung hindi asarin ako. 'Di ata mabubuo araw niya kung hindi niya ako mainis.

"Baliw! Sige na, please?"

Ngayon kasi ang araw ng 11th monthsary  namin ni Yael. At gusto kong panoorin ang The Fault In Our Stars kasi love na love ko talaga ang mga story ni John Green. Nabasa ko na ang The Fault In Our Stars, kaso gusto ko pa ding panoorin iyon.

Si Yael nga pala ang first love ko, ang first boyfriend ko. I hope he'll be my last. Yael is a kind of man that he'll do everything for his girl. Kapag kasama ko si Yael, there's no dull and sad moments. Unless, inaasar niya ako!

Hinigit niya ako malapit sakanya at hinawakan ng mahigpit ang baywang ko, tamang higpit lang para magkapalit kami. Binaba niya konti ang mukha para magkapantay kaming dalawa.

"Fine. Sa isang kondisyon," Aba! At humirit pa talaga siya. "Kiss me."

"Iyon lang pala, eh!"

Kaya tumingkayad agad ako para maabot ang pisngi niya. He groaned. Akala niya siguro'y hahalikan ko siya sa labi. Tinawanan ko siya nang makita ang ekspresyon niya.

"Ang daming tao, ikaw talaga napakakulit mo!"

"Wait, love... Iihi muna ako ha? Bago tayo bumili ng ticket sa sine," paalam nito sa akin.

Tumango lang ako sakanya at ngumiti.

Nakailang minuto din ang nakalipas nang biglang nakaramdam ako ng pagkatabig sa balikat ko. Lumingon ako para tingnan kung sino 'yon. It was just a man wearing his shirt with some printed on it.

"I'm sorry..." I said.

Kahit hindi ako ang may kasalanan, kailangan ko pa ding magsorry. Nahulog kasi iyong salamin niya. Pupulutin ko sana 'yon pero mas nauna na siyang pulutin ito.

"Tsss. Tumingin ka kasi sa daan."

My lips parted because of his sudden judgment. What the hell? Ako na nga ang tinabig, ako pa ang may kasalanan ngayon. He must be thanful dahil nagsorry pa ako.

"Wow! I was standing here bago mo ako tinabig. Sorry ha, sa'yo pa ata itong daan!"

Hindi ko napigilang magtaas ng boses dahil sa biglang pag-init ng ulo ko. Halos lahat ng dumadaan at nasa paligid ay nakatingin na sa aming dalawa.

He's a total jackass! Ako pa talaga may kasalanan ha? Sarap niyang bigwasin! Kanina lang ang saya-saya ko tapos sisirain ng lalaking 'to!

"That's the point! You're standing here like an idiot. Look! This is a mall. This place is a crowded place," iritado niya ring sabi. "Lastly, paharang-harang ka kasi!"

Hindi ko alam kung ano bang pinoponto ng lalaking 'to. Psh! Nakakainis siya! Panira ng araw!

"Nagsorry na nga ako di ba? Anong gusto mo? Magmakaawa ako at lumuhod sa harap mo?" I almost shrieked.

"Are you damn sure? You sound so sarcastic," he sounds bored.

Sinuot niya na ang salamin niya at dinaanan na lang akong parang walang nangyari. Siguro'y napansin na rin na gumagawa kami ng eksena dito. Nasa harap pa talaga kami ng sinehan! How funny.

"Hey, geek!"

Sa sobrang lakas ng boses ko, alam kong narinig niya iyon. Pero hindi man lang siya lumingon o kaya'y sumulyap sa akin. Baka mabigwas ko 'to ng wala sa oras! Napaka-attitude naman ng taong 'to.

"Sorry, okay?" I calmly apologize.

And then, he looked back and smiled darkly. I couldn't read his eyes. Sa kapal din naman ng salamin niya, imposibleng makita ko pa ang mga mata niya.

He didn't response again. Ang lakas ng boses niyang sigawan ako kanina. Tapos ngayon para siyang pipeng walang masabi.

Pinaningkitan ko siya ng tingin pero tumalikod ulit siya sa akin. I was about to follow him but I saw Yael. Naglalakad na siya palapit sa akin. Nang balikan ko nang tingin iyong lalaking nakaaway ko, he wasn't there anymore. He's gone.

And that's the day I'd already met the guy I called... geek.

Behind Those Glasses (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon