Raniela's POV
Agaran silang tumakbo papunta sa amin. Pati ako ay gulat ng bigla akong yakapin ni Vladimir. Hindi ko na napansin si Thunder dahil sa nangyari. Natulala ako at naestatwa sa lagay na iyon.
"I missed you damn much, Raine! Hindi ka man lang nagpasabi na nandito ka pala. I miss you!" Untag ni Vladimir habang nakayakap pa din sa akin.
"DON'T TOUCH ME, SHANE. GET LOST!" Nagulantang kaluluwa ko ng marinig ang sigaw ni Thunder. Nagpumiglas na din ako para makita si Thunder.
Napalunok ako ng makitang sobrang sama ng tingin niya sa akin. Ang kamao niya ay parang handa nang sumuntok. Mas nalungkot ako ng padabog siyang naglakad palayo. Hayst! Ang shunga kasi ni Vladimir e!
"Ahhh. Vlad." Pinilit kong ngumiti sa kabila ng lahat.
"What the fuck, Thunder?! Ano bang problema mo?!" Sigaw ni Shane habang hinahabol si Thunder. Ang kidlat naman sobrang tigas ng puso, ayaw mamansin o kaya'y lumingon man lang.
"Hayaan mo na sila..." Natatawang sabi ni Vladimir. Nilapit niya ang mukha niya sa akin, pero agad ko siyang tinulak. Hahalikan na naman niya kasi ako sa noo, at ayoko nang gawin niya iyon sa akin.
"Stop it, Vlad." Seryoso kong sabi sa kanya habang hawak ko ang balikat niya.
"W-What happened? May problema ka ba, Raine?"
Umiling agad ako, "Wala. Wala akong problema. Pagod lang siguro ako. Tara na. Matulog na tayo."
Nauna na akong naglakad sa kanya. Hindi ko alam kung sumunod ba siya sa akin o hindi. Ano kayang nangyari kay Thunder? Haynaku! Sobrang seloso talaga ng lalaking iyon.
"Raniela." Nasa harap na ako ng pinto ng kwarto ko ng narinig ko ang boses ni Vladimir. Sumunod ba talaga siya dito?
"Oh? Matutulog na ako, Vlad. Pagod ako ngayong araw." Pipihitin ko na sana iyong door knob ng biglang hawakan ni Vlad ang kamay ko at higitin. Pero mas kinagulat ko ay nang hagkan niya ako... sa labi.
Nanlaki ang dalawang mata ko. Agad kong tinulak si Vladimir at hindi nagdalawang isip na sampalin siya. Sampal na ngayon na lang ulit nagawa.
"Ano ba Vladimir! Bakit mo ginawa iyon? Tangina!" Wala na akong pakielam kung sinong makarinig sa amin. Tangina! Ano bang tumatakbo sa kokote nitong si Vlad?!
"Bakit galit na galit ka? Lagi ko naman ginagawa iyon sayo ha?"
"ABA PUTANGINA! NOON IYON, VLAD. NOON."
"Bakit? Ano bang pinagkaiba sa ngayon? At bakit ang big deal sayo kung halikan kita? Ano bang nangyayari sayo, Raniela?"
Nag-igting ang panga ko nang sabihin niya iyon. Iyon na nga e, wala siyang alam sa nangyayari!
"Marami, Vlad. At bakit mo ba kasi ako hinahalikan ng ganoon? Tangina. Di naman kita boyfriend." Sht! Galit na galit na si Thunder ngayon. Ang dami ko nang kasalanan sa kanya.
"Ano bang nangyayari-"
"STOP IT, VLAD. LEAVE ME ALONE." Pumasok na ako sa loob at sinaraduhan ko siya. Lakas ng loob! Tsss. Haynaku!
Gumapang na ako sa kama at humiga. Pinilit kong makatulog. Teka, bakit ako matutulog ka agad? Dapat kakausapin ko muna si Thunder di ba? Tsss. Pero paano ako lalabas? Baka nandiyan pa si Vladimir at mabigwas ko na kapag hindi na ako nakapagpigil.
Kinuha ko iyong cellphone ko at tinawagan kaagad si Thunder. Nung una ay hindi niya sinagot, pero nung pangalawa ay sinagot na din naman niya.
[What?] Iyan ang una kong narinig na salita galing sa kanya. Galit na nga siya. Ang bipolar talaga nito e!
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...