Raniela's POV
Kakauwi ko pa lang galing sa restaurant nina Xandy. Ang sarap pala ng nga wines and foods doon. Ngayon ko lang nalaman na ang iba pala'y gawa sa Europe pero ang kompanya din nila ang nagproproduce nito.
"Congrats, brad!" Sigaw ni Vladimir sa akin.
Buo ang kanyang ngiti. Nakaakbay ang kanyang kaliwang kamay sa balikat ko. Papasok pa lang kami ni Vladimir sa bahay para i-celebrate iyong nangyari.
"Naku! Eh, kamusta naman ang meeting niyo? Okay ba naman daw?" Tanong ko.
"Of course! Kaso nagkaproblema..."
Napakunot ako ng noo dahil sa sinabi niya. Okay lang daw pero may problema? Iyong totoo? Anong nakain ni Vlad ngayon? O baka naman pinasukan ng virus ang utak nito? Hindi naman siguro...
"Anong problema?" Tanong ko.
"Napag-usapan sa meeting na sa Pilipinas daw namin gagawin ang presentation. Mas maganda daw kasi kung doon gagawin at papalaguin." Tugon niya.
"Hahaha! E, bakit ang lungkot mo pa? Ayaw mo noon? Makakauwi ka na. Tsaka para naman din 'yon sa presentation niyo di ba?"
"I know. Pero... paano ka? Sinong maghahatid sundo sa'yo? Paano kung bigla ka nanamang sumulpot sa bar na walang kasama? Noong una ka ngang pumunta sa bar na 'yon, halos ubusin mo na ang margarita at vodka nila-"
Bago pa matapos sa kakasalita si Vladimir ay agad ko ng pinutol iyon. Kung ano-ano talaga iniisip ng bakulaw na 'to!
"Shhhh! Past na 'yon. At promise kong hindi na ako pupunta ng bar ngayong wala ka. Isa pa, baka uuwi din ako next week sa Pilipinas."
"Uuwi ka?" Tanong ni Vladimir.
Namuo ang ngiti sa labi niya. Kaya kumislap ulit ang kanyang napakagandang mga mata. Halos umabot na sa langit ang kanyang ngiti. Tsk! Kanina, halos hindi maipinta ang mukha nito dahil sa pagkalunos.
"Yeah. Sinabi kasi sa akin ni Xandy, kung magiging maayos ang trabaho ko sa V Brewery. Baka ilipat nila ako sa Pilipinas. Nandoon kasi ang iba sa magagaling na empleyado nila." Tugon ko habang nakangiti din.
"WAAAH! Nagpapasalamat talaga ako sa V Brewery!" Napasigaw si Vladimir at nagulat ako ng bigla niya na lang akong higitin at yakapin.
Sobrang higpit na yakap ang natanggap ko. Hindi ko na siya magawang yakapin dahil hindi ako makahinga. Buti na lang at humiwalay din siya. Ang lakas talaga ng saltik ng kumag na 'to!
Buong gabi ay nasa rooftop lang kaming dalawa. Mas maganda kasi dito kumpara sa iba pang parte nitong bahay. Dito kasi sa rooftop, kitang-kita ang pagkislap ng mga talag gaya ng pagkislap ng mata ng isang tao. Sobrang ganda ngayon ng buwan, fullmoon kasi siya. Nagpaganda pa ang mg buildings na makikita sa ibang panig ng California. Hindi naman din kami malayo sa syudad kaya maraming buildings ang maaaninag mo galing dito sa taas.
Nagising na lang akong nasa kama ko na ako nakahiga. Siguro'y habang nagkwekwento si Vladimir ay nakatulog ako. At siya na ang nagbuhat sa akin papunta rito. Tinignan ko ang oras, ala-sais palang. Sakto lang naman kaya agad na akong bumangon at inayos ang kama ko.
Kumaripas na ako sa paggalaw upang hindi ako malate mamaya sa pagpasok ko. Hanggang sa natapos nga talaga ako sa pagbibihis at pag-aayos sa sarili ko. Naka-sleeveless at dark blue jeans ang suot kong damit. Pinatungan ko ng denim jacket ang suot kong sleeveless dahil alam kong malamig na sa labas lalo na kapag babyahe ako. Nagboots na din ako para mas maayos ang sapatos ba isusuot ko. Wala pa kasing uniform na ibinibigay sa akin kaya wala pa akong disenteng maisusuot ngayon.
BINABASA MO ANG
Behind Those Glasses (EDITING)
RomanceEDITING. May mga bagay na hindi inaasahan. Mga pangyayaring hindi maiiwasan. At mga taong kahit anong gawin ay hindi mo magawang kalimutan. Dahil nga mapaglaro ang tadhana, pagtatagpuin ang dalawang taong hindi alam kung saan ang patutunguhan ang pa...
